Back

Naglabas ng Bagong Medium at Long-Term Bitcoin Predict sina Ki Young Ju at Peter Brandt

author avatar

Written by
Nhat Hoang

23 Disyembre 2025 14:15 UTC
Trusted
  • Nahihirapan si Bitcoin sa short term habang bumababa ang stablecoin reserves at humihina ang demand ng retaile
  • Humihina ang Medium Term Outlook Dahil Huminto ang On-Chain Inflows at Bumababa ang Profit Signals
  • Long-term Analysts Naniniwalang 2029 na ang Next Peak ng Bitcoin Bull Market

Kahit tuloy-tuloy ang malakas na pagbili ng mga Bitcoin ETF at DATs ngayong taon, hindi pa rin nahikayat ng Bitcoin ang mga regular na retail investor na sumali gaya ng dati.

Kilala at respetadong market analyst tulad ni Ki Young Ju, CEO ng CryptoQuant, at vet na trader na si Peter Brandt, naglabas ng kani-kanilang latest na forecast para sa Bitcoin. Yung mga insight nila nagbibigay linaw sa short term, medium term, at long term na outlook ng Bitcoin.

Short Term na Forecast

Sa short term, mukhang mahihirapan pa ring bumawi ang Bitcoin. Makikita to sa pababang stablecoin reserves ngayon.

Ayon sa data ng CryptoQuant, grabe ang binaba ng stablecoin reserves sa mga major exchange. Umabot sa halos $1.9 billion yung nailabas na pondo sa loob lang ng 30 araw.

Stablecoin Reserves (ERC20-Token) on Exchanges. Source: CryptoQuant.
Stablecoin Reserves (ERC20-Token) on Exchanges. Source: CryptoQuant.

Kilala ang Binance bilang main liquidity hub ng market kasi dito madalas magtabi ng stablecoin yung mga gustong bumili. Pero base sa data, grabe rin ang bagsak ng ERC-20 stablecoin reserves sa Binance at iba pang centralized exchanges. Pinapakita nitong trend na maraming retail investor ang umaalis o nag-e-exit sa market.

“Ibig sabihin ng galaw na ‘to, kulang na talaga sa interes yung investors na mag-stay sa market ngayon. Imbes na maghintay pa ng buy opportunity habang nasa exchange ang stablecoin, mas pinili ng iba na tanggalin na lang muna,” comment ni analyst Darkfost sa analysis niya.

Dahil dito, kulang ang buying pressure para sa Bitcoin sa short term, kaya limitado yung pwedeng itaas ng presyo.

Medium-Term Outlook: Ano ang Pwede Mangyari sa Susunod na Mga Linggo?

Sa medium term naman, napansin ni Ki Young Ju ng CryptoQuant na unti-unti nang lumiliit ang capital inflow mula sa on-chain patungong Bitcoin.

Pinaliwanag niya sa isang X post na halos 2.5 taon na nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng realized cap, pero nitong nakaraang buwan ay parang nag-flatline na. Yung metric na ‘to sinusukat ang kabuuang halaga ng Bitcoin base sa pinakahuling bilihan.

PnL Index Signal. Source: CryptoQuant.
PnL Index Signal. Source: CryptoQuant.

Kita rin sa mga data na yung PnL Index Signal – ito yung nagta-track ng tubo o lugi base sa cost ng lahat ng wallet – sideways since early 2025. Palalim na rin yung downward trend papalapit ng year-end, senyales na nadadagdagan yung mga talo o loss.

“Baka abutin pa ng ilang buwan bago makabawi ang market sentiment,” sabi ni Ki Young Ju sa kanyang predict.

Long-Term Outlook: Ano ang Pwedeng Mangyari Sa Mahabang Panahon?

Pangmatagalan, maraming analyst ang nananatiling bullish para sa Bitcoin. Si Peter Brandt na ilang dekada nang nagtra-trade simula pa 1975, kumpiyansang tataas pa rin ang Bitcoin.

Sa recent na post niya sa X, sinabi ni Brandt na anim na beses nang nagkaroon ng parabolic growth yung Bitcoin sa loob ng 15 taon. Kada tumaas, nasundan lagi ng matinding pagbagsak na hindi baba ng 80%. Ayon kay Brandt, hindi pa tapos ang kasalukuyang bull-bear cycle.

Nung tinanong siya kung kailan posibleng magsimula yung pinaka-low ng market, walang exakto sagot si Brandt. Pero nilinaw niya na baka mag-top ang next bull run around September 2029.

Nakabase yung insights niya sa galaw ng previous cycles. Pansin din niya na habang tumatagal ang market, mas tumitindi yung tagal at mas maliit na ang returns kumpara noon.

Bilang buod, sinasabi ng mga analyst na kakailanganin pa ng ilang buwan bago makabawi si Bitcoin. Hindi basta-basta aabot agad sa bagong all-time high.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.