Trusted

Ano ang Crypto Strategic Reserve?

10 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Ngayong 2025, iba’t ibang bansa na ang may national crypto strategic reserves. Pero ang pinaka-mainit na balita sa crypto community ay ang anunsyo ni Trump—itatayo na ng U.S. ang isang strategic Bitcoin reserve kung saan bibili ang gobyerno ng Bitcoin, Ethereum, at tatlo pang cryptocurrencies.

Sa guide na ito, ipapaliwanag namin kung ano ang crypto strategic reserve at kung paano ito maaaring gamitin ng U.S. at iba pang bansa.

MGA MAHALAGANG DAPAT MALAMAN


➤ Ang crypto strategic reserve ay isang imbakan ng digital assets na maaaring gamitin ng gobyerno para palakasin ang ekonomiya, gawing mas matatag ang pera ng bansa, at magkaroon ng iba pang mapagkukunan ng halaga bukod sa tradisyunal na foreign reserves (mga reserbang pera ng isang bansa na ginagamit sa pang-internasyonal na kalakalan).

➤ Maaaring gamitin ito tulad ng foreign exchange reserves—para patatagin ang ekonomiya, protektahan laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin (inflation), at mabawasan ang sobrang pagdepende sa U.S. dollar o ibang malalakas na pera.

➤ Ilang bansa na ang sumubok nito. El Salvador ang unang bumili ng Bitcoin bilang bahagi ng kanilang national reserves, habang ang China at Russia ay nag-eeksperimento sa crypto upang makahanap ng ibang paraan para makipag-trade kahit may international sanctions (mga ipinapatupad na limitasyon sa pangangalakal o paggamit ng pera).

➤ Noong Marso 7, 2025, nilagdaan ni President Trump ang isang executive order (opisyal na utos ng pangulo) para simulan ang strategic Bitcoin reserve sa U.S. Sa ngayon, hindi pa tiyak kung paano ito ipapatupad o kung paano ito makakatulong sa mga nagbabayad ng buwis.

Ano ang Strategic Crypto Reserve?

Ang strategic crypto reserve ay ipon ng digital assets tulad ng Bitcoin at Ethereum na hawak at pinamamahalaan ng gobyerno. Ginagamit ito bilang reserbang pondo na maaaring pagkunan kung sakaling mangyari ang mga problemang pang-ekonomiya. Sa madaling salita, nagsisilbi itong panangga (financial buffer) na nagbibigay ng karagdagang pera (liquidity) sa mga panahong hindi tiyak ang lagay ng ekonomiya.

➤ Ginagamit ng ilang bansa ang crypto reserves bilang bahagi ng kanilang pera at sistema ng ekonomiya, katulad ng tradisyunal na foreign exchange reserves (mga reserbang dolyar o iba pang dayuhang pera na ginagamit sa palitan at pang-international na transaksyon). Ginagawa nila ito para maprotektahan ang halaga ng pera laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin (inflation), bawasan ang pagdepende sa malalakas na pera tulad ng U.S. dollar, at gawing mas matatag ang ekonomiya ng bansa.

Maraming bansa ang nag-eeksperimento sa paggamit ng strategic cryptocurrency o Bitcoin reserves, pero wala pang malinaw na pare-parehong depinisyon at paraan ng paggamit nito. Gayunpaman, may ilang magkaparehong dahilan at makasaysayang pangyayari na maaaring pagbatayan para maunawaan kung bakit ito ginagawa.

Narito ang ilang bansang sumubok gumamit ng strategic crypto reserves para sa iba’t ibang ekonomikong at/o geopolitical na dahilan:

  • El Salvador: Unang bansa na nagpatupad ng Bitcoin bilang opisyal na pera. Ginagamit nila ang kanilang Bitcoin reserves para gawing mas matatag ang ekonomiya at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan.
  • United States: May panukalang lumikha ng isang U.S. Crypto Strategic Reserve para gawing global leader ang bansa sa digital assets. Layunin din nitong palawakin ang reserves at posibleng bawasan ang pambansang utang.
  • Russia at China: Sinusubukan nilang gamitin ang crypto reserves para iwasan ang epekto ng sanctions (mga parusang pang-ekonomiya mula sa ibang bansa) at bawasan ang pagdepende sa U.S. dollar (USD) sa kanilang mga transaksyon.

Ipinapakita ng mga hakbang na ito na dumarami ang mga bansang nag-iintegrate ng cryptocurrencies sa kanilang ekonomiya. Ginagamit ito hindi lang bilang investment kundi bilang paraan upang mapatatag ang ekonomiya at palakasin ang posisyon ng bansa sa pandaigdigang politika.

Kasaysayan ng Pambansang Reserba o National Reserves

Ginagamit ang konsepto ng strategic reserve para sa mahahalagang produkto na may kinalaman sa pambansang depensa o seguridad ng ekonomiya.

Ayon kay Nic Carter, madalas na napagkakamalang pareho ang strategic reserve, sovereign wealth fund (pondong pag-aari ng gobyerno para sa investments), at stockpile (naipong supply ng mga produkto o mapagkukunan para sa hinaharap).

➤ Alam mo ba na ang Estados Unidos ay may ipong 635 million kilo ng keso?

Sa tradisyonal na kahulugan, isang strategic reserve ang stockpile ng gobyerno na naglalaman ng mahahalagang produkto tulad ng langis, ginto, pagkain, o mineral. Ginagamit ito para sa pambansang seguridad, katatagan ng ekonomiya, o pang-emergency na pangangailangan.

Ang sovereign wealth fund, sa kabilang banda, ay isang pondo ng gobyerno na namamahala ng financial assets tulad ng stocks, bonds, at real estate para sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya.

FeatureStrategic reserveStockpileSovereign Wealth Fund
LayuninPang-emergency, pambansang seguridad, pampatatag ng merkadoNakareserba para sa partikular na pangangailanganPangmatagalang investment at economic growth
Ano ang nilalaman?Mga pisikal na produkto (langis, ginto, pagkain, metal)Mga supply (militar, medikal, mahahalagang resources)Financial assets (stocks, bonds, real estate)
HalimbawaReserba ng Langis ng USMedikal na PPE stockpilePondo ng Langis ng Norway

Kahit iba-iba ang paraan ng pagpapatupad nito, may ilang pangunahing layunin ang crypto reserves ng iba’t ibang bansa, kabilang ang:

  • Pinansiyal na seguridad at katatagan
  • Proteksyon laban sa inflation (pagbaba ng halaga ng pera)
  • Pagpapalawak ng pambansang reserba
  • Paghahanda para sa digital-first na sistema ng pera
  • Potensyal para sa paglago ng ekonomiya at pagbabawas ng utang

➤ Dahil dito, maraming bansa ang nagkakaroon ng kalituhan sa mga salitang “strategic reserve,” “stockpile,” at “sovereign wealth fund.” May ilan ding nagmumungkahi ng kombinasyon ng mga ito sa ilalim ng konseptong “crypto strategic reserve.”

Paano Gagana ang Isang Crypto Strategic Reserve?

Hindi pa tiyak kung paano talaga gagamitin ang isang crypto strategic reserve at kung ano ang magiging papel nito sa ekonomiya ng isang bansa. Pero batay sa mga mungkahing inilabas ng ilang bansa, narito ang ilang posibleng gamit nito:

Pagpapatatag ng Pambansang Pera

Maraming bansa ang hindi pa kinikilala ang cryptocurrency bilang opisyal na pera, pero may mga mungkahing gamitin ang crypto reserves para kontrolin ang palitan ng kanilang sariling fiat currency (pera na iniisyu ng gobyerno tulad ng piso o dolyar).

crypto strategic reserve
Mga reserbang FX ng Japan: tradingeconomics.com

➤ Gumastos ang Japan ng record-breaking na 9.79 trilyong yen ($62.2 bilyon) mula Abril 26 hanggang Mayo 29, 2024, at 5.53 trilyong yen noong Hulyo 2024 para sa foreign exchange interventions (pagbili at pagbebenta ng pera sa merkado) upang mapanatili ang halaga ng yen.

Sa kabaligtaran, may mga pagkakataon ding sinasadyang pahinain ng isang bansa ang halaga ng kanilang pera sa pamamagitan ng pagbili ng foreign currencies. Ginagawa ito upang mapababa ang presyo ng kanilang produkto at serbisyo sa pandaigdigang merkado, kaya mas nagiging kaakit-akit ito sa mga mamimili sa ibang bansa.

Sa madaling sabi, maaaring gumana ang isang crypto o Bitcoin reserve katulad ng foreign exchange reserves—ginagamit ito upang kontrolin ang halaga ng isang bansa sa pandaigdigang merkado.

Pagpapalawak ng Yaman at Proteksyon Laban sa Krisis

Isa pang posibleng gamit ng crypto reserve ay ang pagpapalawak ng assets ng isang bansa at paghahanda laban sa mga biglaang problema sa ekonomiya (financial shocks).

Maraming bansa o mamamayan ang nagtatabi ng foreign currency upang mabayaran ang mga utang sa ibang pera (denominated debt). Karaniwan itong nangyayari sa kalakalan (imports/exports) o sa sovereign bonds (utang ng gobyerno sa ibang bansa).

Ang financial shock ay maaaring mangyari kapag nawalan ng access sa foreign currency o kapag may naipatupad na sanctions. Para sa kaalaman ng lahat, ang USD ang global reserve currency, kaya malaki ang kontrol ng U.S. sa mga bansang may exposure sa dolyar.

➤ Paulit-ulit na nagpatupad ng sanctions ang EU at U.S. laban sa China at Russia. Para mabawasan ang pagdepende sa USD at EUR, nagmungkahi ang China at Russia na bumuo ng isang alternatibong BRICS currency at bumili ng Bitcoin o iba pang cryptocurrencies upang maiwasan ang mga limitasyong ito.

Paano Ginagamit ang Foreign Reserves sa Pagpapatatag ng Ekonomiya?

Maraming bansa ang may stockpile ng foreign currencies na ginagamit upang patatagin ang halaga ng kanilang sariling pera. Ginagamit nila ang foreign exchange (FX) reserves upang bumili ng sarili nilang currency, na nagreresulta sa pagbaba ng supply nito sa merkado at pagtaas ng demand—na siyang nagpapalakas sa halaga nito.

Sa parehong paraan, maaaring magkaroon ng parehong papel ang crypto strategic reserve sa hinaharap—isang asset na maaaring gamitin ng mga bansa upang pangalagaan ang kanilang ekonomiya laban sa inflation, foreign exchange fluctuations, at geopolitical risks.

➤ Mahalagang ituro na maraming bansa ang may depisit sa trilyong dolyar, samantalang ang kabuuang capitalization ng merkado ng cryptocurrency ay hindi pa nahihigit sa $ 4 trilyon.

Plano ni Trump para sa Strategic Bitcoin Reserve

Noong Marso 2, 2025, inanunsyo ni Pangulong Donald Trump ang plano niyang bumuo ng isang U.S. strategic crypto reserve na maglalaman ng Bitcoin, Ethereum, XRP, Solana, at Cardano.

Trump announces strategic crypto reserve

Ilang araw matapos ang anunsyo, nilagdaan ni Trump ang isang Executive Order noong Marso 6, 2025, pormal na nagtatatag ng strategic Bitcoin reserve. Kahit tinawag itong “Bitcoin” reserve, malinaw sa plano na limang digital assets ang isasama sa pondo.

Ayon kay David Sacks, ang White House crypto czar, manggagaling ang pondo mula sa mga kumpiskadong cryptocurrencies na nakuha ng gobyerno sa mga kasong kriminal o civil asset forfeiture (pagkukumpiska ng ari-arian bilang parusa o pag-aareglo ng kaso).

Hindi pa malinaw ang eksaktong paraan ng pagpapatupad nito, pero nagdulot na ito ng malalaking pagbabago sa merkado at matinding debate sa industriya ng crypto.

Epekto sa Presyo at Reaksyon ng Merkado

Pagkatapos ng anunsyo ni Trump, sumipa ang presyo ng Bitcoin mula $85,000 papuntang halos $95,000 bago bumagsak sa $88,500 noong Marso 5, 2025. Samantala, sumipa nang higit sa 40% ang XRP at Cardano bago biglang bumagsak muli.

BTC price after Trump's strategic reserve announcement
Presyo ng BTC pagkatapos ng anunsyo ng strategic reserve ni Trump: CoinMarketCap

Nagkaroon ng initial rally sa buong crypto market, pero bumalik din ito sa normal matapos lumabas ang mga pangamba tungkol sa feasibility ng plano. Ayon sa ilang eksperto, nagpapakita ito ng kawalan ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan kung talagang maisasakatuparan ang reserve at kung ano ang magiging epekto nito sa long-term market stability.

Matamlay din ang reaksyon ng merkado sa mismong pagpirma ni Trump ng executive order. Noong Marso 7, 2025, nanatili ang Bitcoin sa $87,700.

Halo-halong Opinyon

May ilan, tulad ni Geoff Kendrick ng Standard Chartered, na naniniwalang positibo ito dahil maaaring maging daan sa mas malawakang institutional adoption ng Bitcoin.

Sa kabilang banda, may mga nagsasabing hindi sapat ang konkretong plano at baka pulitikal lang ang motibo kaya hindi ito maisasakatuparan nang lubusan.

Pinuna rin ng ilang industry insiders ang pagkakasama ng XRP, Solana, at Cardano sa reserve.

“Wala akong laban sa XRP, SOL, o ADA, pero hindi ako naniniwalang bagay sila sa isang Strategic Reserve. Isang digital asset lang sa buong mundo ang pumapasa sa pamantayan—at iyon ay Bitcoin.” – Tyler Winklevoss sa pamamagitan ng X.com

Ano ang Susunod?

Kailangang aprubahan ng Kongreso ang pondo para sa pagbili ng crypto, kaya haharap ito sa matinding legal at regulasyong hadlang. Malinaw na magiging mahaba ang prosesong ito, at nakasalalay ang kahihinatnan ng plano sa kung paano ito ipapatupad.

Sa huli, hindi pa tiyak kung pipiliin ng U.S. ang isang Bitcoin-only reserve o itutuloy ang mas malawak na multi-asset approach. At higit sa lahat, kailangan pang patunayan ni Trump kung talagang tutuparin niya ang kanyang ipinangako.

Ang Crypto Strategic Reserve ay Walang Kaparehong Modelo

Kung maisasakatuparan, makakatulong ang isang crypto strategic reserve sa pagkontrol ng palitan ng pera, pagbabayad ng pambansang utang, at pagpapalawak ng mga hawak na assets ng isang bansa.

Maraming crypto enthusiasts ang optimistic sa ideyang ito—dahil para sa kanila, positibo ang anumang adoption ng crypto. Pero hanggang ngayon, hindi pa malinaw kung paano ito popondohan at kung anong magiging epekto nito sa ekonomiya sa pangmatagalang panahon.

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Ano ang Crypto Strategic Reserve?

Paano Makatutulong ang Crypto Reserve sa Pagpapatatag ng Pera ng Isang Bansa?

Ano ang Naging Reaksyon ng Merkado sa Pag-announce ni Trump sa Crypto Reserve?

Bakit May mga Duda Tungkol sa Crypto Reserve ni Trump?

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

ryan1.png
Si Ryan Glenn ay isang journalist, writer, at author na dedicated sa pag-educate ng maraming tao tungkol sa benefits ng web3 at cryptocurrency. Siya ang sumulat ng “The Best Book for Learning Cryptocurrency” at nagpapatakbo ng educational platform na web3school.us na layuning gawing mas madali intindihin ang crypto space. Ginawa ni Ryan ang platform para tulungan ang mga tech-savvy at non-tech individuals na makapasok sa mundo ng crypto at magkaroon ng basic na kaalaman sa iba't ibang...
BASAHIN ANG BUONG BIO