Nag-crackdown ang Enforcement Directorate (ED) ng India sa isang umano’y crypto scam operation sa Maharashtra, na nagdulot ng pinagsama-samang lugi ng investors na nasa Rs. 4.25 crore (mga $472,000).
Nagsagawa ang agency ng search operations sa tatlong lugar sa Nagpur noong January 7 gamit ang mga powers sa ilalim ng Prevention of Money Laundering Act (PMLA), 2002.
Tinarget ng India ED ang “Ether Trade Asia” sa Crypto Scam Imbestigasyon
Ayon sa press release, konektado ang mga lugar na sinugod sa grupo ni Nished Mahadeo Rao Wasnik at mga kasama niya. Ipinaliwanag ng ED na si Wasnik ang namumuno sa umano’y grupo na nagpapatakbo ng hindi ligal na online platform na tinawag na “Ether Trade Asia.”
Sabi ng investigators, nag-organisa ang grupo ng mga seminar para i-promote ang kanilang scheme sa mga mamahaling hotel sa Nagpur at ibang parte ng Maharashtra. Sa mga event na ‘to, inilapit daw ng organizers sa mga dumalo ang iba’t ibang investment opportunities na mapanlinlang. Sabi ng ED, layunin nila na “makapang-scam ng mga investor na walang muwang.“
“Dinisenyo at pino-promote nila yung Ether Trade Asia platform gamit ang scam na binary commission scheme—puno ng fake na promise—at inengganyo nila ang mga madaling mauto na investor sa sobrang taas na pangakong returns kapag nag-invest daw sa ‘Ethereum’ cryptocurrency, gamit ang iba’t ibang scheme ng M/s Ether Trade Asia. Sa ganyang paraan, napalaki nila ang perang nakuha mula sa publiko,” ayon sa press release.
Ayon sa agency, ginamit ng grupo para sa personal na pangangailangan ang perang nakuha nila. Tinatayang lampas Rs. 4.25 crore ang lugi ng mga victim. Ayon pa sa investigation, ginamit ng mga akusado ang pera para bumili ng mga property, both movable at immovable, na hawak nila directly o ng mga kamag-anak at mga entity na sila din ang may control.
Dinagdag pa ng authorities na ginamit din nina Wasnik at tropa ang parte ng funds para bumili ng cryptocurrency, at tinago ito sa mga personal wallet nila. Sabi ng ED, matapos ang pinakahuling search operation, nakakumpiska rin sila ng mga dokumentong may bigat sa kaso at ilang digital devices.
Pinatigil din ng ED ang bank balances na mas malaki pa sa Rs. 20 lakh (mga $22,000) at isang personal wallet na may digital assets na tinatayang nasa Rs. 43 lakh (mga $51,000). May nahanap din ang awtoridad na ilan pang mga property, kabilang ang ilang benami properties na nasa milyon-milyon ang halaga, na pinaniniwalaang binili ng mga akusado.
Kung hindi mo pa alam, ang benami property ay yung property na naka-pangalan sa isang tao pero ang totoong may-ari, o nagbabayad, ay ibang tao. Layunin nitong itago ang totoong identity ng owner. Galing ito sa salitang Hindi na “benami,” na ang ibig sabihin ay “walang pangalan.”
Dagdag pa rito, pinatigil din ng ED ang cryptocurrencies na worth Rs. 4.79 crore (mga $530,000) sa isang hiwalay na kaso ng land scam sa Chandigarh. Pareho pang ongoing ang investigation sa magkahiwalay na kasong ito.
Konektado ang mga investigation na ito sa mas malawakan pang action laban sa crypto-related scam at fraud sa India. Noong December, nabasag ng authorities ang isang malaking fake cryptocurrency-based na Ponzi at MLM scheme, kung saan libo-libong investor ang naloko at nawalan ng $254 million.
Nag-conduct din ng search operations ang Enforcement Directorate (ED) sa 21 na lugar sa Maharashtra, Karnataka, at Delhi. Target nito ang isa pang crypto-linked MLM scam na tumatakbo na sa loob ng halos 10 taon.