Kung napansin mong trending ang OFFICIAL TRUMP o $TRUMP Coin at nagtataka ka kung tungkol saan ito, heto ang detalye. Ang cryptocurrency na ito, na nakabase sa Solana blockchain, ay pinaghalong meme culture at branding ni Trump. Pero sulit ba talaga ang hype? Alamin ang lahat ng kailangang mong malaman sa guide na ito.
Mga Dapat Tandaan
➤ Hindi lang basta meme coin ang $TRUMP Coin—opisyal itong konektado kay Donald Trump, pinagsasama ang kanyang political branding at crypto sa isang bagong paraan.
➤ Mayroon itong transparent vesting schedule at daily token unlocks sa loob ng tatlong taon, na layuning panatilihin ang market stability habang lumalago.
➤ Mataas ang volatility ng meme coin na ito, kaya dapat tandaan ng mga potential investors na walang kasiguraduhan ang kita.
Ano ang $TRUMP Coin?
Ang $TRUMP Coin ay isang cryptocurrency na nilikha upang pagsamahin ang meme culture at ang iconic na branding ni Donald Trump. Ayon sa proyekto, layunin nitong maging simbolo ng isang movement na itinataguyod ng community at inspired ni Trump.
Alam mo ba? Hindi ito ang unang beses na may lumabas na crypto na may kaugnayan kay Trump. Noong 2016, isang hindi opisyal na cryptocurrency na tinatawag na TrumpCoin (DTC) ang inilunsad ng isang third-party group. Bagama’t sinabing sumusuporta ito sa kampanya ni Trump, itinanggi mismo ni Trump ang koneksyon nito at sinabing hindi ito opisyal tulad ng Official TRUMP.
Ngayon, iba na ang sitwasyon—opisyal nang ineendorso ni Trump ang $TRUMP Coin, kaya ito ang kauna-unahang legit na cryptocurrency na may direktang kaugnayan sa kanyang pangalan at legacy.

Ano ang Vision sa Likod ng $TRUMP Coin?
Layunin ng $TRUMP Coin initiative na pagsamahin ang political identity at crypto culture, sa pamamagitan ng isang community-driven asset na sumasalamin sa mga prinsipyong “winning” at “strength.”
Ilang araw bago ang kanyang inauguration, inilunsad ni President-elect Donald Trump ang $TRUMP Coin bilang paraan upang ipagdiwang at ipalaganap ang mga prinsipyong ito sa kanyang mga supporters.
Ipinapakita ng proyektong ito ang malaking shift sa paninindigan ni Trump pagdating sa digital assets. Dati, tinawag niyang “scams” ang cryptocurrencies at tinutulan ang mga ito. Pero sa kanyang 2024 campaign, niyakap niya ang digital assets, inanunsyo ang plano niyang magtaguyod ng Bitcoin reserve, at magtalaga ng mga pro-crypto financial regulators.
Ano ang Layunin ng $TRUMP Coin?
- Mas palakasin ang suporta ng kanyang followers
- I-promote ang crypto adoption
- Gamitin ang Trump branding para sa mass adoption
Ang $TRUMP Coin ay hindi lang isang digital collectible kundi isang statement of support rin. Sa madaling sabi, isa itong strategic move mula sa incoming president na pinagsasama ang political identity, tokenization, at digital economy.
Scam ba ang $TRUMP Coin o Legit?
May halo-halong opinyon tungkol sa $TRUMP Coin. Para sa iba, isa itong matalinong pagsasanib ng branding at crypto, pero may iba namang skeptical at nagtatanong kung ano talaga ang tunay na layunin at transparency nito.
Pinag-aralan namin nang mabuti ang tokenomics, sinuri ang vesting schedules, at nireview ang contract address sa Solana blockchain upang mabigyan ka ng mas malinaw na impormasyon.
Token Allocation: Paano Hinahati ang Supply
- Pamamahagi sa publiko (10%): Sa paglulunsad, 100 million tokens ang ginawang available para sa public purchase, kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga maagang adopters na makabili.
- Liquidity pool (10%): Karagdagang 100 million tokens ang inilaan para mapanatili ang liquidity at matiyak ang maayos na trading.
- Mga hawak ng tagaloob (80%): Ang natitirang 800 milyong token ay kinokontrol ng mga entity na kaakibat ng Trump, tulad ng CIC Digital LLC at Fight Fight Fight LLC.

Mga Positibong Aspeto:
- Mas matatag na liquidity: Ang 10% allocation ay tumutulong sa market stability at aktibong trading.
- Mas bukas sa publiko: Dahil may inilaan para sa public distribution, mas maraming tao ang may pagkakataong makabili.
Mga Posibleng Problema:
- Napakalaking bahagi ng supply ang hawak ng insiders: Dahil 80% ng tokens ay kontrolado ng Trump-affiliated groups, maaaring hindi ito ganap na decentralized, na maaaring magdulot ng pag-aalinlangan sa ilang investors.
- Posibilidad ng biglaang pagbebenta (token dumping): Dahil malaking bahagi ng supply ay nasa loob ng iisang grupo, may panganib na biglaang pagbagsak ng presyo kung magdesisyon silang magbenta nang maramihan.
Vesting Schedules: Kailan Pwedeng I-unlock ang Tokens
Ang mga tokens na hawak ng insiders ay may nakatakdang vesting schedule upang hindi biglaang dumami ang supply sa merkado.
Mga Panuntunan sa Lock-up:
- Group 1 (360 milyon na tokens): Naka-lock sa loob ng 3 buwan, at 10% ang unang ma-unlock.
- Group 2 (180 milyon na tokens): Naka-lock sa loob ng 6 na buwan, at 25% ang unang ma-unlock.
- Group 3 (180 milyon na tokens): Naka-lock sa loob ng 12 buwan, at 25% ang unang ma-unlock.
Pagkatapos ng lock-up period, ang mga natitirang tokens ay unti-unting mare-release araw-araw sa loob ng 24 na buwan.

Mga Positibong Aspeto:
- Pinipigilan ang biglaang pagbaha ng supply: Dahil may structured release, naiiwasan ang sobrang pagbaba ng presyo.
- Long-term strategy: Ang 3-taong vesting plan ay nakaayon sa panunungkulan ni Trump, na maaaring maghikayat ng mas matagalang suporta mula sa investors.
Mga Posibleng Problema:
- Maagang pag unlock: Dahil may 10%-25% initial unlock, may posibilidad na magkaroon ng biglaang pagbabago sa presyo kung ibebenta agad ang malaking bahagi ng tokens.
- Dilution ng public investors: Habang nire-release ang insider tokens, maaaring bumaba ang value ng hawak ng maagang investors sa paglipas ng panahon.
Release Mechanism: Paano Ipinamamahagi ang Mga Token?
Ang mga tokens ay ire-release araw-araw sa loob ng 24 na buwan pagkatapos ng lock-up period.
Mga Positibong Aspeto:
- Mas matatag na merkado: Dahil dahan-dahang inilalabas ang tokens, mas kontrolado ang supply.
- Mas predictable na galaw ng presyo: Mas madali para sa investors na hulaan ang magiging takbo ng market batay sa release schedule.
Mga Posibleng Problema:
- Depende sa demand ng merkado: Kung hindi tataas ang demand kasabay ng paglabas ng tokens, maaaring bumaba ang presyo nito.
Pagsusuri at Pag-verify ng Solana Contract
Tulad ng nabanggit, ang $TRUMP Coin contract ay naka-deploy sa Solana blockchain, na kilala sa mabilis nitong transaksyon at mababang fees. Ang contract address nito ay pampubliko at maaaring tingnan ng kahit sino: 6p6xgHyF7AeE6TZkSmFsko444wqoP15icUSqj2jfGiPN.

Sinuri namin ang contract gamit ang SolScan at hindi kami nakakita ng anumang hidden functions o anomalya. Dahil transparent ang blockchain, maaaring i-verify ng kahit sino ang lahat ng transaksyon sa real-time.
Tandaan na kahit Solana ang paboritong network ng maraming meme coins, maaari itong makaranas ng overload. Dahil sa biglaang pagdagsa ng activity mula sa paglulunsad ng $TRUMP at kalaunan ng $MELANIA, nagkaroon ng congestion at delays sa network. Noong Enero 19, 2024, hindi nakapag-report ng bagong transactions ang Solana blockchain explorer nang hindi bababa sa 30 minuto. Bukod dito, ilang users ang nag-ulat na nakaranas sila ng “500 Internal Server Errors” sa Solscan sa kasagsagan ng hype.

Batay sa aming pagsusuri, ang $TRUMP Coin ay lumilitaw na isang lehitimong cryptocurrency na may nakabalangkas na tokenomics at transparent na pagsasama ng blockchain.

Batay sa aming analysis, mukhang lehitimong cryptocurrency ang $TRUMP Coin dahil may structured tokenomics at transparent blockchain integration ito.
Gayunpaman, mataas ang insider concentration nito at malaki ang pagsandal sa branding, kaya nananatili itong isang risky at speculative na investment. Bagama’t mukhang may stability ang vesting at release mechanisms, dapat isaalang-alang ng potential investors ang market demand, dilution risks, at ang matinding pagdepende ng coin sa public image ni Trump.
Tulad ng lagi naming paalala, maging maingat at siguraduhing magsagawa ng sariling masusing pananaliksik bago gumawa ng anumang financial decision.
Mga Pros and Cons ng $TRUMP Coin
Sa kabila ng matinding kompetisyon sa crypto market, mabilis na nakahanap ng natatanging puwesto ang $TRUMP Coin sa pamamagitan ng pagsasama ng political branding, meme culture, at structured tokenomics. Narito ang mabilisang overview ng mga pros at cons batay sa gabay na ito:
Mga Pros | Mga Cons |
May malinaw na tokenomics na nagpapakita ng stability at long-term strategy | Mataas ang hawak ng insiders (80%) kaya may tanong tungkol sa decentralization |
Nakikinabang sa bilis at scalability ng Solana network | Ang tagumpay ng coin ay nakasalalay sa popularidad at public perception ni Trump |
Malakas ang suporta mula sa isang dedicated na community | Gaya ng ibang meme coins, madali itong maapektuhan ng hype at matinding price swings |
Presyo at Market Performance ng $TRUMP Coin
Simula nang ilunsad, nagpakita ng matinding volatility ang $TRUMP Coin sa presyo nito. Narito ang breakdown ng mga key stages ng kanyang performance:
Pag-launch at Unang Pag-angat
Ilang araw bago ang inauguration ni President-elect Donald Trump, inilunsad ang $TRUMP Coin na may starting price na nasa $10 per token. Matapos ang release, mabilis itong lumipad at umabot sa all-time high na $72 per token.

Note: Bumaba ang presyo ng token pagsapit ng Enero 21, 2025, at kailangang tumaas ang trading volume upang muling lumakas ang presyo nito.
Market Capitalization at Exchange Listings
Sa peak nito, umabot ang market capitalization ng $TRUMP Coin sa mahigit $14 bilyon, na naglagay dito sa top 20 cryptocurrencies ilang oras lang matapos ang launch. Kasalukuyan itong aktibong tine-trade sa iba’t ibang centralized crypto exchanges, kabilang ang CoinEx, kung saan may mataas na trading volume ang TRUMP/USDT pair.

Pagpapakilala sa $MELANIA Coin
Matapos ang paglunsad ng $TRUMP Coin, inilabas naman ni Melania Trump ang sarili niyang cryptocurrency, ang $MELANIA Coin, na mabilis na umabot sa halos $2 bilyong market cap.
Dahil dito, bahagyang bumaba ang value ng $TRUMP Coin, pero nagpakita ito ng resilience at naging stable sa bandang $50 kada token.
Tandaan na ang $TRUMP Coin ay nakatanggap na ng iba’t ibang reaksyon, at lalo pa itong lumakas matapos ang paglulunsad ng $MELANIA:
Paano Pumapasok ang $TRUMP Coin sa Mas Malawak na Crypto Ecosystem?
Sa pagsasanib ng cultural relevance at blockchain technology, ipinapakita ng $TRUMP Coin kung paano maaaring maging tulay ang digital assets sa pagitan ng mga komunidad at financial systems sa isang bagong paraan. Dahil inaasahang magiging mas crypto-friendly si Trump — malayo sa naging postura ng kanyang sinundang administrasyon — maraming mata ang nakatutok sa performance ng bagong meme coin na ito.
Disclaimer: Ang article na ito ay para sa impormasyong layunin lamang at hindi dapat ituring bilang financial advice. Ang meme coins ay lubhang speculative na assets. Huwag kailanman mag-invest ng higit sa kaya mong mawala at laging magsagawa ng sariling pananaliksik.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.
