Inanunsyo ng South Korea ang isang malawakang digital asset strategy ngayong Biyernes na parte ng “2026 Economic Growth Strategy.” Ibig sabihin nito, malaking pagbabago ang gagawin nila pagdating sa polisiya—mula sa sobrang higpit ng regulation papunta sa pagtanggap ng crypto sa buong institusyon at pag-develop ng crypto industry.
Sakop ng plano ang paggawa ng stablecoin na batas, spot ETF approval, at paggamit ng blockchain bilang bagong paraan ng government payments. Ito na ang pinaka-matinding pagbabagong gagawin ng Korea pagdating sa crypto simula nang bumagsak ang Terra-Luna noong 2022.
Stablecoin Framework, Unti-unting Nabubuo
Binalita ng Financial Services Commission (FSC) na tatapusin nila ang tinatawag na “Digital Asset Phase 2 legislation” sa unang quarter ng 2026. Layunin nito na magkaroon ng malinaw na regulasyon para sa mga stablecoin.
Sa bagong rules na ito, kailangan ng stablecoin issuers ng government authorization kapag na-meet na nila ang capital requirements. Kailangan din nilang maglaan ng reserve assets na katumbas ng 100% ng lahat ng inilalabas nilang tokens at siguraduhin na laging puwedeng maredeem ng users ang kanilang tokens.
Gusto ng bagong framework na iwasan ang mga pagbagsak gaya ng Terra-Luna incident noong 2022. Sa incident na ‘yun, halos $40 billion ng market value ang nawala at nagdulot ito ng global crackdown sa algorithmic stablecoin projects.
Plano rin ng gobyerno na gumawa ng rules para sa cross-border transactions gamit ang stablecoin. Kung mabibigyan ng green light, puwedeng maging open na ang blockchain para sa paggamit nito sa trade settlements at padala sa ibang bansa.
Mukhang Malapit Na ang Spot Crypto ETFs
Para mas lalo pang ma-adopt sa institutional level, kumpirmado na ng South Korea na mag-i-introduce sila ng spot digital asset ETFs ngayong taon.
Sinundan nila ang matagumpay na launch ng spot Bitcoin ETFs sa US noong January 2024 at mga kaparehong produkto sa Hong Kong. Dati, hindi pinapayagan ng regulasyon sa Korea ang crypto bilang underlying asset para sa ETF kaya hindi makainvest dito ang mga Korean investor.
Ina-expect ng mga market observer na bibilis ang institutional participation dahil dito—puwedeng pumasok ang mga pension fund at pati na ang corporate treasuries.
Government Gumagamit na ng Blockchain para sa Public Finance
Pinaka-malaki siguro sa lahat ng plano nila, gusto ng South Korea na gamitin ang blockchain technology sa mismong mga operations ng gobyerno. Target nila na by 2030, one-quarter ng lahat ng national treasury disbursements ay gagawin na gamit ang digital currency, lalo na ang deposit tokens.
Magla-launch ng pilot program ang gobyerno sa unang kalahati ng 2026 kung saan gagamitin ang deposit tokens sa pagbibigay ng subsidies para sa electric vehicle chargers. Kung maging successful, puwedeng i-expand pa ito sa ibang government vouchers at subsidies.
Sa approach ng gobyerno na ito, puwedeng ma-track agad in real time ang paggamit ng pondo. Parang mahihinto na ang subsidy fraud at malaki rin ang matitipid nila sa admin costs.
Inaasahan na matatapos ang mga supporting na batas (tulad ng amendments sa Bank of Korea Act at National Treasury Act) hanggang dulo ng 2026.
Malaking Bago Para sa Crypto Policy ng Korea
Para sa mga analyst sa industriya, game-changer ito para sa digital asset scene sa South Korea.
“First time na officially kinilala ng gobyerno ang virtual assets bilang legit na financial at fiscal tool—hindi lang basta pang-speculate,” ‘yan ang sabi ng isang market commentator.
Pinapakita ng matinding strategy na ‘to na gusto n’g Korea na makipagsabayan sa global digital asset race—lalo na ngayon na ‘yung mga top economy, nagpapa-bilis din sa sariling crypto at stablecoin regulations nila.