Bumaba sa 56.32% ang global reserve share ng US dollar nitong Q2 2025, pero 92% ng pagbaba na ‘to ay dahil lang sa galaw ng exchange rate, hindi dahil binago ng central banks ang kanilang portfolio. Pag tinanggal ang epekto ng currency changes, maliit lang ang binaba nito — naging 57.67% — kaya ibig sabihin, halos hindi ginalaw ng central banks ang hawak nilang US dollar.
Sa bagong Currency Composition of Official Foreign Exchange Reserves (COFER) report ng International Monetary Fund (IMF), may mga insight dito na sobrang useful para sa mga crypto investor na laging nagbabantay ng macro trends. Ayon sa data, steady lang ang dollar allocation ng central banks, kahit na may malalakas na galaw sa palitan ng currency nitong Q2.
IMF: Hindi Bumitaw ang Central Banks sa Dollar Kahit Bumaba ang Value
Kinokolekta ng COFER dataset ng IMF ang currency reserves ng 149 economies, naka-base sa US dollar. Nitong Q2 2025, mukhang parang nagkaroon ng matinding galaw o pagbabago sa portfolio dahil sa malalaking pagbabago sa value ng mga currency.
Ayon din sa report, ang DXY index bumaba ng mahigit 10% sa first half ng 2025 — pinakamalaking bagsak nito mula pa noong 1973.
Bumaba rin ang US dollar ng 7.9% kontra euro at 9.6% kontra Swiss franc nitong Q2. Dahil sa mga pagbabagong ‘yan, bumaba rin ang reserve share ng USD mula 57.79% sa 56.32%. Pero nangyari lang ‘yan dahil sa exchange rate — hindi ‘yan dahil inilipat ng central banks ang kanilang hawak.
Pag inayos base sa parehong exchange rate, 0.12% lang talaga ang nabawas — naging 57.67%. Ibig sabihin, konti lang o halos walang binago ang central banks sa dollar reserves nila, na kumokontra sa mga kwento na malala na ang dedollarization sa buong mundo.
Ganon din sa euro: lumabas na umakyat sa 21.13% ang reserve share nito, tumaas ng 1.13 points. Pero gawa lang din ‘to ng galaw sa currency value.
Kung tatanggalin ang effect ng palitan ng pera, slight lang ang binaba ng euro share — 0.04 points lang — ibig sabihin, bahagya pang nabawasan ng central banks ang hawak nilang euro.
Ano’ng Ibig Sabihin Nito Para sa Bitcoin at Altcoins?
Ipinapakita ng analysis na ‘to na mahina ang macro signals para sa Bitcoin at iba pang digital assets na pinopromote bilang proteksyon kapag humihina ang US dollar. Hindi pa rin nag-diversify ang central banks kahit na bumagsak nang matindi ang value ng dollar.
Madalas i-highlight ang mga dedollarization trend bilang posibleng dahilan kung bakit pumapasok ang malalaking institutions sa crypto. Pero base sa COFER data ng IMF — kapag tinanggal na ang effect ng exchange rate — mukhang nakakalito pala ang mga trend na ‘to kung wala sa tamang context.
Kahit ang British pound parang tumaas ang share sa reserves nitong Q2, pero dahil lang din ‘yan sa palitan ng currency. Sa totoo, nabawasan pa ang actual na hawak. Ipinapakita lang nito na mas maganda kung lampasan mo ang mga headline number para talagang maintindihan ang galaw ng liquidity.
Mas accurate ang nabibigay na tanaw ng IMF study para sa mga investor, lalo na sa panahon ng volatile na markets. Kung kaya mo mahimay kung alin ang totoong policy move at alin ang pansamantalang pagbabago lang sa value, mas maganda ang mga decision mo sa crypto kung macro trends ang basehan.
Strategiya ng Central Bank sa Reserves at Kung Ano ang Sunod
Stable pa rin ang hawak ng central banks sa US dollar nitong Q2 2025, so ibig sabihin, tiwala pa rin sila sa traditional currencies kahit dumadami na ang options sa digital assets. Dinidiin ng IMF na importante talaga ang adjustment sa exchange rate para tama ang pag-analyze ng galaw ng reserves.
Priority ng central banks ang liquidity, returns, at risk management kapag nag-manage sila ng reserves. Malakas pa rin ang US dollar dahil malalim ang markets, gamit na gamit sa mga transaction, at established na ang sistema. Kulang pa sa mga aspetong ito ang mga digital asset.
Ipinapakita ng IMF methodology kung paano naaapektuhan ng currency changes ang reserve data. Nitong Q2, halos lahat ng nakitang pagbabago sa pangunahing currencies ay effect lang ng palitan ng pera — hindi dahil talagang nagbalasa ng portfolio ang central banks. Extra careful sila ngayong magulo pa ang market.
Malaking tulong ang mga findings na ‘to para linawin ang global trends na nakaapekto sa crypto markets. Para sa mga investor na curious kung dedollarization ba ang magpapalipad sa Bitcoin, mas ok na basehan mo sa exchange-rate-adjusted na data.