Trusted

Bakit Bitcoin ang Pwedeng Maging Safe Haven sa US Recession?

10 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna


Pinakita ng mga tariff ni Trump kung gaano kabilis maapektuhan ang global markets—isang biglaang polisiya mula sa U.S. at instant ang epekto sa buong mundo. Noong April 2025, nang ianunsyo ni President Trump ang malawakang tariff, agad nag-react ang mga merkado. So, sa ganitong sitwasyon, puwede ba talagang maging smart move ang pag-shift sa crypto? Sa guide na ’to, tatalakayin natin kung bakit pwedeng ituring na “safe haven” ang Bitcoin kapag may recession sa U.S.

SA MADALING SALITA
➤ Nagbabago ang mga tinuturing na safe haven assets sa paglipas ng panahon. Nawawala ang tiwala sa mga tradisyonal na kagaya ng bonds at dollar dahil sa lumalalang economic instability.
➤ Ang Bitcoin, dahil sa limited supply, pagiging decentralized, at pagiging hiwalay sa mga tradisyonal na istruktura, ay nakikitang posibleng hedge tuwing may recession sa U.S.
➤ Pero kahit may potential, may mga limitasyon pa rin ito. Para sa mga gumagamit na mababa ang kita, hamon ang mataas na volatility, fees, at kulang na access.
➤ Ang pagkakaugnay ng Bitcoin sa mga risk asset tulad ng tech stocks ay nagpapakita na kailangan pa nitong paghusayin ang performance bago ito maituring na ganap na safe haven.

Ano ang Safe Haven sa Panahon ng Recession?

Ang recession ay isang malaking pagbaba sa economic activity, lalo na kung tumatagal ito. Makikita mo ang recession sa pamamagitan ng mga malawakang bankruptcy, kawalan ng trabaho, at pagbawas sa discretionary spending.

Sa mundo ngayon na sobrang nakatuon sa finance, maraming tao ang naghahanap ng paraan para mapanatili ang kanilang purchasing power sa pamamagitan ng safe havens—mga asset na nananatili o tumataas ang halaga sa panahon ng currency depreciation, market volatility, o economic uncertainty.

Kasaysayan ng Safe Havens: Saan Nga Ba Nagsimula?

Nagbabago ang pananaw ng mga investor sa kung ano ang safe havens sa paglipas ng panahon. Noong una, maraming tao ang nag-iimbak ng yaman sa precious metals tulad ng ginto at pilak, alahas, lupa, butil, silverware, at kahit mga currency. Pero habang tumatagal, nagbabago ang kaligtasan ng mga asset na ito, at may mga bagong safe havens na lumilitaw.

Noong 18th century, nagsimulang maging useful ang ilang uri ng utang (tulad ng government at private debt) bilang safe assets sa buong mundo. Ngayon, malaki ang papel ng mga asset na ito sa monetary policy, macroeconomic activity, at, oo — sa mga recession.

Ang ilang halimbawa ng private at government debt na ginagamit bilang safe assets ay sovereign bonds o government-insured demand deposits.

Isa ang U.K. sa mga unang bansa na nag-issue ng opisyal na government bonds para pondohan ang digmaan laban sa France. Pagkatapos ng malawakang pagbagsak ng mga bangko noong Great Depression ng 1930s, nagsimulang i-insure ng gobyerno ng U.S. ang demand deposits (dollars na nasa bank accounts). Sumunod ang ibang bansa makalipas ang ilang panahon.

Bakit ito mahalaga?

Nagsimulang magbago ang financial landscape noong late 20th century. Habang lumalaki ang short-term wholesale funding markets, naging sentro ang privately produced safe assets tulad ng repos hanggang sa ipakita ng 2008 financial crisis ang kanilang kahinaan.

Gayunpaman, simula noong late 1970s, nagkaroon ng malaking pagbabago sa US financial system kung saan bumaba nang husto ang papel ng demand deposits, at lumaki ang short-term wholesale funding, kaya naging mahalaga ito. Ipinakita ng financial crisis ng 2007–2008, muli, na ang privately produced safe assets [i.e., short-term debt tulad ng sale and repurchase agreements (repo)] ay hindi laging ligtas. Ang short-term safe debt ay maaaring magdulot ng runs, na nagbabanta sa systemic collapse ng financial system.
— Gary Gorton, The History and Economics of Safe Assets

Dagdag pa, ang banta ng malawakang taripa sa U.S. ay nagdulot ng alon ng economic uncertainty, na nagpasiklab ng takot sa inflation, trade wars, at policy instability. Bilang tugon, nagpadala ng malinaw na distress signals ang mga merkado.

Tumaas ang U.S. 10-year Treasury yields, at bumagsak nang husto ang DXY (U.S. Dollar Index). Hindi karaniwan ang mga galaw na ito na mangyari nang sabay. Karaniwan, lumalakas ang Treasuries at dolyar sa panahon ng krisis. Ngayon, parehong humina.

bitcoin safe heaven U.S class= treasury vs dxy index” class=”wp-image-685906″/>
U.S. 10-year Treasury yields vs. DXY: TradingView

Ang bihirang dynamic na ito ay nagpapakita ng mas malalim na pagbabago: ang lumalaking kawalan ng tiwala sa tradisyonal na haligi ng financial safety. Nagtatanong ang mga investor kung ang mga safe asset ngayon — tulad ng sovereign bonds o U.S. dollar — ay kaya pa ring magbigay ng proteksyon na dati nilang ipinangako.

Dito pumapasok ang Bitcoin sa usapan. Nabuo ito pagkatapos ng financial crisis noong 2008 bilang alternatibo sa centralized monetary systems at sagot sa mga ganitong krisis. Dahil may fixed supply ito at walang koneksyon sa government policy, ibang-iba ang approach nito sa pag-store ng value.

Bakit Bitcoin ang Pwedeng Maging Safe Haven sa U.S. Recession

Hindi nawawala ang yaman. Nalilipat lang ito. Ibig sabihin, sa kabila ng bawat krisis, may oportunidad.
Mike Maloney.

Kahit na volatile ang S&P500, at may mga komplikadong usapan tungkol sa basis at carry trades, pati na rin ang divergence ng U.S. 10-year Treasury at DXY, malinaw na nawawalan ng tiwala ang mga investors sa traditional safe havens. Dahil dito, nasa turning point ang mundo. Satoshi Nakomoto ang lumikha ng Bitcoin para sa mga ganitong sitwasyon.

Natural na maghahanap ng balance ang yaman at dadaloy ito sa iba pang valuable assets habang tumatagal. Dahil dito, napapasama ang Bitcoin sa usapan bilang hedge. Paano nga ba ito gumagana sa praktika? Tingnan natin ang ilang paraan kung paano pwedeng maging safe haven ang Bitcoin sa panahon ng U.S. recession.

1. Mga “Deflationary” na Katangian

Sa crypto, madalas na-misuse ang term na deflation. Ang totoong kahulugan nito ay ang tuloy-tuloy na pagbaba ng general price level ng goods at services sa isang ekonomiya. Ang ibig sabihin ng mga crypto users kapag sinasabi nilang deflationary ang Bitcoin ay bumababa ang supply nito sa paglipas ng panahon.

Mahalagang economic concept ang supply at demand. Sa pangkalahatan, may inverse relationship ang supply at demand pagdating sa presyo.

Kapag nabawasan ang supply ng isang produkto o serbisyo at nanatiling pareho o tumaas ang demand, tataas ang presyo. Sa kabilang banda, kung tumaas ang supply at nanatiling steady o bumaba ang demand, malamang bababa ang presyo ng produktong iyon.

Ang supply ng Bitcoin ay bumababa ayon sa design. Ang total supply ng Bitcoin ay 21 million BTC, at pagkatapos nito, titigil na ang protocol sa pag-issue ng bagong Bitcoins. Inaasahan din natin na magkakaroon ng karagdagang pagbaba sa available supply habang ang mga BTC holders ay (sa kasamaang palad) pumanaw, na nag-aalis ng mas maraming coins sa circulation.

Kung mananatiling steady o tataas ang demand, maglalagay ito ng upward pressure sa presyo ng BTC. Bukod pa rito, ang Bitcoin protocol ay nag-i-issue ng 50% na mas kaunting Bitcoins tuwing halving.

Ipinapakita ng chart sa ibaba ang dami ng Bitcoin na nasa circulation kumpara sa presyo nito.

bitcoin safe haven circulation
Bitcoin in circulation: blockchain.com

Gaya ng nabanggit, isa sa mga katangian ng safe haven ay ang stability o pagtaas ng value sa paglipas ng panahon. Ipinapakita ng chart na ito na natutugunan ng Bitcoin ang property na ito, kaya posibleng maging hedge ito sa U.S. recession.

2. Store of Value: Pangmatagalang Labanan sa Crypto


Isa sa mga unang gamit na ipinush para sa Bitcoin ay ang pagiging digital cash para sa peer-to-peer na bayaran. Pero dahil sa iba’t ibang dahilan, mas naging store of value (SoV) na ito. Kadalasan, kinukumpara ang use case na ‘yan sa kung paano tinitingnan ang ginto ngayon — bilang isang store of value.

bitcoin vs. gold
SoVs: TradingView

Matagal nang ginagamit ang ginto bilang traditional na panangga tuwing may recession. Karaniwan itong umaangat ang value kapag mataas ang inflation, bagsak ang stock market, o may kaguluhan sa ekonomiya o politika. Maraming tao ang nag-iisip na ang Bitcoin ay SoV tulad ng ginto. Heto kung paano nagkukumpara ang Bitcoin vs. gold bilang investment:

BitcoinGold
HistoryMas mababa sa dalawang dekadaSiglo ng paggamit bilang store of value
2022-2023 interest rates/quantitative tighteningBagsak, parang tech stockHalos flat
Covid recession (2020)Bumagsak noong Covid pero nag-rally noong 2021Naka-ATH noong Covid
Counterparty riskWalaWala
AdoptionLumalago, pero limitadoMalawak
SupplyLimitedHindi tiyak

Ang presyo ng ginto ay kadalasang nananatiling steady, may kaunting pagtaas sa paglipas ng panahon at limitadong pagbaba. Volatile pa rin ang Bitcoin at minsan na itong bumagsak ing halos 80% mula sa all-time high nito.

Pero simula nang ma-introduce ito noong January 2009, ang Bitcoin ay mula sa halos $0 (technically $0.0008 nung una itong na-trade noong 2010) ay umabot na sa mahigit $100,000 noong 2025. Grabe, tumaas ito ng mahigit 8,000,000,000%!

Bukod pa rito, may fixed issuance o block reward ang Bitcoin na naglilimita sa stock-to-flow (S2F). Kapag mas mataas ang S2F, mas scarce ang asset kumpara sa production/issuance rate nito, kaya mas nagiging “hard money” ito at theoretically mas magaling sa pag-preserve ng value. Ang flow ng ginto ay medyo stable at mahirap i-inflate agad-agad (pero puwedeng tumaas kung may sapat na capital investment sa mining).

bitcoin stock to flow
Bitcoin stock-to-flow: glassnode.com

Pero ang Bitcoin, dahil may bawas ang supply over time at may fixed na limit, ay may mas mataas na stock-to-flow ratio. Technically, isa itong mas mahigpit na uri ng monetary asset—kahit nasa early stage pa ng adoption bilang global hedge.

Sa huli, kapag parehong risky o hindi attractive ang equities (risk assets) at Treasuries (traditional safe havens), nagsisimula ang mga investor na maghanap ng alternative hedges o neutral zones, tulad ng ginto, dahil sa ilang properties nito na ginagawa itong SoV. May ilang katangian ang Bitcoin na katulad ng ginto, kaya posibleng maging safe haven ito sa U.S. recession.

3. Structural Independence

Hindi laging predictable ang mga recession. Habang maraming recession ang nagreresulta sa deflation o disinflation dahil sa bumababang demand at tumataas na unemployment, ang iba (lalo na yung dulot ng supply shocks o policy) ay puwedeng magresulta sa stagflation, kung saan tumataas ang inflation kahit bumabagal ang growth.

Ang mga kumplikado at madalas na magkasalungat na environment na ito ay hinahamon ang bisa ng traditional safe havens tulad ng sovereign bonds, fiat currencies, o equities, na lahat ay malapit na konektado sa central bank actions, government policy, at corporate performance.

Ang Bitcoin, sa kabilang banda, ay hindi nakadepende sa mga ganitong puwersa. Hindi ito isang kumpanya na kailangang maglabas ng earnings report, magbawas ng empleyado, o maapektuhan ng mga problema sa supply chain — tulad ng epekto ng tariffs o lockdowns. Gumagana ang Bitcoin sa labas ng traditional na sistema ng finance. Ito ay may:

  • Walang kumokontrol na institusyon
  • Walang kumokontrol sa mga polisiya
  • Walang loyalty sa kahit anong specific na bansa

Ang pagiging independent ng Bitcoin ang dahilan kung bakit minsan kumikilos ito nang iba sa typical na market behavior tuwing may recession. Hindi ito laging sumusunod sa usual na downturn patterns. Kahit nananatili itong volatile at apektado pa rin ng liquidity cycles, ang fixed supply at decentralized na disenyo ng Bitcoin ay nagpo-position dito bilang posibleng hedge tuwing may recession — lalo na kung may matinding monetary instability o kakulangan ng tiwala sa sistema.

Mga Downside ng Bitcoin Bilang Safe Haven

Maraming dahilan kung bakit puwedeng maging safe haven ang Bitcoin sa event ng U.S. recession; pero may mga dahilan din kung bakit hindi ito ideal sa ilang sitwasyon. May mga totoong limitasyon ang BTC bilang safe haven, depende sa kung sino ka at ano ang itsura ng financial situation mo.

Problema 1

Madalas na ikinukumpara ang Bitcoin sa ginto — at sa ilang pagkakataon, may katotohanan ito. Tulad ng ginto, nakikita ito bilang store of value. Pero, tulad din ng ginto, mahal ito, volatile, at hindi masyadong accessible sa mga may limitadong kita.

Kung maliit na fraction lang ng Bitcoin ang kaya mong bilhin gamit ang local currency mo, ang mataas na network fees ay puwedeng gawing impractical ang paggalaw o paggastos nito. Mahirap tawaging “safe” na asset ang isang bagay kung ang paggamit nito ay mas mahal pa sa pinoprotektahan mo.

Hindi ito malaking problema para sa mayayaman. Kaya nilang mag-hold at hindi pansinin ang volatility at kayanin ang downturns. Pero kung limitado ang kita mo at baka nabili mo ang Bitcoin malapit sa peak at kailangan mo ng liquidity, puwede itong magmukhang liability kaysa safe haven.

bitcoin safe haven
Pagbaba ng presyo ng Bitcoin: TradingView

Sa ganitong konteksto, ang Bitcoin—gaya ng ginto—ay mas nakikita bilang safe haven sa teorya kaysa sa aktwal na gamit, lalo na para sa mga hindi kayang maghintay sa market cycles o magbayad ng mataas na transaction costs.

Problema 2

Isa pang limitasyon ng Bitcoin ay hindi ito laging umaasta bilang hedge; minsan, parang tech stock ito mag-trade. Sa ilang mga downturn, lalo na kapag may liquidity crunches o Fed tightening cycles, mataas ang correlation ng Bitcoin sa equity markets, partikular sa Nasdaq.

bitcoin correlation safe haven
Bitcoin at Nasdaq: TradingView

Ibig sabihin nito, kapag naapektuhan ang traditional finance (TradFi), madalas sumasabay ang Bitcoin sa pagbaba — hindi ito lumalayo. Hindi ito ideal para sa isang asset na gustong maging iba sa legacy financial system.

Para maging maaasahang safe haven ang Bitcoin, kailangan nitong mag-decouple pa mula sa risk assets at magpakita ng mas independent na galaw lalo na sa mga panahon ng systemic stress.

Panahon Lang ang Makakapagsabi

Dahil sa narrative ng Bitcoin bilang digital gold at sa hard money properties nito, may potential itong maging safe haven kung sakaling magkaroon ng recession sa U.S., lalo na habang nagbabago ang mundo. Pero, ayon sa guide na ito, marami pang kailangang patunayan ang BTC bago ito maging realidad. Sa maraming aspeto, nananatiling high-risk asset ang Bitcoin dahil sa maikling kasaysayan at mataas na volatility nito.

Disclaimer: Ang article na ito ay para sa impormasyon lamang at hindi dapat ituring na investment advice. Laging mag-DYOR (Do Your Own Research). Huwag mag-invest ng higit sa kaya mong mawala.

Mga Madalas Itanong

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

ryan1.png
Si Ryan Glenn ay isang journalist, writer, at author na dedicated sa pag-educate ng maraming tao tungkol sa benefits ng web3 at cryptocurrency. Siya ang sumulat ng “The Best Book for Learning Cryptocurrency” at nagpapatakbo ng educational platform na web3school.us na layuning gawing mas madali intindihin ang crypto space. Ginawa ni Ryan ang platform para tulungan ang mga tech-savvy at non-tech individuals na makapasok sa mundo ng crypto at magkaroon ng basic na kaalaman sa iba't ibang...
BASAHIN ANG BUONG BIO