Iniulat ng Chainalysis na mahigit sa $2.17 bilyon sa digital assets ang nanakaw sa unang kalahati ng 2025, kung saan nasa 69% ay konektado sa mga insidente sa centralized exchanges. Matapos ang ilang taon ng ganitong mga insidente, natutunan ng industriya na hindi puwedeng basta-basta na lang pagkatiwalaan, kailangan itong patunayan.
Habang tumitindi ang regulatory scrutiny at mas humihiling ng transparency ang mga institutional participants, nagsisimula nang i-adopt ng mga exchanges ang mga verifiable security models. Ipinapakita nito ang paglipat mula sa “trust us” era patungo sa isang framework kung saan ang controls, reserves, at risk systems ay pwedeng independent na ma-test, ma-audit, at ma-validate.
Ipinapakita ng KuCoin kung paano ginagamit ng exchanges ang regulatory pressure para sa measurable security frameworks.
Certifications ng KuCoin: Patunay ng Kanilang Transparency
Pinatibay ng KuCoin ang lahat ng layer ng kanilang security at transparency framework. Binago nila ang core systems, dinisenyo muli ang wallet architecture, at nag-integrate ng third-party audits sa lahat ng operasyon, na nagpapakitang committed sila sa verifiable user protection at long-term accountability. Ang approach na ito ay nagpapakita kung paano mag-eevolve ang major exchanges habang nagiging bagong competitive benchmark ang “provable transparency”.
Noong TOKEN2049 Dubai ngayong taon, sinabi ni KuCoin CEO BC Wong na pumapasok na ang industriya sa bagong yugto kung saan hindi na sapat na mag-launch agad ang exchanges at mag-adjust na lang kalaunan. Binibigyang-diin niya na ang exchanges ay naging essential na parte ng financial infrastructure. Importante na makipagtulungan sa regulators mula umpisa at mag-build ng tiwala hindi lang sa users kundi pati sa buong financial ecosystem.
Pinatatag ng kanyang mga pahayag ang direksyon na matagal nang tinatahak ng KuCoin. Sa pamamagitan ng kanilang $2 Billion Trust Project, naglaon sila ng limang taon sa pag-overhaul ng security architecture, wallet infrastructure, at risk management systems. Ang proyektong ito ay dinisenyo para gawing prinsipyong engineering ang transparency, hindi lang pang-marketing na claim.
Bilang bahagi ng effort na yon, humingi ang KuCoin ng independent verification para patunayang ang kanilang controls, processes, at data protection frameworks ay tugma sa international standards. Bawat certification binibigyang diin ang iba’t ibang layer ng tiwala.
Nasa apat na malalaking international certifications ang hawak ngayon ng KuCoin, isang kombinasyon na wala pang ibang major exchange sa ngayon:
- CCSS (Cryptocurrency Security Standard) — isang crypto-specific framework na tumitingin kung paano gina-generate, ini-store, at mina-manage ang private keys. Ang KuCoin ang unang top exchange na nakakuha ng certification na ito.
- SOC 2 Type II — nagpapatunay na ang operational at security controls ay epektibo sa paglipas ng panahon, hindi lang sa isang audit date.
- ISO 27001:2022 — ang global benchmark para sa information-security management, na nava-validate ang systematic na approach ng KuCoin sa risk assessment at incident response.
- ISO 27701:2025 — nagsusupplement sa ISO 27001 para masakop ang privacy at personally identifiable information (PII) protection sa pamamagitan ng formal Privacy Information Management System.
Hindi lang sa certifications natapos ang verification journey ng KuCoin. Nakakuha rin ang exchange ng AAA rating at perfect 100/100 security score sa CER.live, pangalawa sa buong mundo. Top marks ang nakuha ng kanilang infrastructure sa server security, penetration testing, at bug bounty performance.
Regular na nagsasagawa ang platform ng proof-of-reserves (PoR) audits para ipakitang may higit sa 100% collateralization. Sinusuportahan ang mga audit na ito ng self-audit at independent verification mula sa Hacken. Ginagawang public ang results para makumpirma ng users na tugma ang mga asset na nasa custody sa kabuuang circulating supply on-chain.
Sa ibabaw ng audits at ratings, naglalathala ang kumpanya ng monthly security reports na detalyado ang mga upgrades, risk assessments, at incident responses. Ginagawang patuloy na proseso ang transparency mula sa paminsangang exercise. Maari nang suriin ng users ang data direkta sa halip na umasa sa claims.
Ang mga disclosures na ito ay bahagi ng “trust by design” strategy ng KuCoin, na pumapalit sa promises ng marketing ng measurable evidence.
Paano Nagbuo ng Kulturang Seguridad ang Mga Team ng KuCoin
Ang pagbuo at pagpapanatili ng multi-layered security framework ay nangangailangan ng higit pa sa technical design. Kinakailangan nito ng coordination sa lahat ng engineering, compliance, at risk management teams na laging nasa matinding pressure.
Ayon sa internal disclosures ng KuCoin, mahigit sa 1,000 empleyado ay nagtatrabaho na ngayon sa engineering at technical roles, suportado ng 20 taong research at compliance unit na naka-focus sa proof-of-reserves at transparency systems. Binibigyang-diin ni CEO BC Wong na ang mga effort na ito ay hindi pansamantalang solusyon kundi bahagi ng long-term discipline na i-align ang technology, operations, at regulatory readiness.
Ikinokonekta ng strukturang ito ang technology sa accountability. Bawat team ay may papel sa pagpapanatili ng parehong standards na vinerify ng auditors. Ang proseso ng KuCoin ay ginagawang isang tuloy-tuloy na operational routine ang kadalasang one-time compliance exercise.
Sa Direksyon ng Mas Siguradong Kinabukasan para sa Crypto Exchanges
Ang susunod na yugto ng crypto ay papaboran ang mga institusyon na kayang patunayan ang security sa pamamagitan ng data, audits, at patuloy na transparency. Ipinapakita ng framework ng KuCoin kung ano ang itsura ng pamantayan na iyon sa kilos. Ang mga exchanges ngayon ay hindi lang tinatasa batay sa liquidity o trading volume. Mas sinusukat na sila base sa kalidad ng kanilang security architecture, ang kanilang pagiging handa na buksan ang systems sa external review, at ang kanilang consistency sa pagre-report ng results.
Habang lumalawak ang industriya, ganun din ang scale at sopistikasyon ng mga inaasahan sa security. Para sa KuCoin, ang realidad na ito ay nagtatakda ng simpleng prinsipyo: ang security ay isang tuloy-tuloy na proseso, hindi isang destination.