Isa pa rin sa mga pinaka-sensitive na kategorya sa crypto ngayon ang meme coins. Manipis ang liquidity (dahil year-end), kaya kahit maliit na galaw sa supply o sa treasury activity, mabilis nang nakakaapekto sa presyo. Kung naghahanap ka ng mga meme coin na dapat bantayan pagpasok ng January 2026, merong tatlong coin na standout — pero iba-iba ang dahilan kung bakit.
Yung isa, mas bumibigat na ang selling pressure. Yung isa naman, matibay pa rin kahit magulo ang market. Yung isa, mukhang nagpapakita na ng mga unang senyales ng posibleng pagbabago ng trend.
Pump.fun (PUMP): Saan Aabot ang Hype ng Meme Coin Na ‘To?
Kasama ang Pump sa mga unang meme coin na dapat bantayan ngayong January 2026, dahil may matinding on-chain red flag dito. Base sa bagong data, naglipat ang team ng dagdag $50 million mula sa ICO proceeds papunta sa Kraken.
Simula kalagitnaan ng November, higit $600 million na ang nailipat papuntang exchange.
Mukhang hindi na simple treasury management lang ang nangyayari — parang nilalabas na ng team ang laman ng treasury, at dahil dito, nababahala ang market na baka nauubos na ang liquidity.
Kitang-kita rin ang selling pressure sa on-chain data. Sa nakaraang 24 oras, nabawasan ng 1.61% ang hawak ng mga whales, ibig sabihin, hindi nila sinusuportahan ang presyo nitong mga panahong ‘to.
Pinapakita rin ng distribution score na siksik ang coins sa top holders. Kaya kung magpatuloy ang bentahan, mas lalo pang lalakas ang volatility ng price.
Gusto mo pa ng mga ganitong token insights? Puwede kang mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Lalo pang nakakadagdag ng ingat ang price chart nito. Nagtetrade ang PUMP malapit sa $0.00188, at kasalukuyang nasa loob ng posibleng bear flag pattern.
Kapag bumagsak ito sa ilalim ng $0.00179, puwedeng mas malaki pa ang ibaba nito papuntang $0.00146, tapos $0.00100, at posibleng $0.00088 kung tuluyan nang bumigay ang momentum. Pero kung aangat sa $0.00247, doon lang magkakaroon ng invalidation ng downtrend, at bullish ang setup kung lampasan ang $0.00339.
Sa ngayon, meme coin pa rin si PUMP na dapat bantayan, pero hindi ibig sabihin automatic na bilhin agad. Magdedepende ang next move kung mapipigilan ng buyers ang selling pressure at kayang maibalik sa $0.00203 yung price (unang resistance).
Pippin (PIPPIN)
Isa sa mga meme coin na matibay ngayon si PIPPIN kahit nagra-range lang ang market. Bagsak siya ng mga 7% nitong araw, pero overall, up pa rin siya ng halos 4.6% sa loob ng isang linggo. Kaya kumbaga, si PIPPIN ang isa sa mga meme coin na dapat abangan pa rin sa 2026 dahil hindi pa nasira ng short term weakness ang weekly structure niya.
Sa daily chart, nag-flip na ang $0.46 from support papuntang resistance at ngayon, nagtetrade si PIPPIN malapit sa $0.43. Kung mare-reclaim niya ang $0.46, puwede siyang gumawa ng move pataas sa $0.55.
Kapag malinis na inakyat ang $0.55, mas solid ang setup at may chance makapunta sa $0.71, na dating local high. Ibig sabihin, malapit ng mag price discovery si PIPPIN para sa January range.
Yung CMF o Chaikin Money Flow — indicator kung malaki ba ang pumapasok na pera from big players — naging positive uli ngayon lang simula November 30. Noong huling tumawid ng zero ang CMF nung November 30, halos 880% ang nilipad ni PIPPIN. Ngayon pa lang ulit tumataas ang CMF, na pwedeng ibig sabihin nagsisimula na ang inflow at lakas ng buyers, kahit na tinetest ng price ang resistance.
Kaya simple lang ang setup para sa January: Kung magstay above $0.43 si PIPPIN at mabawi niya ang $0.46, puwedeng dumiretso pataas sa $0.55 at baka hanggang $0.71. Pag hindi nag-hold, balik neutral yung bias. Pero once bumaba pa sa $0.30 yung price action ni PIPPIN, ‘yon na yung bearish signal.
Dogecoin (DOGE)
Bagsak ng halos 18% ang Dogecoin nitong nakaraang 30 days, kaya isa ito sa pinaka-mahina sa mga malalaking meme coin ngayon. Kahit ganito ang takbo, nananatili pa rin ang DOGE bilang isang coin na dapat bantayan hanggang January 2026, dahil pinapakita ng on-chain activity at price structure na baka magbago pa ang mga galaw nito.
Ang mga whale na may hawak ng 10 million hanggang 100 million DOGE ay nagsimula nang mag-accumulate ulit. Umangat ang total supply nila mula 17.38 billion papuntang 17.50 billion noong December 27.
Sa kasalukuyang presyo, halos 14 million DOGE ang dagdag nila. Malaking bagay ang pag-accumulate na ito, kasi pinapakita na yung malalaking player ay nagpo-position nang maaga, imbes na magbenta kapag mahina ang market. Kung tuloy-tuloy pa rin silang magdadagdag ng hawak, bababa ang selling pressure at baka tumibay ang local support.
Suportado ng DOGE price chart ang analysis na ‘yan. Mula November 21 hanggang December 26, gumawa ang DOGE ng mas mababang low pero yung RSI (Relative Strength Index, indicator na nagme-measure kung overbought o oversold ang isang coin) ay gumawa ng mas mataas na low.
Tawag dito ay bullish divergence – kadalasan, senyales ito ng reversal lalo na sa daily chart. Nabuo ‘yung divergence nung tinest ng DOGE ang support sa $0.120 at umangat pabalik.
Kung magho-hold ang $0.120, matibay pa rin ang setup nito. Ang next level na itetest ay $0.141. Kapag nag-close above dito, kumpirmado ang breakout mula sa divergence at possible na magtuloy-tuloy patungong $0.154 at baka umabot pa sa $0.164. Ito na ang simula ng kahit anong pwedeng recovery sa January 2026.
Simple lang ang risk dito—kapag bumagsak pa ang DOGE below $0.120, maaaring bumalik sa pagbenta ang mga whale. Hihina ang bullish divergence, at matetest kung talaga bang kayang mag-lead ng DOGE sa recovery. Kapag bumitaw sa ilalim ng $0.120, mas mahina na ang setup at baka lumipat ang hype sa ibang meme coin habang hindi pa bumabalik ang lakas ng DOGE.