Opisyal na nag-launch ang TON Foundation ng “MemeRepublic,” isang bagong kompetisyon na nagdadala ng istruktura, fairness, at transparency sa magulong mundo ng memecoin trading. Backed ng $1 million Memecoin Fund, ang MemeRepublic ay ginawa para sa lahat ng nag-trade, nag-launch, o kahit pa nag-hold ng memecoin at naghahangad ng patas na laban na hindi pinamumunuan ng insiders.
Sa susunod na 10 linggo, magiging focus ng proyekto ang mga reward sa activity, creativity, at on-chain liquidity, na tumutulong gawing maisusukat, kompetitibo, at transparent ang memecoin scene ng TON. Hinihikayat nito ang trading, paglago ng liquidity, at community participation, kung saan lahat ay tracked in real time sa pamamagitan ng a publicly accessible dashboard.
$1M MemeRepublic Fund: Ano Ito?
Hahatiin ang Memecoin Fund sa $500,000 para sa direktang pagbili ng memecoin at $500,000 para sa liquidity provisioning. Sa huli, makakatulong ito para matiyak na may sapat na liquidity para sa trading pairs at transparent na support para sa mga high-performing na proyekto.
Bawat linggo, makakatanggap ng $100,000 na combined reward ang isang token. $50,000 ang mapupunta sa direct market purchases na gagawin mismo ng TON Foundation, at ang natitirang $50,000 ay para sa karagdagang liquidity support na ilalagay sa decentralized exchange (DEX) pools.
Ang layunin ng two-part na istruktura na ito ay para matiyak na may pangmatagalang market depth kaysa maikling pagtaas ng presyo. Lahat ng pagbili, liquidity injection, at distribution ay mangyayari on-chain, na nagpapatibay sa commitment ng inisyatiba sa transparency at accountability.
Paano Ba Gumagana ang MemeRepublic?
Nagsisilbing kompetitibong on-chain leaderboard ang MemeRepublic na niraranggo ang memecoins base sa real, measurable metrics. Kabilang dito ang trading volume, liquidity, market cap, pagtaas ng presyo, at bilang ng may hawak ng token.
Tumatakbo ang kompetisyon nang 10 linggo mula Nobyembre 7, 2025, hanggang Enero 9, 2026, na may bawat linggo ay tumatakbo mula Biyernes hanggang Biyernes. Ang dashboard, na dinevelop kasama ng DeDust/x1000, ay automatic na nag-u-update bawat 5 minuto. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga kalahok at ang mga community member na subaybayan ang live standing at performance data.
Para maging mutually beneficial ang sistema, mayroong 1% trading fee na naaangkop sa lahat ng kalahok na liquidity pools. Ang layunin ay makapagtatag ng self-sustaining cycle kung saan:
- Kumikita ang Liquidity Providers (LPs) mula sa pool fees.
- Makikinabang ang traders mula sa pagtaas ng presyo.
- Nakikinabang ang mga Decentralized Exchanges (DEXs) mula sa mataas na trading volume.
Sa ganitong dinamika, merong isang merkado kung saan lahat ay kumikita habang lumalago ang ecosystem.
Sino ang Pwedeng Sumali: Mga Patakaran, Eligibility, at Rewards
Karamihan sa mga umiiral na TON Memecoins ay eligible na sumali, with exclusions sa stablecoins, DeFi tokens, gaming tokens, at ibang non-meme assets. Pwedeng mag-join ang bagong memecoins basta’t nag-launch sila sa mga participant na platform tulad ng Blum, MemesLab, Stonks, GasPump, o BigPump.
Maaari din silang lumahok kung mayroong silang pools sa mga approved DEXs tulad ng TONCO, STON.fi, at DeDust.
Para maging kwalipikado para sa lingguhang $100k reward, ang mga sumasaling token ay dapat matugunan ang parehong community at technical standards kabilang ang:
- Maaktibong presensya sa social media, kasama ang Telegram at X (Twitter)
- Nakalock sa renounced liquidity pools.
- May diversified na holder base.
- May public contact information sa project bios.
- Walang hidden contract functions o mataas na transfer taxes.
Disqualified agad ang mga tokens na sangkot sa fake volume, bot-driven activity, o market manipulation. Hindi rin pwedeng mag-coordinate ng pump-and-dump scheme, gumamit ng illegal bulk wallets, magkaroon ng non-diversified holders, o mag-coordinate ng anumang illegal na aktibidad sa market.
Mahalaga na banggitin na ang MemeRepublic ay walang palugit para sa illegal na aktibidad at tinitiyak ang patas na paglalaro para sa lahat.
Paano Pinipili ang Mga Panalo?
Bawat linggo, kinikilala ng MemeRepublic ang isang pinakamagaling na memecoin sa pamamagitan ng transparent na on-chain formula sa tulong ng mga sumusunod na metrics:
- Ang isang token ay maaari lamang manalo hanggang tatlong beses sa loob ng kompetisyon.
- Walang token na pwedeng manalo nang dalawang magkasunod na linggo.
- Ang mga panalo ay inia-anunsyo sa susunod na linggo, na may liquidity provisioning na kumpleto bago magsimula ang susunod na cycle.
Para mapanatili ang fairness at maiwasan ang front-running, isinasagawa ng TON Foundation ang “purchases at random times” gamit ang bagong wallets bawat linggo. Lahat ng transaksyon ay makikita ng publiko, na ang mga resulta ay mapapatunayan gamit ang on-chain data.
Transparency at Real-Time na Pagsubaybay
Ang pundasyon ng MemeRepublic ay Transparency. Ang public dashboard, na dinisenyo at dinevelop para mag-refresh bawat 5 minuto, ay nagbibigay sa mga user ng kumpletong visibility sa trading activity, rankings, at rewards distribution.
Imbes na umasa sa private, point-based scoring system, ang fully on-chain architecture ng MemeRepublic ay hinahayaan ang community na i-audit ang bawat aspeto ng kompetisyon. Nangako rin ang Foundation na ipapublish ang eksaktong formula at mga weightings na ginamit para sa scoring sa pag-end ng kompetisyon. Ang hakbang na ito ay makakatulong para matiyak na ang mga resulta ay independently verifiable.
Ang layunin ng approach na ito ay ang pag-align sa mas malawak na mission ng TON, na iintegrate ang transparency sa participation.
Anong Layunin ng MemeRepublic?
Ang MemeRepublic ay higit pa sa isang marketing initiative; ito ay isang pagsisikap na bigyan ang memecoins ng isang credible framework, na maaaring gawing “community-driven digital assets.” Makakatulong ito para muling ipakahulugan kung paano tinitingnan at pinahahalagahan ang mga memecoins.
Sinabi rin na imbes na magbigay-reward sa mga hype cycles o speculative pumps, ang inisyatiba ay nagbibigay-diin sa on-chain transparency, patas na kumpetisyon, at pangmatagalang liquidity. Ang pagbabagong ito ay sumusuporta sa pagsisikap ng TON na gawing mas propesyonal ang isang bahagi ng crypto na madalas itinuturing na puno ng hype at karaniwang sinusuportahan ng scams at rug pulls.
Sa pamamagitan ng structured na incentives, matutulungan ng TON na himukin ang mga creators at mga trader na mag-innovate nang responsable, pinapakita na puwedeng magkasama ang entertainment at economic value sa Web3.
Memecoin Culture at Infrastructure ng TON
Habang ang MemeRepublic ay nakatuon sa weekly contests at incentives, isa rin itong long-term na hakbang para palakasin ang memecoin culture ng TON. Makakatanggap ng karagdagang supporta sa ecosystem ang mga lumalahok, na kinabibilangan ng:
- Ang pag-introduce sa market maker at CEX na nakakatulong para makalipat ang mga projects mula sa DEX environments.
- Posibleng maisama sa mga future initiatives tulad ng TON Memecoin Index.
- Community exposure sa lumalawak na network ng developers, creators, at traders ng TON.
Paano Binabago ng TON Foundation ang Memecoin Success
Dumadating ang MemeRepublic sa panahon kung kailan dominado ng memecoins ang crypto culture pero kadalasang kulang sa tiwala at transparency. Sa pamamagitan ng pag-anchor ng kompetisyon sa maaasahan at on-chain metrics at sinusupotahan ito ng matinding pondo, layunin ng TON Foundation na baguhin ang pagsukat sa tagumpay ng memecoins.
Dito, hindi tungkol sa hype ang pag-unlad, kundi tungkol ito sa performance. Public ang mga rules, live ang data, at may bakas ang bawat transaksyon.
TON Foundation: Pagsuporta sa Ecosystem
Sa core nito, ang TON Foundation ay isang not-for-profit na organisasyon na nakatuon sa pagpapabilis ng pag-unlad ng TON Ecosystem. Na-aabot nila ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga developers, creators, at mga negosyo habang nagtatayo sila sa TON Blockchain. Bukod pa rito, nakasentro rin ang foundation sa protocol development, pagpapalawak ng ecosystem, at totoong pag-adopt.
Habang sinusuportahan ang misyon ng TON, hindi kontrolado ng Foundation ang network. Bukas at community-driven ang TON, at malaya ito sa anumang central authority.
Alamin pa ang iba pang detalye sa ton.foundation.
Website: ton.org/memerepublic
Telegram: t.me/TONMemeRepublic
X (Twitter): @TONMemeRepublic