Welcome sa US Crypto News Morning Briefing—ito ang isa sa mga pinaka-importanteng crypto updates mo ngayong umaga. Dito mo makukuha ang mga kailangan mong malaman sa crypto world para sa araw na ‘to.
Kumuha ka na ng kape, kasi mukhang may panibagong signal na naman mula sa Wall Street na palakas na nang palakas ang institutional na involvement sa crypto. Gumalaw na naman ang JPMorgan at nilipat na nila ang isa sa mga core finance products nila papunta sa blockchain. Ang tanong ngayon ng mga market watcher: testing lang ba ‘to, o simula na ng mas malalim na paggamit ng Ethereum bilang economic infrastructure?
Crypto Balita Ngayon: JPMorgan Ginawang On-Chain ang Money Market Gamit ang Ethereum Fund
Muling lumalim ang involvement ng JPMorgan Chase sa blockchain finance dahil nag-launch sila ng una nilang tokenized money market fund sa Ethereum network.
Ayon sa WSJ, pinaandar na ng asset-management arm ni JPMorgan na may hawak na $4 trillion ang fund na tinawag na My OnChain Net Yield Fund, o MONY. Private money market fund ito na dineploy sa Ethereum at gamit ang tokenization platform ng bangko na Kinexys Digital Assets.
Bibigyan muna ng JPMorgan ng $100 million ng sariling capital ang fund bago pa ito buksan sa mga outside investor. Ibig sabihin, sila mismo ay naniniwala sa potential ng mga tokenized financial products.
Ang MONY ay para lang sa institutions at mga mayayamang investor. Qualified investors lang ang pwede sumali dito: mga indibidwal na may at least $5 million na investable assets, at mga institutions na minimum $25 million ang hawak, pati na rin dapat may minimum na $1 million na investment.
Makakakuha ng digital tokens ang mga investor, na nagtatrabaho bilang representation ng shares nila sa fund. Sa madaling salita, nadadala na sa blockchain ang dating tradisyonal na money-market exposure, pero nananatili pa rin ang kita na sanay na sila.
Ayon din sa report, sinabi ng mga boss sa JPMorgan na malaki ang client demand kaya nila nilaunch ang product na ito.
“Sobrang dami ng interes ng mga client pagdating sa tokenization,” sabi sa isang bahagi ng report na kinquote si John Donohue, head ng global liquidity sa JPMorgan Asset Management.
Dinagdag pa niya na inaasahan din ng kumpanya na sila ang magiging leader dito sa space sa pamamagitan ng pag-offer ng blockchain versions ng classic na money-market products.
Nangyari ang launch ng MONY kasabay ng pagbilis ng galaw ng tokenized assets sa Wall Street, lalo na matapos maipasa ang GENIUS Act ngayong taon.
Sa law na ito, nagka US regulatory framework na para sa stablecoins at marami ang naniniwala na dahil dito, mas mapapabilis pa ang tokenization ng mga funds, bonds, at real-world assets.
Simula noon, mga malalaking financial institutions na mismo ang nag-eexplore ng blockchain bilang pangunahing market infrastructure, hindi na lang basta experiment sa gilid.
Para naman sa Ethereum, ang decision ng JPMorgan na ilagay ang MONY sa network nito ay parang matinding institutional na thumbs up. Sinabi nga ng Fundstrat co-founder na si Tom Lee na “bullish for ETH” ang move na ‘to.
Ipinapakita ng comment na ‘yan kung paano nadadagdagan ang actual na gamit ng Ethereum sa totoong mundo—dahil mas dumadami ang transactions, execution ng smart contracts, at mas nauugnay na ito sa global finance.
Nakiayon din ang ibang crypto commentators sa sentiment na ito, at meron pang nagsabi na nagiging imposible nang i-ignore ang papel ng Ethereum bilang settlement layer para sa regulated financial products.
JPMorgan vs BlackRock: Tokenized Money Market Funds, Simula na ba ng Panibagong Era sa Finance?
Kung iisipin, parang naikumpara rin ang galaw ng JPMorgan sa tokenized money market fund ng BlackRock na BUIDL. Lumaki na ito sa roughly $1.83 billion na assets under management base sa data sa public blockchain.
Pareho silang nag-iinvest sa short-term US Treasuries, repurchase agreements, at cash equivalents. Pero si BUIDL, multi-chain ang strategy at iba rin ang partner niya sa tokenization.
Mapapansin natin na ang dalawang funds na ‘to ay nagpapakita ng trend na ang mga TradFi firms ay gumagalaw na papunta sa blockchain. Ginagamit nila ito para gawing mas modern at competitive ang mga mababang-risk na products na may yield.
Sabi rin ng mga analyst, ang tokenization ay chance para makasabay ang mga traditional money market fund sa stablecoins, pati narin para magbukas ng bagong paggamit tulad ng on-chain settlement, programmability, at mas madaling pag-transfer.
Kumbaga, dati nang nag-experiment ang JPMorgan sa tokenized deposits, private equity funds, at institutional payment tokens. Kaya mukhang ang MONY, parte ng long-term strategy nila at hindi lang basta pilot project.
Habang lumilinaw pa ang rules sa regulation at dumadami ang institutions na sumasali, mas tumitibay ang kwento na ang blockchain, na dati ay parang pang-hobbyist lang, ngayon ay nagiging essential na parte ng modern finance.
At para sa Ethereum, possible na isa ito sa pinaka-matinding signal na nakita ng market so far.
Chart of the Day
Quick Alpha Updates
Narito ang mga iba pang pangyayari sa US crypto news ngayon na dapat mong abangan:
- Nag-all-time high ang Russell 2000 at muling nagpapakita ng kasabay na galaw ng Bitcoin noon.
- May isang malaking XRP price level na lumitaw — kapag na-hold ito, posibleng tumaas ng 9% ang presyo.
- Top 3 price predictions: Pinapakita ng Bitcoin, gold, at silver na malaking turning point na ang nangyayari sa market.
- Ano ang ibig sabihin ng hati sa pagitan ng stock at crypto investors para sa future ng market?
- Pinutakti ng kiritisismo si Base creator Jesse Pollak matapos i-endorse ang Soulja Boy–linked meme token.
- Naubusan ng whale support ang Bitcoin? Pero makikita sa history na posible pa rin umakyat ang presyo.
- Mataas ang Yuan ngayon—14-month high—dahil sa hiwalay-hiwalay na moves ng Fed, BOJ, at PBOC, may epekto din ito sa crypto market.
- Coinbase CLO Paul Grewal: Sinabi ng NYT na walang mali sa SEC crypto story — eh bakit ganon ang headline?
Quick Look: Galawan ng Crypto Equities Bago Magbukas ang Market
| Kumpanya | Pagsara noong December 12 | Pre-Market Overview |
| Strategy (MSTR) | $176.45 | $176.75 (+0.17%) |
| Coinbase (COIN) | $267.46 | $268.40 (+0.35%) |
| Galaxy Digital Holdings (GLXY) | $26.75 | $26.75 (0.00%) |
| MARA Holdings (MARA) | $11.52 | $11.56 (+0.35%) |
| Riot Platforms (RIOT) | $15.30 | $15.31 (+0.065%) |
| Core Scientific (CORZ) | $16.53 | $16.65 (+0.73%) |