Trusted

4 na Pangyayari sa Ekonomiya ng US na Maaring Makaapekto sa Crypto Market Ngayong Linggo

3 mins

In Brief

  • Mga Mahalagang Economic Data ng US Ngayong Linggo—CPI, Jobless Claims, PPI, at Retail Sales—Pwedeng Makaapekto sa Trends ng Crypto Market.
  • Ang CPI data sa Miyerkules at jobless claims sa Huwebes ay pwedeng magbigay ng senyales sa inflation trends na makakaapekto sa crypto bilang hedge.
  • Pwedeng maapektuhan ang Bitcoin ng mga ulat ng PPI at retail sales ngayong Biyernes dahil ang gastos ng mga producer at paggastos ng consumer ay may impact sa market sentiment.

May ilang US economic events na dapat abangan ng crypto markets ngayong linggo matapos mare-elect ni Donald Trump at matapos maglabas ng desisyon sa interest rate ang Federal Open Market Committee (FOMC) noong nakaraang linggo.

Dahil sa muling epekto ng US macroeconomic data sa Bitcoin (BTC) at crypto markets, kailangan paghandaan ng mga traders at investors ang posibleng volatility na dala ng mga paparating na event.

CPI

Mahalagang economic data ngayong linggo ang US Consumer Price Index (CPI) na ilalabas sa Miyerkules, Nobyembre 13. Si Federal Reserve (Fed) Chair Jerome Powell ang mag-aanunsyo ng CPI data para sa buwan ng Oktubre.

Ang pag-release ng CPI ay kasunod ng 25 basis point (bps) rate cut ng FOMC sa kanilang meeting noong nakaraang linggo. Sinabi ni Powell na wala sa plano ng mga policymakers ang pagtaas ng interest rates at inamin na ramdam pa rin ng mga Amerikano ang epekto ng mataas na presyo nito. Mahalagang bantayan ang US CPI dahil malaki ang epekto nito sa mga magiging desisyon ng Fed sa mga susunod na buwan.

Ang US CPI para sa buwan ng Setyembre ay 2.4%, bumaba mula sa 2.5% noong Agosto at 2.9% noong July. Ito’y nagpapahiwatig ng general easing sa inflation mula Abril.

US CPI Inflation Trend
US CPI Inflation Trend. Source: Investing.com

Inaasahan ng mga ekonomista na bababa ng 0.2% ang headline inflation para sa Oktubre. Pati ang core CPI—isang mahalagang economic data ng US na hindi kasama ang pabago-bagong presyo ng pagkain at enerhiya—ay inaasahang bababa rin ng 0.3%.

Kung mas mataas kaysa inaasahan ang data sa Miyerkules, maaaring senyales ito ng muling pagtaas ng inflation sa mga susunod na buwan. Maaari nitong pigilan ang patuloy na pagbaba ng Fed sa policy rates at, higit sa lahat, posibleng maapektuhan ang pag-angat ng Bitcoin.

“We keep in mind that the lower rates go, the more liquidity institutional investors will have to invest in risky markets like Crypto,” ika ni Crypto Futur, isang popular na analyst sa X.

Inisyal na Bilang ng mga Nag-File ng Unemployment

Isa pang mahalagang economic event ngayong linggo ang initial jobless claims o ang dami ng mga bagong nag-file para sa unemployment benefits. Ang datos na ito, na ire-release ng Labor Department sa Huwebes, Nobyembre 14, ay sinusukat para malaman ang laki ng populasyon na nawalan ng trabaho. Noong Nobyembre 2, tumaas ito ng 3,000 applications at umabot na sa 221,000.

Nababahala ang FOMC sa senyales ng paghina ng labor market, kaya’t nagbaba sila ng interest rates ng kalahating porsyento noong Setyembre. Bilang dagdag na hakbang, nag-anunsyo ulit ang Fed ng quarter-point rate cut noong nakaraang linggo. Kung masyadong marami ang jobless claims, tataas ang risk ng recession dahil ang pagkawala ng trabaho ay nagpapahina sa kakayahan ng mga tao na gumastos.

PPI

Ngayong linggo, magre-report din ang US Bureau of Labor Statistics (BLS) ng Core Producer Price Index (PPI) para sa Oktubre. Sinusukat ng data na ito ang pagtaas ng presyo sa antas ng mga producer, na nagbibigay ng ideya tungkol sa inflation sa wholesale level.

Ang pagtaas ng PPI ay nagpapahiwatig ng pagtaas ng production costs, na posibleng magdulot ng mas mataas na gastos sa enerhiya at hardware na kailangan sa crypto mining at processing. Kaya’t kung tataas ang core PPI sa Biyernes, maaari itong magdala ng negatibong epekto sa Bitcoin at crypto.

Retail Sales sa US

Kasama rin sa mga economic events na may implikasyon sa crypto ngayong linggo ang US retail sales. Ire-release ng Censors Bureau ang datos sa Biyernes, na magbibigay ng insights sa consumer spending trends na isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng US.

Noong Setyembre, tumaas ang retail sales ng 0.4%, at inaasahang tataas pa ito ng 0.3% ngayong buwan. Kung malakas ang retail sales data para sa Oktubre, puwedeng mabawasan ang pangamba sa recession dahil mas matibay ang ekonomiya at mas mataas ang consumer spending. Ang ganitong trend ay posibleng magpalakas ng interes sa mga mas risky na assets tulad ng stocks at cryptocurrencies dahil senyales ito ng mas magandang kondisyon sa ekonomiya.

BTC Price Performance
BTC Price Performance. Source: BeInCrypto

Habang hinihintay ng mga traders at investors ang economic data ng US, tumaas ang Bitcoin ng halos 2% mula nang magbukas ang session noong Lunes. Sa kabila ng bahagyang pag-angat, nananatili pa rin itong lampas sa psychological level na $80,000 at kasalukuyang nasa $80,808 habang sinusulat ang article na ito.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

lockridge-okoth.png
Lockridge Okoth
Si Lockridge Okoth ay isang mamamahayag sa BeInCrypto, na nakatuon sa mga kilalang kumpanya sa industriya tulad ng Coinbase, Binance, at Tether. Tinatalakay niya ang iba't ibang paksa, kabilang ang mga pag-unlad sa regulasyon sa desentralisadong pinansya (DeFi), desentralisadong pisikal na imprastraktura ng mga network (DePIN), mga tunay na ari-arian sa mundo (RWA), GameFi, at mga cryptocurrency. Noong una, nagsagawa si Lockridge ng pagsusuri sa merkado at teknikal na pagsusuri ng mga...
READ FULL BIO