Back

Umabot ng All-Time High ang Gold Habang Bumabagsak ang Bitcoin Dahil sa Lalong Init ng Tariff Tension ng US at EU

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Kamina Bashir

19 Enero 2026 04:53 UTC
  • Gold Nag-Record High Habang Tumitindi ang US–EU Tariff Tension, Lakas ang Safe-Haven Demand
  • Bumagsak ilalilm ng $95K ang Bitcoin, daming na-liquidate dahil sa bagong volatility.
  • Hati ang mga analyst kung hahabol pa ba ang Bitcoin o lalo pang mahuhuli kumpara sa gold

Kumilos ng magkasalungat ang Bitcoin (BTC) at gold matapos tumaas ang tensyon sa pagitan ni US President Donald Trump at ng European Union tungkol sa tariffs.

Habang nag-all-time high ang presyo ng gold dahil sa lumalalang geopolitical na gulo, bumagsak naman ang leading digital cryptocurrency. Paulit-ulit na ganito ang nangyari—katulad noong October—kaya muling uminit ang usapan kung ano ang posibleng mangyari sa dalawang asset na ‘to.

Trump Nagpatong ng Buwis, Mas Tumaas ang Init sa Trade ng US at EU

Noong January 17, 2026, inanunsyo ni President Trump na magkakaroon ng 10% tariff sa Denmark, Norway, Sweden, France, Germany, United Kingdom, Netherlands, at Finland simula February 1. Tataas pa ito sa 25% pagdating ng June 1 at mananatili hanggang makuha ng United States ang isang agreement na bilhin ang Greenland.

Habang nangyayari ito, nagkaroon ng emergency talks ang representatives ng walong bansang apektado ng bagong US tariffs nitong Linggo. Sa isang joint statement, sinabi nina President Costa at President von der Leyen na buo ang suporta ng EU para sa Denmark at mga tao ng Greenland, palatandaan ng solidong pagtutol nila sa latest move ng Washington.

Sinabi rin ng Financial Times na pinag-iisipan pa ng European Union ang mas malawak na countermeasure na puwedeng magkasama ang tariffs na aabot sa €93 billion ($107.71 billion) o paghihigpit ng US companies na pumasok sa market ng EU.

Tariff Shock: Lipat ang Investors sa Gold Habang Bagsak ang Stocks at Bitcoin

Agad nag-react ang markets sa balita tungkol sa tariffs, pero magkaiba ang direksyon. Lumipad ang gold at pumalo na sa $4,690/oz kanina sa Asian trading—panibagong all-time high (ATH).

Tumaas din ang silver at nag-record ng presyo mahigit $94/oz. Sa kabilang banda, bagsak ang stocks pag-open ng market.

Bumaba din ang Bitcoin kasabay ng ibang risk assets. Ayon sa BeInCrypto Markets data, bumagsak ang BTC sa ilalim ng $95,000 level.

Sa ngayon, nagte-trade ang BTC sa $92,574—bagsak ng 2.67% sa loob ng 24 oras. Nabawasan din ng halos $98 billion ang total crypto market cap sa parehong panahon.

Dahil sa pagbagsak ng presyo, nagkaroon ng sunod-sunod na liquidation sa buong crypto market. Sa nakaraang 24 oras, umabot sa $864.35 million ang total liquidation at mahigit $780 million dito galing sa mga long positions.

“Bumagsak nang halos -$4,000 ang Bitcoin habang $500 million na levered longs ang na-liquidate sa loob lang ng 60 minutes,” ayon sa Kobeissi Letter.

Kitang-kita rin ang contrast ng gold at Bitcoin tuwing magulo ang market dahil sa tariffs, at dito lumalabas ang malaking difference kung paano tinitingnan ng market ang dalawang asset. Solid pa rin si gold bilang safe haven at matibay na store of value tuwing may economic or geopolitical na gulo.

Pero si Bitcoin na madalas tawaging “digital gold,” mukhang napapabilang pa rin sa risk assets lalo na sa mga panahong mataas ang uncertainty. Sumusunod pa rin kasi ang price movement nito sa sentiment ng market, imbes na tanawin agad ito bilang safe haven.

Anong Pwede Mangyari sa Bitcoin Ngayong January?

May insight din si analyst Timothy Peterson tungkol sa mabagal na reaction ng Bitcoin sa announcement ni Trump. Sabi niya, kahit round-the-clock ang trading, hindi basta nag-react ang Bitcoin, mga 36 hours pa bago tuluyang bumagsak ang presyo—at nangyari lang ‘to nung pumasok na ang institutional trading sa Asia.

“Pinapakita lang nito na kadalasan, ang ‘news’ tungkol sa price movements eh kwento lang na ginagawa pagkatapos ng actual na galaw. Ang malala pa, maraming plebs ang nag-leverage pa rin, kahit halos isang araw na silang may warning na mangyayari ‘to (Pangatlong announcement na ‘yan ni Trump tungkol sa tariffs, at laging sunog ang Bitcoin). Walang masabi,” dagdag pa niya sa post niya.

Dinagdag pa ni Crypto Rover na baka malakas ang galaw ng market ngayong linggo dahil sabay-sabay yung malalaking polisiya na puwedeng mag-trigger ng volatility sa stocks at crypto.

“Banta ng EU tariffs sa trade flows na halos $1.5 trillion,” sabi niya. “Kapag nagsimula ang EU na mag-setup ng mga trade deal sa countries na kasabay ring sinasanction ng US, baka mapalayas ang US sa mga pangunahing trade routes. Ibig sabihin: Bearish sa global risk sentiment, bearish sa US stocks, bearish din sa dollar.”

Sinabi rin ni Rover na dagdag pa sa uncertainty yung Supreme Court decision na paparating—kahit sino ang manalo o matalo sa ruling, puwede pa ring maapektuhan at ma-pressure ang stocks pati cryptocurrencies.

Sa nangyayaring to, hati ang opinyon ng mga eksperto kung paano gagalaw ang Bitcoin. Sabi ni Mike McGlone, senior commodity strategist ng Bloomberg Intelligence, nagsa-suggest na mas malamang daw na patuloy bumaba ang Bitcoin-to-gold ratio papuntang 10x—ibig sabihin mas magandang performance ni gold vs. Bitcoin. Hindi raw ito basta babalik sa 30x pabor kay Bitcoin.

“Lahat inaasahan na pwedeng mag-rally ang Bitcoin kasabay ng gold at mag-all-time high. Pero masyado nang nabigyan ng mahabang panahon ang mga speculator para bumili. Mas malamang mangyari ay hindi makasabay ang Bitcoin sa gains ng gold at baka masira ang narrative na ‘digital gold’ siya, tapos magka-crash nang matindi,” post ni economist Peter Schiff.

Sinabi ng beteranong trader na si Peter Brandt na possible raw na mag-underperform ang mga asset na naka-dollar kumpara sa mga physical na commodities. Pwedeng di makasabay ang US dollar–denominated assets sa physical commodities. Ipinunto rin niya na hindi pa klaro kung anong role ng Bitcoin dito at pinredict niya na baka sunog ang value ng maraming altcoin.

“Babalik ang gold bilang pinaka-solid na store of wealth sa mundo. Yung mga assets na naka-USD, posibleng mabawasan ang value kumpara sa physical commodities — na, sa totoo lang, pwedeng kasama o hindi kasama ang Bitcoin. Ang mga altcoin, baka mas lalo pang mawalan ng value kaysa sa USD,” comment ng trader.

Pero kahit ganito ang sentiment ng ilan, meron pa ring optimistic na views. May mga analyst na umaasa pa rin na makahabol ang Bitcoin sa performance ng gold.

“Nag-add ng halos $10 trillion sa market cap ang gold noong isang taon. Hindi na ko magugulat kung yung kita na yun ay mailipat o i-diversify papunta sa bitcoin,” sabi ng isang market watcher.

Kahit mataas ang trade tensions at lumiit ang risk appetite ng market, malalaman din natin kung makakahabol ba ang Bitcoin o mananatiling gold ang tunay na safe-haven standard.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.