Trusted

MicroStrategy Nag-announce ng $1.75 Billion na Private Note Sale para Bumili pa ng Bitcoin

2 mins

In Brief

  • MicroStrategy, nag-aalok ng $1.75 billion na convertible notes, na mag-mamature sa 2029, para bumili pa ng Bitcoin.
  • Sa parehong araw, bumili ang firm ng $4.6 billion na halaga ng Bitcoin, kasunod ng $2 billion na binili nila noong nakaraang linggo.
  • Ang Bitcoin-first strategy ng MicroStrategy, i-align ang value nito sa BTC, nakamit ang record highs sa gitna ng bull market.

Inanunsyo ni Michael Saylor, founder ng MicroStrategy, na mag-aalok ang kumpanya ng $1.75 billion sa zero-coupon convertible notes para bumili ng mas maraming Bitcoin. Ngayong araw, bumili ang MicroStrategy ng mahigit $4.6 billion na halaga ng Bitcoin.

Ang post-Trump bull market ay nagpalakas sa Bitcoin-first policy ng MicroStrategy, habang patuloy ang kumpanya sa paggawa ng record investments sa BTC.

MicroStrategy, Bibili Pa ng Mas Maraming Bitcoin

Ayon sa pinakahuling anunsyo, ang convertible senior notes ay iaalok bilang zero-coupon convertibles na ibig sabihin ay walang interes na babayaran. Pagdating ng 2029, magiging stock ng MicroStrategy ang mga notes na ito kaya ibinebenta sa mas mababang presyo.

“Balak gamitin ng MicroStrategy ang net proceeds mula sa offering na ito para bumili pa ng dagdag na bitcoin at para sa general corporate purposes,” sabi ng kumpanya sa kanilang press release.

Ang fundraiser na $1.75 bilyon para sa karagdagang pagbili ng Bitcoin ay inanunsyo kasabay ng pagbili ng MicroStrategy ng $4.6 bilyon na BTC. Isang linggo bago ito, naglagay din sila ng mahigit $2 bilyon para sa pagbili ng Bitcoin.

Malinaw na pinapakita nito na ang MicroStrategy ang pinakamalaking holder ng Bitcoin sa mundo, at patuloy ang kanilang matibay na patakaran na Bitcoin-first.

MicroStrategy: A Major Bitcoin Holder
MicroStrategy: A Major Bitcoin Holder. Source: Shaun Edmondson

Simula nang ipatupad ang patakarang ito, lumobo ang presyo ng stock ng MicroStrategy, na lumampas pa sa Bitcoin na may 24-year high noong Oktubre. Tumaas ang presyo ng kanilang stocks ng mahigit 460% sa isang taon at halos 75% ngayong buwan lang.

Malapit na nauugnay ang halaga ng kumpanya sa performance ng Bitcoin, pero hindi ito laging direktang nagtutugma. Sa kabila nito, naabot ng MicroStrategy ang mga high na ito bago ang muling pagkahalal ni Trump, at ang kasunod na bull market ay lalo pang nagpaangat dito.

microstrategy stock performance
MicroStrategy year-to-date stock performance. Source: Yahoo Finance

Hindi ganap na nilinaw sa press release ang ilang detalye tungkol sa private offering na ito; halimbawa na rito ang mga eksaktong termino ng pag-mature ng asset at ang karapatan ng MicroStrategy na tubusin ang mga notes para sa cash.

Nag-anunsyo rin si Saylor ng isang Webinar para pag-usapan ang offering noong Martes, Nobyembre 19. Bukas ito para sa Qualified Institutional Buyers, ang parehong grupo na maaaring bumili ng mga notes.

Habang nagpapatuloy ang bull market, walang malinaw na limitasyon sa appetite ng MicroStrategy sa Bitcoin. Pero, limitado ang supply ng bitcoins, at nalampasan na ng mga issuer ng ETF ang produksyon ng mga miners. Hindi magtatagal ang mga malalaking pagbili na ito, lalo na sa ganitong market, pero malamang na ipagpatuloy ito ni Saylor hangga’t kaya niya.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

image-10-1.png
Landon Manning
Si Landon Manning ay isang mamamahayag sa BeInCrypto, na sumasaklaw sa iba't ibang paksa, kabilang ang internasyonal na regulasyon, teknolohiyang blockchain, pagsusuri sa merkado, at Bitcoin. Bago ito, si Landon ay nagtrabaho bilang manunulat sa Bitcoin Magazine ng anim na taon at nakipag-ugnayan sa pagsulat ng isang newsletter na pabor sa Bitcoin na may 30,000 na subscribers. Si Landon ay may hawak na Bachelor of Arts sa Pilosopiya mula sa Sewanee: The University of the South.
READ FULL BIO