Matagal nang bahagi ng crypto world ang XRP — nakatawid na sa mga kaso, rebranding, at pagbagsak ng market.
Sa gabay na ito, tatalakayin kung saan makakabili ng XRP, paano ito ligtas i-store, at konting kasaysayan ng coin.
Narito ang mga dapat mong malaman ngayong 2025.
SA MADALING SALITA
➤ Isa pa rin ang XRP sa pinakamatibay at sikat na cryptocurrencies — nakaligtas na ito sa matitinding kaso at matataas-babang market.
➤ Puwedeng bumili ng XRP sa mga major centralized exchange gaya ng Binance, Bybit, Coinbase, Kraken, at OKX.
➤ Para sa mas secure na storage, ilipat ang XRP sa non-custodial wallet tulad ng Xaman, Trust Wallet, Ledger, Trezor, o Exodus.
➤ Sa pagpili ng platform, i-check ang fees, features, at ang level ng seguridad at consumer protection ng platform.
Top platforms para bumili ng XRP ngayong 2025
1. Binance
Itinatag ni Changpeng Zhao (CZ) noong 2017, ang Binance ang pinakamalaking crypto exchange sa buong mundo base sa trading volume. Isa ito sa pinakakumpletong centralized exchanges (CEX) — may mga serbisyo para sa both beginners at advanced traders. May higit 250 million users sa 100+ bansa.
- May spot, derivatives, at margin trading
- May sariling NFT marketplace
- May mga Earn at savings features
- May mining at staking options
- May ilang services na hindi available depende sa location
- May mga pagkakataong nagkakaroon ng downtime
2. Bybit
Itinatag ni Ben Zhou noong 2018, ang Bybit ay kilala sa derivatives trading tulad ng futures at options. Isa ito sa pinakamalalaking CEX sa mundo batay sa trading volume. May suporta rin ito para sa advanced trading tools at iba’t ibang asset classes — hindi lang crypto, kundi pati commodities at forex.
- Advanced derivatives trading
- May trading bots at copy trading
- Maraming asset classes
- May Earn at savings features
- May mga bansa kung saan hindi available
- Limitado ang suporta sa fiat deposits
3. Coinbase
Ang Coinbase ay isang US-based CEX na itinatag noong 2012 nina Brian Armstrong at Fred Ehrsam. May higit 100 million users ito sa buong mundo at available sa mahigit 100 bansa. Sikat ito bilang entry point ng maraming baguhan sa crypto — may suporta sa mga developer, web3 advocacy, at mga produkto at serbisyo na nag-uugnay sa crypto at traditional finance (TradFi).
- Madaling gamitin para sa mga baguhan
- May sariling blockchain at non-custodial wallet
- Sumusunod sa mga regulasyon
- May “Learn” content para sa edukasyon
- Medyo mataas ang fees sa Coinbase Prime
- May reklamo sa customer support
4. Kraken
Nagsimula ang Kraken noong 2011 bilang Bitcoin-only exchange, pero kalaunan ay nag-expand para suportahan ang iba’t ibang crypto gaya ng XRP. Kilala ito sa mga advanced trading tools, derivatives products, at seryosong focus sa user security.
- May advanced trading features
- 24/7 ang customer support
- Hanggang 50x leverage
- Na-hack noong 2024, naapektuhan ang reputasyon sa security
5. OKX
Ang OKX ay isa sa pinaka-kilalang centralized exchanges (CEX) ngayon. Kasama ng OKCoin, pinapatakbo ito ng OK Group. Dati itong kilala bilang OKEx pero nag-rebrand bilang OKX noong 2022. Sikat ito sa mababang fees, advanced trading features, at automated tools tulad ng trading bots.
- Mababang trading fees
- Advanced trading sa spot at derivatives
- ISO-certified ang security
- May sariling non-custodial wallet at ZK layer-2 blockchain
- May mga reklamo sa customer support
- May geographic restrictions
Paghahambing ng Platforms para Bumili ng XRP
Mga Platform | Bilang ng Bansa Kung Saan Available | Mga Fees | Bonus |
---|---|---|---|
Binance | 100+ | 0.1% | Hanggang $100 |
Bybit | 160 | 0.1% | Hanggang 5,050 USDT |
Coinbase | 100+ | $ 0.99- $ 4.19 | Hanggang $200 |
Kraken | 190+ | 01-4% | Nag-iiba ang referral bonus |
OKX | 100+ | 0.08% | 0.1% | Hanggang 120 USDT |
Ang mga nangungunang platform upang bumili ng XRP ay pinili batay sa isang bilang ng mga kadahilanan. Pangunahin, isinasaalang-alang ng gabay na ito ang pagkatubig ng XRP sa platform, pati na rin ang mga suportadong bansa, bayarin, at anumang magagamit na bonus.
Ano ang XRP?
Gawa ng Ripple Labs, ang XRP ang native coin ng XRP Ledger (o XRPL). Sina David Schwartz, Jed McCaleb, at Arthur Britto ang nagsimulang mag-develop ng XRP Ledger noong 2011. Kalaunan ay sumali rin si Chris Larsen, at nagtayo sila ng kumpanyang tinawag na OpenCoin noong 2012 — na kalauna’y naging Ripple (XRP) noong 2013.
Hindi tulad ng karamihan sa mga cryptocurrency na lumabas noong panahong ’yon, hindi proof-of-work ang XRPL. Gumagamit ito ng federated consensus mechanism na base sa Byzantine Fault Tolerance (BFT) model.
Originally, ginawa ang XRP para sa mabilis at murang cross-border payments sa pagitan ng mga bangko at financial institutions — gamit ang RippleNet, isang blockchain-based payment network.
Noong 2020, kinasuhan ng U.S. SEC ang Ripple, sa alegasyong ang XRP ay isang unregistered security. Noong 2023, naglabas ang korte ng ruling na pabor sa Ripple sa bahagi ng kaso — sinabing hindi ito security kapag binebenta sa retail investors. Nag-apela ang SEC pero sa huli, ibinasura rin nila ang kaso noong Marso 2025.
Matagal ding na-suppress ang presyo ng XRP dahil sa legal battle. Pero tuwing may positibong balita sa kaso, bigla itong tumataas. Umabot pa sa punto na halos nalagpasan ng XRP ang market cap ng Ethereum, ang pangalawa sa pinakamalalaking crypto sa mundo.

Saan puwedeng i-store ang XRP?
Kapag bumili ka ng XRP mula sa exchange, magandang practice na i-withdraw ito sa isang secure na non-custodial wallet. Kahit sikat ang XRP, hindi lahat ng wallet ay compatible dito — kaya importanteng alam mo kung aling wallets ang puwedeng gamitin.
- Xaman: Non-custodial wallet na ginawa para sa XRP Ledger; puwede sa storing, sending, at pakikipag-interact sa XRPL assets at DApps.
- Trust Wallet: Multi-chain mobile wallet na may suporta para sa libo-libong crypto, NFTs, at web3 DApps.
- Ledger: Hardware wallet na may mataas na level ng security, gamit ang offline key storage at Ledger Live app.
- Trezor: Open-source hardware wallet na kilala sa transparency at seguridad; sinusuportahan ang iba’t ibang crypto assets.
- Exodo: Desktop at mobile wallet na may friendly interface, multi-asset support, built-in exchange, at portfolio tracking.
Paghahambing ng XRP Wallets
Wallet | Type | Open-source | Platform | Non-custodial |
---|---|---|---|---|
Xaman | Hot | ❌ | Android at iOS | ✅ |
Email Address * | Hot | ❌ | Extension ng Mobile at Browser (4+) | ✅ |
Ledger | Cold | ❌ | N / A | ✅ |
Trezor | Cold | ✅ | N / A | ✅ |
Exodo | Hot | ❌ | Mobile at desktop (3+) | ✅ |
Importante: Kailangan ng XRP holders na may minimum na balance sa kanilang wallet. Requirement ito ng XRP Ledger bilang “reserve” para maiwasan ang spam at abuse sa network. Karaniwan itong 10 XRP, pero puwedeng magbago depende sa kondisyon ng network.
Paano pumili ng best platform para bumili ng XRP
Maraming platform ang may parehong basic service — ang pagbili ng XRP. Pero depende sa kailangan mo, baka gusto mo rin ng ibang features. Eto ang mga dapat i-consider:
Mga Fees
Natural lang na gusto mo ng platform na mababa ang fees. Pero iba-iba ang charges depende sa activity mo:
- Deposit fees (lalo na kapag card o bank ang gamit)
- Withdrawal fees
- Trading fees
- Inactivity fees (bihira pero meron sa iba)
Tandaan din: may mga minimum deposit at withdrawal ang exchanges. Mas mura ang transaction kapag crypto ang gamit sa deposit/withdrawal kumpara sa fiat.
Features
Para sa XRP users, magandang tingnan kung may trading-related products ang platform. Ilan sa mga useful features ay:
- Derivatives trading
- Trading bots
- Copy trading
Kung active trader ka, malaking bagay ’yung may tools na swak sa strategy mo.
Seguridad
Pagdating sa seguridad, mahalagang isaalang-alang ang dalawang bagay: ang seguridad ng platform mismo at ang proteksyon ng mga user. Sa platform side, ito ang mga mekanismo para masigurong ligtas ang assets — tulad ng cold storage para sa crypto holdings, proof of reserves, at pagkakaroon ng 1:1 backing sa mga pondo. Mahalaga rin ang mga security certifications at maayos na control systems para sa access at operasyon ng platform.
Samantala, ang consumer protection naman ay tumutukoy sa mga safeguard para sa mga user kung sakaling magkaroon ng problema tulad ng exchange hacks, insolvency, pagka-freeze ng withdrawals, o fraud. Kabilang sa mga ito ang posibilidad ng reimbursement, legal recourse, o iba pang paraan para matulungan ang user makabawi sa posibleng pagkalugi.
Makikita kung ligtas at legal ang isang platform kung ito ay regulated at may tamang lisensya. Mahalaga ring naka-segregate ang pondo ng users mula sa operating funds ng kumpanya. Bukod dito, may mga exchange na boluntaryong bumubuo ng safety funds at gumagamit ng third-party crypto custodians na may insurance — dagdag proteksyon ito para sa mga user sakaling magkaroon ng biglaang problema.
Bakit patok pa rin ang XRP ngayong 2025
Isa pa rin ang XRP sa mga pinakasikat na cryptocurrency sa market. Sa kabila ng maraming pagsubok, nanatili ito — at ang resilience na ’yan ay isang bullish signal para sa marami. Kung balak mong bumili ng XRP, siguraduhing magsaliksik ka muna at piliin ang platform na bagay sa’yo. Wala kasing iisang exchange na perfect para sa lahat.
Disclaimer: Ang article na ito ay para sa impormasyon lamang at hindi dapat ituring na investment advice. Laging gumawa ng sariling research (DYOR) bago mag-invest.
Mga Madalas Itanong
Saan ka makakabili ng XRP?
Puwede kang bumili ng XRP sa karamihan ng centralized exchanges gaya ng Binance, Bybit, Coinbase, Kraken, at OKX. Pero tandaan, may ilang platform na may geographic restrictions depende sa bansa — kaya mas mabuting mag-research muna bago mag-sign up.
Ang XRP ay ang native token ng XRP Ledger (XRPL) na ginawa ng Ripple Labs. Dati itong kilala bilang OpenCoin bago ito nag-rebrand bilang XRP noong 2013.
Originally, ginawa ang XRP bilang payment system para sa mga bangko at financial institutions — gamit ang RippleNet. Kahit hindi masyadong nag-click ang use case na ’yon, naging popular pa rin ito bilang peer-to-peer payment token.
Oo, legal bumili ng XRP sa Pilipinas. Wala namang existing ban o regulasyon na nagbabawal sa pag-trade o pag-hold ng XRP dito. Bagama’t may naging legal na isyu ang XRP sa U.S., hindi ito direktang nakaapekto sa mga Filipino crypto users. Puwede pa ring bumili ng XRP sa mga major exchanges na available sa bansa.
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.
