Mas bumibilis ang galaw ng Morgan Stanley papasok sa crypto, senyales na uma-adjust na ang traditional finance o TradFi dahil dahan-dahang nagiging normal at mainstream na talaga ang digital assets.
Itong malaking pangalan sa Wall Street, na may hawak na $9.3 trillion ng assets, kakatalaga lang kay Amy Oldenburg bilang Head of Digital Asset Strategy. Gusto ng banko na gawing top priority ang crypto – hindi lang basta pinag-aaralan, kundi seryosong parte na talaga ng operations nila.
Morgan Stanley, Mukhang Ready Nang Sumabak sa Crypto Hindi Lang Research
Timing din talaga — dahil available na ang Grayscale Bitcoin Mini Trust ETF (BTC) sa platform ng Morgan Stanley. Habang nabibigyan na ng regulated Bitcoin exposure ang higit $7.4 trillion na assets na minamanage ng mga advisors.
“Magiging sobrang wild ng crypto sa 2026,” sabi ng fintech journalist na si Frank Chaparo, habang sabay-sabay na nagha-hire ang Morgan Stanley ng maraming crypto roles at binubuksan nila ang mga investment “pipes” para sa kanilang clients.
Si Oldenburg, na dati nang nagtrabaho para sa Morgan Stanley sa emerging markets, may trabaho ngayon na mag-coordinate ng product development, partnerships, at trading across sa iba’t-ibang units ng kompanya.
“Kapag ang mga institusyon ay kumontra na sa’yo, mas okay pa ring ikaw mismo may hawak ng keys mo, ikaw mismo may hawak ng coins mo,” pahayag niya.
Itong bagong position ay nagpapakita ng seryosong institutional interest sa digital assets — lalo na ngayong nagbabago ang crypto regulations. Kasama dito ang mas malinaw na rules at guidance para sa stablecoin kaya pwedeng gumalaw ang mga bangko bilang crypto intermediaries.
Kung titingnan, sobrang bilis ng naging crypto journey ng Morgan Stanley sa huling dalawang taon.
- Noong 2024, pwede nang i-recommend ng mga advisors ang spot Bitcoin ETFs tulad ng BlackRock at Fidelity para sa high-net-worth clients – parang safe na testing phase muna.
- Pagsapit ng 2025, mas lumawak pa: tinanggal na ang restrictions, kaya kahit sinong wealth management client — kasama retirement accounts — puwede nang mag-invest sa crypto funds.
Tinuturuan ang mga advisors na ituring ang Bitcoin bilang “digital gold”, kaya pwede siyang ilagay sa 2–4% ng risk-tolerant portfolios, at bantayan gamit ang monitoring tools at structured products dahil sa sobrang galaw ng presyo nito.
- Noong September 2025, nag-announce sila ng plano na mag-launch ng direct crypto trading gamit ang E*TRADE — simula Bitcoin, Ether, at Solana muna.
- Pagsimula ng 2026, nag-file na ang Morgan Stanley sa SEC para sa sarili nilang spot Bitcoin at Solana ETFs, plus Ethereum ETF naman kasunod nito.
Dahil dito, diretsong lumalaban na ang Morgan Stanley sa mga giant tulad ng BlackRock at Fidelity sa market na umabot na ng mahigit $114 billion ang value para sa Bitcoin ETFs lang.
Matinding Galaw sa Wall Street at Todo Suporta ng Morgan Stanley sa Crypto
‘Di lang ito latest move ng Morgan Stanley — pati buong Wall Street, ramdam ang momentum papunta sa crypto. Sa CoinMarketCap report, lumalabas na 60% ng top 25 US banks ay nag-launch na o nag-announce na ng Bitcoin services like trading at custody. Pasok dito ang mga heavyweight na JPMorgan, Wells Fargo, at Citi.
Para sa Morgan Stanley, ‘di lang basta ibinibigay ang access — ngayon, nagkakaroon na rin sila ng sariling crypto funds at direct trading. Ibig sabihin, long-term na nila gustong gawing parte ng institutional portfolio ang digital assets.
Yun nga lang, may mga tanong din kahit sunod-sunod ang hiring nila. May ilang observer tulad ni Felix Hartmann na napansin na parang entry-level lang ang sweldo para sa ilan sa senior crypto roles nila.
Ibig sabihin, baka kailangan paring ayusin ni Morgan Stanley ang sistema ng pasahod para ma-attract ang mga crypto-focused na talent. Pero, mukhang balanse pa rin ang approach nila: mabilis gumalaw pero kung compliance at regulations ang labanan, maingat pa rin sila para lumago nang steady kahit pabago-bago ang rules.
Sa madaling salita, nag-level-up na si Morgan Stanley — mula sa tahimik lang na nanonood, ngayon active player na sila sa crypto market. Dahil sa combo ng ETF exposure, plano para sa direct trading, filing ng sariling funds, at pagbuo ng crypto team, established na nila ang digital assets bilang isa sa pinaka-importanteng parte ng wealth management at institutional strategy nila.
Habang parami nang parami ang Wall Street firms na nagbubukas ng crypto “pipes”, mukhang 2026 ang taon na tuluyang yakapin ng TradFi ang digital asset market.