Matapos mag-launch, biglang lumipad ang Lighter (LIT) at halos 21% ang inakyat nito, kaya umabot ang presyo malapit sa $3.26. Nabasag na niya ang upside Lighter price target, pero ngayon, bumabagal na ulit ang galaw ng presyo.
Ang importante ngayon, hindi lang yung breakout mismo, kundi kung anong itsura ng chart matapos nito. Maraming short-term signals ang nagsa-suggest na mukhang papasok na sa “cooling phase” o pahinga ang price action.
Nagpa-head and Shoulders Pattern ulit ang Presyo ng Lighter
Pagkatapos maabot ang halos $3.26 dahil sa solid na breakout ng inverse head-and-shoulders pattern, nagco-consolidate na ngayon ang presyo ng Lighter. Sa 4-hour chart, kitang-kita since January 5, parang nabubuo ulit ang head and shoulders pattern.
Gusto mo pa ng mga ganitong token insights? Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito here.
Yung “head” umabot halos sa $3.26 na naging swing high. Yung kanang balikat, nabubuo ngayon medyo mababa diyan, na nagpapakita na humihina na yung lakas ng pag-angat. Madalas, kapag ganyan ang setup, risk na talaga na bumaba lalo na ‘pag bumigay ang support.
Ang neckline nasa bandang $2.56. Kapag bumagsak ang presyo ng LIT sa ilalim ng $2.56, magiging active na itong bearish pattern na ito.
Kapag nangyari ‘yon, posible pang bumagsak ng hanggang 11%. Pero bago mangyari yung 11% na drop ayon sa pattern, kailangan muna bumaba ang presyo ng Lighter ng mga 15% mula sa kasalukuyan nitong presyo na nasa $3.01.
Humihina na ang Kapital na Pumapasok at Dip Buying
Malaking tulong ang capital flow data para intindihin kung bakit tumataas ang risk. Yung Chaikin Money Flow (CMF)—isang tool na mino-monitor kung pumapasok o lumalabas ang malaking kapital sa isang token—nanatiling positive mula January 6 hanggang January 8 kahit bahagyang bumaba ang presyo. Pinapakita nito na kahit bumababa ang presyo, may mga buyers pa ring sumasalo ng selling pressure.
Pero unti-unti na ring humihina ang support na ‘yan. Makikita sa 4-hour chart na bumabagsak na ang CMF kahit bahagyang positive pa rin siya. Ibig sabihin, humihina na yung pumapasok na pera, at hindi na lumalakas ang momentum. Pati yung mga tinatawag na mega whales (top 100 wallet addresses) – hindi na sila active bumili sa 24 na oras na nakalipas, na syang nagbibigay ng confirmation sa tuluyang pagbaba ng CMF. Para hindi mangyari ang bagsak, dapat magsimulang mag-accumulate ulit ang mga malaking holders na ‘to.
Dagdag pa rito, ang data sa dip buying ay nagbabala rin. Mabilis bumagsak ang Money Flow Index (MFI) mula January 6 hanggang January 9. Kahit dahan-dahan lang ang pagbaba ng presyo, mabilis pa rin bumaba ang MFI, na ibig sabihin mahina ang dip buying at umaatras na ang mga traders imbes na ipaglaban ang dating levels.
Sa madaling salita, parehong bumabagal ang mga pumapasok na pera at ang buying interest, base sa weakening ng CMF at bagsak na MFI.
Mga Galawan sa Derivatives at Mga Susunod na Presyo na Dapat Bantayan
Yung positioning sa perpetual (perp) market ng Lighter ay mas maraming net short halos sa lahat ng grupo, na nagpapakita na wala masyadong naniniwala na akyat ang presyo. Kahit yung panalo sa net positive (long) positioning, mahigit 8% din ang nabawa. Ibig sabihin, sa ngayon ay walang strong signal na umaasa ang market na tataas ulit ang presyo ng LIT.
Ngayon, ang price levels ng LIT ang magdi-decide ng susunod na galaw. Kapag nag-hold sa ibabaw ng $2.97, hindi mababasag yung right shoulder ng pattern. Pero kapag bumaba sa ilalim ng $2.78, posible nang ma-pressure ang buong structure. Kung tuloy-tuloy bumagsak sa ilalim ng $2.56, malamang tuloy-tuloy na yung bearish movement papunta sa $2.30 area, na yun din yung dating launch low na nawala na.
May malinaw ding level na magsa-signal kung maling pattern nga ito. Kapag nag-close ang 4-hour candle ng malakas sa ibabaw ng $3.26, mawawala na ang head and shoulders pattern at ibig sabihin, may panibagong lakas pataas. Pwede ring mangyari yung short-squeeze dito lalo na dahil maraming trader ang naka-short ngayon.
Sa ngayon, nasa turning point ang Lighter. Nangyari na yung breakout na 21% pero hindi pa pumapasok yung bagong pondo at wala pang lakas ang dip buyers. Base sa chart, malamang magpatuloy ang controlled cooldown imbes na tuluy-tuloy na umangat agad ang presyo.