Trusted

MicroStrategy Papasok sa Nasdaq 100 Ngayong Buwan, Ayon sa mga ETF Analysts

2 mins
Updated by Mohammad Shahid

In Brief

  • Maaaring palitan ng MicroStrategy ang Moderna sa Nasdaq 100, umaangat dahil sa pagtaas ng stock nito na dulot ng Bitcoin.
  • Ang mga classification rules ng Nasdaq ay kasalukuyang naglilista sa MicroStrategy bilang isang tech stock, na iniiwasan ang mga restrictions sa financial companies.
  • Nakikita ng mga Analyst na sina Eric Balchunas at James Seyffart ang mga panganib ng reclassification pero inaasahan ang inclusion kung walang pagbabago bago mag-March.

Ayon kina Eric Balchunas at James Seyffart, dalawang kilalang ETF analyst, posibleng mapasama ang MicroStrategy sa Nasdaq 100. Ang MicroStrategy ay classified pa rin bilang tech stock, kaya naiiwasan nito ang restriction na hindi eligible ang mga finance company.

Kung matutuloy ang prediction na ito, mangyayari ito ngayong Biyernes para sa paglista sa December 23.

MicroStrategy sa Nasdaq 100?

Unang sinabi ni Balchunas ang prediction na ito sa social media post kahapon, na nagsasabing papalitan ng MicroStrategy ang Moderna, isang COVID-19 vaccine manufacturer.

Dahil sa sunod-sunod na pagbili ng Bitcoin, tumataas ang stock price ng MicroStrategy, at kamakailan lang ay naging isa ito sa top 100 publicly traded US companies. Pero kailangan pa rin ng approval ng NASDAQ para maisama ito sa listahan.

Expected Additions to Nasdaq 100
Expected Additions to Nasdaq 100. Source: Eric Balchunas

Bilang isang publicly traded company, limitado ang pagpasok ng Nasdaq sa crypto industry nitong mga nakaraang taon. Noong nakaraang taon, hininto ng SEC ang plano nitong maglunsad ng crypto custody business, at hindi pa ito muling napag-usapan ng exchange.

Noong August, tinulungan nito ang BlackRock sa pagkuha ng options trading sa Ethereum ETF nito. Pero bukod doon, tahimik ang Nasdaq pagdating sa crypto.

Samantala, sumang-ayon si James Seyffart sa opinyon ni Balchunas sa isa pang post. Sinabi niya na hindi pinapayagan ng Nasdaq ang mga finance company sa listahan nito, at maaaring mag-qualify ang MicroStrategy sa teknikal na aspeto.

Ang kapalaran ng kumpanya ay nakaugnay sa performance ng Bitcoin, kaya’t maituturing itong finance company. Pero sa ngayon, nakalista ito bilang tech stock, at hindi ito maaring reassess hanggang March.

“Narito ang mga petsa para sa ICB [Industry Classification Benchmark] reclassification. Kaya maliban kung sinimulan na nila ang proseso ng pag-reclassify sa MicroStrategy bilang financials stock… sa tingin namin dapat kasama ito. Pero ito ang pangunahing risk para hindi ito maisama sa opinyon ko,” sabi ni Seyffart.

Totoo, ang MicroStrategy ay isa sa pinakamalaking Bitcoin whales sa mundo, pero nagsimula ang kumpanya bilang tech company. Kahit na madalas itong mag-invest ng malaking kapital sa Bitcoin, na nag-ambag sa 500% stock market growth nito ngayong taon, tech stock pa rin ang turing sa MicroStrategy ng Nasdaq.

MicroStrategy (MSTR) YTD Stock Performance
MicroStrategy (MSTR) YTD Stock Performance. Source: TradingView

Sa huli, ito ay isang prediction lang, kahit na galing ito sa dalawang batikang ETF analyst. Sa anumang kaso, may mga importanteng deadline na dapat isaalang-alang. Kung papasok ang MicroStrategy sa Nasdaq 100, ang announcement ay darating bago matapos ang linggo.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

image-10-1.png
Landon Manning
Si Landon Manning ay isang mamamahayag sa BeInCrypto, na sumasaklaw sa iba't ibang paksa, kabilang ang internasyonal na regulasyon, teknolohiyang blockchain, pagsusuri sa merkado, at Bitcoin. Bago ito, si Landon ay nagtrabaho bilang manunulat sa Bitcoin Magazine ng anim na taon at nakipag-ugnayan sa pagsulat ng isang newsletter na pabor sa Bitcoin na may 30,000 na subscribers. Si Landon ay may hawak na Bachelor of Arts sa Pilosopiya mula sa Sewanee: The University of the South.
READ FULL BIO