Kahit nagkaroon ng saglit na pagtaas ang stock ng Strategy ngayong linggo, bumagsak uli ang presyo ng shares nito nitong Martes at tuloy-tuloy na ang pagbagsak sa mga nakaraang buwan.
Nangyari ito matapos bumili ang kumpanya ng panibagong $118 million na Bitcoin na nagpapakita na tila kulang pa rin ang tiwala ng mga investors sa matinding pag-accumulate na style ni founder Michael Saylor.
Bumagsak ang MSTR Kahit Kakabili Lang ng Bagong Bitcoin
Inanunsyo ng Strategy (dating MicroStrategy) nitong Lunes na bumili sila ng 1,287 Bitcoin kaya umabot na sa 673,783 ang kabuuang hawak nila ngayon.
Kahit nagkataon na bumili sila habang biglang tumaas ang presyo ng Bitcoin dahil sa issue sa pagitan ng US at Venezuela, hindi pa rin na-sustain ng shares ng kumpanya ang momentum.
Umabot ng $167.24 ang highest ng MSTR stock, pero bumagsak agad ito sa $155 at nag-stabilize na lang sa $157. Hindi nababawi ng shares ang dating lakas kahit mukhang maganda ang market, kaya bumabalik uli ang tanong tungkol sa kumpiyansa ng mga investors at kung tatagal nga ba ito sa long term.
Kasabay pa nito, tuloy-tuloy din ang pagbagsak ng overall performance ng Strategy simula pa kalagitnaan ng 2025.
‘Di Parin Nawala ang Pagdududa Kahit May Cash Reserves
Ayon sa Bloomberg, umabot sa $17.44 billion ang unrealized loss ng Strategy noong Q4 last year. Dahil sa tuloy-tuloy na selloff, halos 50% ang binaba ng stock nito ng buong 2025.
Para medyo may backup, nagbenta sila ng common shares at nadagdagan ang cash reserve ng $62 million — kaya naging $2.25 billion na ito kasabay ng latest na pagbili nila ng Bitcoin.
Kahit ganun, nag-aalala pa rin ang mga investors na baka mapilitan ang Strategy na magbenta ng Bitcoin nila kung bumagsak pa ang presyo neto. Dati tanong-tanong lang ito, pero ngayon mukhang posible na talaga.
Noong late November, unang inamin ni CEO Phon Le na baka magbenta rin ang kumpanya ng holdings nila kung magkaroon ng matinding krisis. Malaking pagbabago ito mula sa matibay na paninindigan ni Saylor dati na “never sell.”
Pagsapit ng 2026, mukhang mahirap pa rin ang sitwasyon para sa Strategy.
Nagkaroon man ng konting ginhawa noong Martes nang i-announce ng MSCI na hindi nila tatanggalin ang digital asset treasuries sa index sa February, pero uncertain pa rin ang galaw ng presyo ng Bitcoin.
Kapag may isa pang malakas na pagbagsak, siguradong tatamaan uli ang Strategy. Bukod pa dito, habang dinadagdagan pa nila ang exposure nila sa Bitcoin, mas lalong lalaki ang epekto nito at mas mababawasan ang tiwala ng mga investors.