Trusted

Paano Malaman Kung Scam ang Isang Crypto Project

7 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Madaling mahulog ang mga crypto users sa scam projects, at patuloy itong problema sa industriya dahil sa kakulangan ng regulatory oversight. Dahil dito, sinasamantala ng mga oportunista ang mga investors. Habang lumalaki ang crypto industry, mas dumarami rin ang cryptocurrency scams kumpara sa mga nakaraang taon.

Kahit laganap ang crypto scams, maaari itong maiwasan. Mahalagang magsagawa ng masusing research bago mag-invest sa isang proyekto.

Lalo na para sa mga baguhan, ang pag-alam kung ano ang dapat i-research at kung anu-anong red flags ang dapat bantayan ay makakatulong para maiwasan ang financial losses.

Ano ang Crypto Scam?

Crypto, Scams

Ang crypto scam o crypto fraud ay may iba’t ibang anyo, mula sa pump and dump schemes hanggang sa mga scam na may kaugnayan sa Initial Coin Offerings (ICOs).

Ilan sa mga karaniwang uri ng crypto scam ay:

  1. Pagmamanipula ng merkado
  2. Ponzi schemes
  3. Phishing
  4. Mga pekeng website

Sinusuri ng BeInCrypto ang bawat proyekto bago aprubahan ang marketing. Para sa tulong sa crypto marketing, makipag-ugnayan sa amin dito.

Ano ang Pump and Dump Scheme?

Ang isang crypto scam ay maituturing na pump and dump scheme kapag ang mga scammer ay nagpo-promote ng isang proyekto at hinihikayat ang investors na bumili. Kadalasan, ang mismong may-ari ng proyekto ang nasa likod nito.

Karaniwan itong nangyayari sa Initial Coin Offering (ICO) stage, kung saan sinasadya ng may-ari na pataasin ang presyo ng token bago ibenta ang kanilang holdings kapag naabot nito ang pinakamataas na halaga (all-time high). Ito ay tinatawag ding artificial peak.

Gamit ang exaggerated claims at hype, tumataas ang demand para sa token, kaya’t nagkakaroon ng malaking kita ang ilang shareholders—habang nalulugi ang iba.

Dahil marami pa ring malisyosong proyekto, mahalagang magsagawa ng masusing research bago mag-invest sa kahit anong crypto project.

Ano ang NFT Rug Pull?

NeoNexus, NFT, Rug Pull

Ang NFT rug pull ay katulad ng isang pump and dump crypto scam. Dito, maling pino-promote ang isang NFT project sa iba’t ibang online platforms—kadalasan may kasamang pekeng website.

Karaniwan, ini-hype ang NFT sa social media at messaging platforms para makakuha ng interes mula sa investors. Kapag dumami na ang bumili, bigla na lang mawawala ang proyekto, pati na rin ang pera ng mga nag-invest.

Noong 2021, ayon sa isang consumer protection report ng US Federal Trade Commission (FTC), mahigit 7,000 katao ang nawalan ng higit sa $80 milyon o humigit-kumulang ₱4.4 bilyon dahil sa mga scam na ganito.

Mga Red Flags na Dapat Bantayan sa Crypto Projects

May ilang senyales na dapat pagtuunan ng pansin ng mga baguhan sa crypto space. Hindi lang ito ang mga dapat isaalang-alang sa pagtukoy ng crypto scams, pero magandang simula ito.

  1. Website na may maling spelling o kulang sa impormasyon
  2. Walang pages ang social media o napaka bagong mga pahina
  3. Mga bagong account sa Reddit na nagpo-promote ng proyekto
  4. Kaunting search results sa Google, maliban sa mismong website ng proyekto
  5. Walang lumalabas sa Scam website detectors na impormasyon dahil sobrang bago ang proyekto
  6. Kung ang proyekto ay tinatawag na scam ng maraming tao sa iba’t ibang platform

DeFi Scams Umabot sa All-Time High noong Q1 2022

Ayon sa datos mula sa Tradingpedia, umabot sa $1.26 bilyon ang halaga ng cryptocurrencies na ninakaw mula sa mga DeFi platforms sa unang quarter ng 2022.

Ito ay katumbas ng 55% ng kabuuang halaga ng ninakaw mula sa DeFi platforms noong 2021.

Paano Malaman Kung Bago o Isang Scam ang Isang Crypto Project

Isa sa pinakamadaling paraan para malaman kung isang cryptocurrency scam o lehitimong bagong proyekto ang isang token ay ang pag-check sa whitepaper nito.

Ang whitepaper ay isang dokumentong naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto, tulad ng background, mission at vision, tokenomics, team members, at iba pa. Kung malinaw, detalyado, at nasasagot nito ang karamihan ng mahahalagang tanong, malamang na legit ang proyekto.

Karaniwan, ang developers ay nagbibigay ng detalyadong paliwanag tungkol sa teknolohiya ng proyekto. Kasama rin dito ang impormasyon tungkol sa crowdfunding kung meron. Kapag kulang o malabo ang mga detalye, maaaring scam ito.

Ang isang token sale o ICO ay dapat madaling ma-access. Dapat din ay transparent ang impormasyon tungkol sa progress ng pagbebenta at sales data. Ang mga investors ay dapat makita ang sales numbers ng token. Kung mahirap makita ang detalyeng ito o parang may tinatago ang proyekto, mas mabuting umiwas muna.

Isa pang mahalagang indicator ay ang roadmap ng proyekto. Ang isang legit na crypto project ay may structured at malinaw na roadmap na nagpapakita ng long-term vision at plano ng proyekto.

Transparency ang pinakamahalagang bagay sa pagtukoy kung isang crypto project ay scam. Kung mas marami kang tanong kaysa sagot na ibinibigay ng proyekto, malaking red flag ito.

Panghuli, gamitin ang iyong gut feeling. Kung ang isang proyekto ay mukhang scam mula pa lang sa simula, maraming negative reviews, o kulang sa impormasyon—mas mabuting mag-ingat at hintayin muna ang mas malinaw na updates bago mag-invest.

Huwag Maniwala sa Lahat ng Binabasa Mo

Bitcoin BTC Christmas Xmas Scam

Minsan, kahit ang pinakamalalaking news agencies ay maaaring malinlang ng isang cryptocurrency scam. Ang mga scam projects ay maaaring magpanggap bilang isang lehitimong investment opportunity—pero pagkatapos ng ilang buwan, bigla na lang itong maglalaho kasama ang pera ng mga investors.

Isa pang mahalagang paraan para matukoy kung scam ang isang crypto project ay ang pag-check sa mga websites na nagsusulat tungkol dito. May ilang crypto news outlets na puro shill projects lang ang ibinabalita. Kung hindi sila masyadong nagsasagawa ng due diligence, maaaring hindi sila mapagkakatiwalaan.

Ang BeInCrypto ay ang tanging crypto news at media outlet na miyembro ng The Trust Project.

Ang opisyal na website ng Trust Project ay nagsasaad na,

“Ang “Ang Trust Project ay isang grupo ng mga nangungunang news companies na pinamumunuan ng tagapagtatag at award-winning journalist na si Sally Lehrman. Layunin nitong ibalik ang tiwala ng publiko sa media sa pamamagitan ng tapat at mapagkakatiwalaang pagbabalita.”

Sa BeInCrypto, mahalaga ang masusing pag-verify ng impormasyon. Mula sa plagiarism checks hanggang sa mahigpit na scam screenings, hindi basta-basta nailalathala ang mga scam projects sa aming platform.

Bago maging client, dumadaan sila sa primary at secondary scam checks sa iba’t ibang departamento. Sinisigurado namin na walang kahina-hinalang detalye ang makakalusot.

Isa lang ito sa maraming dahilan kung bakit maaasahan ang BeInCrypto bilang iyong crypto news source.

Research ang Susi sa Pagtukoy ng Scam Crypto Projects

Para sa mga baguhan at expert na investors, ang research ang pinakaimportanteng paraan para maiwasan ang pagkawala ng pera. Hindi maiiwasan ang scam projects sa crypto industry, pero maaari silang maiwasan kung maingat sa pagsusuri.

Maghanap ng red flags tulad ng kakulangan sa transparency at bagong digital footprint. Makinig din sa iyong gut feeling—kung mukhang kahina-hinala ang isang proyekto, mas mabuting umiwas.

Ang whitepaper ay isa sa pinakamalalaking indikasyon ng potential success ng isang proyekto. Dito makikita kung seryoso at may mabuting intensyon ang developers para sa kanilang investors.

< Previous In Series | Seguridad ng Crypto | Next Sa Serye >

Mga Madalas Itanong (FAQ)

Ano ang Rug Pull?

Ano ang Pump and Dump?

Ano ang Pinakakaraniwang Cryptocurrency Scams?

Ano ang Ponzi Scheme?

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

bic_photo_commercial_content_editor.jpeg
Si Imogen ay may dalawang degree sa Corporate at Business Communication at mahigit tatlong taon ng karanasan bilang content writer. Nagco-cover siya ng mga topic mula sa tech, travel, at hard news.
BASAHIN ANG BUONG BIO