Sideways lang ang galaw ng Hedera’s HBAR matapos ang ilang araw na ‘di gaanong aktibong trading, na nagpapakita ng kakulangan ng malinaw na direksyon sa mas malawak na market.
Kahit pa mukhang tila hindi gumagalaw, mas active sa ngayon ang mga HBAR holders sa pag-shape ng momentum, kung saan may early signs na maaaring bumitaw na sa bearish pressure.
Ayaw Sumunod ng Hedera sa Takbo ng Hari
May kapansin-pansin na pagtalaas sa Chaikin Money Flow (CMF) indicator na nag-signal ng biglang pagbagal sa outflows. Magandang senyales ito dahil nagpapahiwatig na nababawasan ang selling pressure. Habang umaatras ang mga investors sa pagbebenta ng tokens, unti-unting nagiging positive ang pananaw.
Kung magtutuloy pa ang pag-ganda ng CMF at pumalo na ito sa ibabaw ng zero line, officially na magre-register ang HBAR ng net inflows. Ang ganitong pagbabago ay magpapakita ng renewed confidence sa mga traders na puwedeng maging sanhi ng upward price movement. Madalas na ang patuloy na pagpasok ng pera ay sumasabay sa pagtaas ng momentum, na makakatulong sa HBAR na makaalis sa kasalukuyang range nito.
Gusto mo ng ibat-ibang insights tungkol sa tokens? Mag-sign up para sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Mahalaga rin ang bumababang correlation ng HBAR sa Bitcoin. Pagkatapos ng mahigpit na correlation sa BTC nang higit sa tatlong linggo, bumaba na ngayon ang metric sa 0.62. Ibig sabihin nito ay nagiging mas independent ang HBAR sa trend ng Bitcoin at posibleng nagtutulak na ito ng sarili nitong direksyon.
Puwedeng maging beneficial ito dahil wala pa ring malinaw na recovery path ang Bitcoin. Kung tuloy-tuloy na dumi-diverge pa ang HBAR mula sa BTC habang gumaganda ang investor sentiment, baka mas gumanda ang performance ng altcoin kumpara sa mas malawak na market at magkaroon ng independent upside momentum.
HBAR Price Baka Patuloy Lang sa Sideways Move
Bumaba ng 5% ang presyo ng HBAR sa huling 24 na oras, na nagpapatuloy ng rangebound movement nito sa pagitan ng $0.150 at $0.130 halos tatlong linggo na. Malamang na magpatuloy ito kung walang lumabas na matinding catalyst. Pero, magandang senyales ang pagbuti ng CMF na posibleng maganap ang pagbabago sa ilalim.
Kung kayang i-capitalize ng HBAR ang lumalakas na supporta mula sa investors, puwede itong mag-bounce mula sa $0.141 na local support level at ma-retest ang $0.150. Kapag matagumpay itong makalusot sa barrier na ito, mabubuksan nito ang daan patungo sa $0.162, sinusuportahan ng pagtaas ng inflows at nabawasang selling pressure.
Pero, kung muli na namang bumagsak ang confidence ng investors, puwedeng bumagsak ang HBAR patungo sa key $0.130 support. Kapag nawala ang level na ‘yun, magiging invalid ang bullish-neutral outlook at maaari itong mapunta sa pagbaba ng presyo patungong $0.125.