Biglang bumaliktad ang momentum ng Bitcoin (BTC) ngayon sa fourth quarter. Dati, inaasahan ng mga analyst na tataas pa lalo ang BTC at magse-set ng bagong all-time high. Pero ngayon, marami na ang nagdududa kung kaya pa ba ng BTC na bawiin kahit yung dating peak nito. Nire-revise na rin pababa ang mga forecast dahil humina ang performance.
Nangyayari ang bagsak na to kahit mukhang on the side ng crypto ang macro environment. Nababawasan ang demand, humihina ang market, at parang nagde-decline din ang confidence ng mga tao. Ano nga ba ang nagbago? Kinausap ng BeInCrypto si Ryan Chow, Co-Founder ng Solv Protocol, para talakayin kung ano ang dahilan ng shift sa galaw ng mga investor at kung anong kailangan ng Bitcoin para mag-shine sa 2026.
Paano Nakuha—at Nawalan—ng Bitcoin ang Institutional Demand sa 2025
Kung titignan ang history, usually fourth quarter ang pinakamalakas para sa Bitcoin — umaabot sa average return na 77.26%. Mataas pa nga ang expectations para sa 2025 lalo na’t napabilis ang institutional adoption at dumarami ang mga public company na naglalagay ng Bitcoin sa kanilang reserve.
Pero imbes na lumipad, biglang umatras ang market. Bagsak ng 20.69% ang Bitcoin ngayong Q4, taliwas sa dati na ito dapat ang pinaka-bullish na period nito.
Ayon kay Chow, simula ng 2025, ginanahan talaga ang mga institusyon na mag-join sa market.
“Nagkaroon ng spot ETF, ETPs, at mga bagong mandato. Dahil dito, parang nagkaroon ng access shock — hinahabol lang talaga ng mga institusyon yung tamang amount ng Bitcoin sa portfolio nila, kaya automatic ang inflow at napataas talaga ang presyo,” sabi niya.
Pero pagsapit ng late 2025, nag-iba na ang galaw. Sabi ni Chow, nakapwesto na yung mga structural buyer at napilitan na ngayon ang Bitcoin na makipag-compete laban sa tumataas na real yield.
Nang di na ulit makaset ng bagong all-time high ang crypto, nagsimula na magtanong yung mga chief investment officer kung bakit sila magho-hold ng asset na walang yield, gayong sa T-bills, corporate credit, at AI-driven stocks, automatic na may kita kahit hold lang.
“Sa tingin ko, ngayon lang talaga naharap ng market yung matagal na sanang obvious: may hangganan din ang passive holding. Ang mga retail, nagba-buy and sell na, ang mga kumpanya, tumigil na sa pag-iipon ng Bitcoin, at yung mga institution, umatras na. Pero hindi dahil wala na silang tiwala kay Bitcoin, kundi dahil hindi na justified ng market design ngayon na mag-all in sila dito sa panahon na mataas ang rates,” dagdag pa ni Chow.
Sinabi rin ng executive na nag-iba na talaga ang structure ng market ng Bitcoin. After ng ETF at halving trades, naging punuan na ang macro position ng Bitcoin. Pinaliit nito ang opportunity sa repricing at nasa carry-and-basis set-up na ngayon, kung saan mga professional trader na ang kumokontrol.
Yung sobrang simpleng formula dati na “ETF + halving = number go up“, tapos na. Sa susunod na phase, utility at risk-adjusted yield na ang kailangan. Sabi pa niya sa BeInCrypto,
“First half ng 2025, para sa access talaga. Nagmadali lahat para makapagbuo ng Bitcoin position. Pero sa second half, opportunity cost na ang labanan. Ngayon, dapat kumita na talaga ng spot si Bitcoin sa portfolio kumpara sa mga assets na automatic binabayaran ka kapag hinold mo sila.”
Ang Bitcoin, na madalas tinuturing na digital gold, matagal nang ineendorse bilang hedge laban sa inflation. Kinilala naman ni Chow na parang ganun pa rin ang identity nito bilang store of value. Pero para sa mga institution, hindi sapat na kwento na lang ito.
Expert Nag-share Kung Ano ang Pwede Makatulong Para Mabalik ang Interest ng mga Institusyon sa Bitcoin sa 2026
Ipinunto ni Chow na baka sobrang nililiit ng market yung impact ng macro changes na mangyayari sa 2026. Para sa kanya, kung di magiging productive capital ang Bitcoin, mananatili lang itong pagulong-gulong na asset na nakadepende sa liquidity.
Sa ganitong scenario, tingin ng mga institution dito pang-trading lang, di pang long-term na investment.
“Hindi na sapat na narrative lang ang bitbit ni Bitcoin. Kailangan niya na ring mag-offer ng yield, kung hindi magiging discounted siya palagi sa market. Yung volatility na nararanasan ngayon, parang ginigising na ang Bitcoin para mag-mature,” komento niya.
So, anong klaseng safe at regulated yield product ang pwedeng bumalik sa radar ng mga institution sa 2026? Sabi ni Chow, ang labanan talaga — regulated, cash-plus Bitcoin strategies na parang pang-traditional investment: malinaw na legal wrapper, may audited reserves, at transparent ang risk profile.
May tatlong kategorya siyang binanggit:
- Bitcoin-backed cash-plus funds: BTC na naka-custody sa qualified na custodian at ginagamit sa on-chain Treasury bill o repo strategies. Target nito ang extra 2 hanggang 4% yield.
- Over-collateralised BTC lending at repo: Regulated vehicles na nagpapautang laban sa Bitcoin sa top-tier na borrower. Ginagamitan ng on-chain monitoring, mababang LTV, at hiwalay na struktura para safety kahit magka-default.
- Defined-outcome option overlays: Covered call at iba pang strategies na nilalagay sa kilalang regulatory frameworks tulad ng UCITS o 40-Act vehicles.
Para sa lahat ng yan, di pwedeng isantabi ang mga requirements tulad ng regulated manager, hiwalay na account, proof-of-reserves, at dapat compatible siya sa ginagamit ng mga institution para sa custody.
“Hindi kakaibang produkto ang magbabalik ng mga institusyon dito. Mukhang Bitcoin-backed cash-plus funds, repo markets, at defined-outcome strategies lang ang kailangan — mga kilala na nilang approach at risk controls, ‘yun nga lang powered na ito ng Bitcoin sa ilalim,” paliwanag ni Chow.
Binanggit din niya na hindi kailangan ng mga institusyon ng 20% DeFi APY na kadalasan eh red flag na agad. Kung makakakuha sila ng netong 2% hanggang 5% annualized return gamit ang transparent at collateralized strategies, sapat na ito para maging “core reserve asset” ang Bitcoin imbes na parang “nice to have” lang.
“Hindi kailangan ng Bitcoin na maging high-yield product para manatiling relevant. Kailangan lang niya mag-shift mula zero percent at mag-offer ng konti pero malinaw na ‘cash-plus’ profile para ‘di na ituring ng mga CIO na dead capital ito,” dagdag pa ng co-founder ng Solv sa BeInCrypto.
Paano Talaga Nagwo-work ang Bitcoin Yield sa Totoong Buhay
Detalyado ring sinabi ni Chow na kapag naging productive capital ang Bitcoin, mag-iiba ang tingin dito — mula parang gold bar na walang ginagawa, magiging top-quality collateral na puwedeng gamitin sa pag-fund ng T-bills, credit, at liquidity sa iba’t ibang lugar. Sa ganitong setup, magdi-deposit ang mga kumpanya ng BTC sa regulated on-chain vaults, makakatanggap sila ng yield-bearing claims, at may malinaw silang access o view sa mismong assets na pinagputahan ng pera nila.
Gagamitin din ang Bitcoin bilang collateral sa repo markets, pang-margin sa derivatives, at pang-back ng structured notes para suportahan pareho ang on-chain investment strategies at off-chain working capital.
Ang resulta: multi-purpose instrument ang Bitcoin — ginagamit bilang reserve asset, funding asset, at yield-generating asset nang sabay. Para na siyang Treasuries ngayon, pero nasa global, 24/7, at programmable environment.
“Kung tama ang pagkakagawa nito, ‘di na lang ‘holding Bitcoin’ ang pinag-uusapan ng institusyon. Imbes, ‘funding portfolios with Bitcoin’ na ang galawan. Magiging neutral collateral na tahimik na nagpapaandar ng T-bills, credit, at liquidity sa tradisyonal at on-chain markets,” sabi pa ni Chow.
Institutions Hanap Kita: Kakayanin Bang Magbigay ng Bitcoin Nang ‘Di Nasisira ang Principles Nito?
Bagama’t nakaka-excite ang mga application, ang tanong: kaya ba ng Bitcoin mag-support ng regulated at risk-adjusted yield sa malawakang scale nang hindi nasisira ang core principles nito?
Ayon kay Chow, kaya — basta igagalang ng market ang layered architecture ng Bitcoin.
“Simple at conservative ang base layer; nasa taas ang yield at regulation, na may solid na bridges at transparency standards. Simple at decentralized pa rin ang Bitcoin L1, habang nasa productive layer na ‘yung L2s, sidechains, o RWA chains kung saan gumagalaw ang wrapped Bitcoin kasama ang tokenized treasuries at credit,” paliwanag niya.
Inamin ng executive na marami ring technical na challenges na kailangang solusyunan. Kailangan mag-evolve ang ecosystem — mula sa trusted multisig setup, kailangan na ng mas malakas at institution-grade na bridging. Bukod pa dito, kailangan ng standardized na one-to-one-backed wrappers at real-time na risk oracles.
“Ideological challenge ang mas mahirap: after ng CeFi collapse, todo ang pagdududa. Ang solusyon dito: radical transparency, on-chain proof-of-reserves, klarong mandates, walang tinatagong leverage. Importante rin: optional pa rin mag-gamit ng productive Bitcoin; valid pa rin ang self-custody. ‘Di natin kelangan baguhin ang base layer ng Bitcoin para maging productive. Kailangan nating buuin ang disiplina sa financial layer sa ibabaw, na puwedeng pagkatiwalaan ng institutions at ma-verify ng cypherpunks,” dagdag pa ng executive.
Malinaw ang mensahe ni Chow: Ang susunod na yugto ng Bitcoin, hindi na kwento o speculation ang batayan — kundi matinding disiplina sa financial engineering. Kapag naipakita ng industriya na posible ang transparent, regulated, at yield-bearing structures nang hindi nasisira ang core values ng Bitcoin, babalik ang mga institusyon — hindi na lang bilang momentum traders, kundi bilang long-term allocators na talaga.
Patunayan ni Bitcoin na may silbi at kredibilidad sa mundo na ang demand ay productivity ng kapital — ‘yan ang daan papuntang 2026.