Nasa $585 million ang halaga ng mga bagong crypto tokens na papasok sa market sa susunod na pitong araw. Malalaking proyekto tulad ng Hyperliquid (HYPE), Sui (SUI), at EigenCloud (EIGEN) ang maglalabas ng mga bagong tokens sa sirkulasyon.
Malamang na magdulot ang releases na ito ng dagdag na supply na puwedeng magresulta sa biglang galaw at pagbabago ng presyo sa short term. Narito ang update para sa bawat proyekto na dapat bantayan:
1. Hyperliquid (HYPE): Tumitindi ang Hype
- Petsa ng Unlock: December 29
- Bilang ng Mga Tokens na Ire-release: 9.92 million HYPE (0.992% ng Total Supply)
- Current Circulating Supply: 238.38 million HYPE
- Total supply: 1 billion HYPE
Ang Hyperliquid ay isang decentralized perpetual futures exchange na gamit ang sarili nitong Layer-1 blockchain. Kilala ito sa mabilisang trading na may low latency, on-chain order books, at halos instant na transaction finality.
Ngayong December 29, maglalabas ang project ng 9.92 million tokens na tinatayang nasa $258.03 million ang halaga. Katumbas ito ng 2.87% ng kasalukuyang circulating supply.
Diretso mapupunta sa mga core contributor ang lahat ng ire-release na token ng Hyperliquid. Bukod pa dito sa cliff unlock, sa January 6 magdi-distribute ulit ng 1.2 million HYPE tokens papunta sa mga team member ang network.
2. Sui (SUI)
- Petsa ng Unlock: January 1
- Bilang ng Mga Tokens na Ire-release: 43.69 million SUI (0.44% ng Total Supply)
- Current Circulating Supply: 3.736 billion SUI
- Total Supply: 10 billion SUI
Ang Sui ay isang high-performance Layer-1 blockchain. Gamit nito ang Move programming language para gawin na scalable, secure, at mas mabilis gamitin ang mga decentralized applications (dApps). Bukod pa dito, focus din ni Sui ang parallel execution kaya malakas ang throughput nito – bagay na bagay para sa gaming, decentralized finance (DeFi), at mga Web3 na ecosystem.
Ngayong January 1, mag-u-unlock ng 43.69 million SUI tokens bilang parte ng kanilang monthly vesting schedule. Katumbas ito ng 1.17% ng kasalukuyang circulating supply at may halagang nasa $65.10 million.
Sa na-unlock na supply, 19.32 million SUI ang mapupunta sa Series B investors. Ang community reserve at mga early contributor, makakakuha ng 12.63 million at 9.98 million SUI. Para sa Mysten Labs naman, 2.07 million altcoins ang naka-allocate sa kanila.
3. EigenCloud (EIGEN)
- Petsa ng Unlock: January 1
- Bilang ng Mga Tokens na Ire-release: 36.82 million EIGEN (2.07% ng Total Supply)
- Current Circulating Supply: 494.59 million EIGEN
- Total Supply: 1.779 billion EIGEN
Ang EigenCloud (dating EigenLayer) ay isang cloud platform na pwedeng ma-verify at built sa EigenLayer protocol. Layunin nitong bigyan ng iisang infrastructure ang mga developer para makalikha ng trustless at madaling i-verify na Web3 services at apps.
Sa January 1, mag-u-unlock sila ng 36.82 million EIGEN tokens na may tinatayang value na $14.69 million. Ito ay 9.74% ng kabuuang circulating supply ng EIGEN ngayon.
Dalawang grupo ang hahati sa mga na-unlock na tokens: 19.75 million para sa mga investors at 17.07 million naman para sa mga early contributor.
Bukod pa sa tatlong iyan, dadagdag din ngayong linggo sa supply ang Ethena (ENA), Kamino (KMNO), at Renzo (REZ) na papasok sa market ngayong linggo.