Back

Sunog ang Portfolio ni Murad, Lagpas 80% ang Bawas Habang Bagsak ang SPX sa Panibagong Low

author avatar

Written by
Nhat Hoang

editor avatar

Edited by
Oihyun Kim

29 Enero 2026 11:28 UTC
  • Sunog ang portfolio ni Murad—baksak ng higit 80% dahil sa malalaking lugi sa mga meme coin.
  • SPX pa rin ang biggest hawak niya kahit bumagsak ng mahigit 84% lately.
  • Tumataas ang exchange balance—pwede pang lumala ang pagbagsak dahil posibleng may selling pressure.

Nalugi nang matindi ang portfolio ni Murad Mahmudov, isang kilalang investor at supporter ng mga meme coin, nitong January. Kasabay nito, sobrang uncertain pa rin kung magkakaroon ng malakas na altcoin season o meme coin season anytime soon.

Bukod pa dyan, naiipit din sa possible na selling pressure ang SPX6900 (SPX), yung meme token na pinakamalaki ang hawak niya. Dahil dito, mas lalong nanganib ang value ng buong portfolio niya.

Sunog ang Mga Meme Coin sa Portfolio ni Murad—Bagsak ng 75% Hanggang Lagpas 90%

Base sa Arkham, isang platform para mag-track ng on-chain data, bumagsak ng higit 80% ang total value ng portfolio ni Murad mula sa all-time high na $67 million noong nakaraang taon.

Nasa $11.5 million na lang ang value ng portfolio niya ngayon. Halos kapantay na ‘to ng pinakamababang level nito last year, kaya halos lahat ng profit na kinita niya nitong nakaraang taon, sunog na ulit.

Kabuuang Value ng Portfolio ni Murad. Source: Arkham
Kabuuang Value ng Portfolio ni Murad. Source: Arkham

Pangunahin talagang dahilan ng pagbagsak ay yung hindi pa rin makabawi ang altcoin market. Halos lahat ng meme coin, tinamaan din ng matinding labas ng pera mula sa market.

Ayon sa CoinGecko, halos lahat ng meme coins na hawak ni Murad nag-record ng bagsak na losses mula 75% hanggang 90% o mas malala pa.

Performance ng Mga Top Picks ni Murad. Source: CoinGecko
Performance ng Mga Top Picks ni Murad. Source: CoinGecko

Pinakamalaking meme coin sa portfolio ni Murad ang SPX, na lampas $11 million ang value ngayon. Base sa data, nasa 30 million SPX siya, na halos 3.2% ng circulating supply.

Malupit yung paglipad ng SPX last year at umabot pa sa peak na mahigit $2.2. Pero hindi nag-take profit si Murad nung naghype yung token. Hanggang ngayon, kahit nag-dump ng mahigit 84% ang SPX mula sa taas, wala pa rin siyang ibinenta kahit isang token.

Sa bago niyang post, optimistic pa rin si Murad para sa future ng SPX. Tinawag pa niya yung meme token na parang “life-changing na vehicle na magbabago ng buhay ng mga tao.”

Maraming meme coin investor ang nainspire sa tiyaga ni Murad. Pero, base sa mga recent report, nagsa-suggest na baka hindi na ganoon ka-effective ang simpleng buy-and-hold strategy ngayon na mas matindi na ang kompetisyon sa crypto market.

Bukod pa dyan, lumalabas sa Nansen data na tuloy-tuloy ang pagdami ng SPX na nililipat sa exchanges nitong January. Umabot na ito ng mahigit 200 million tokens, na nasa 21% ng total circulating supply. Nakakabahala ang trend na ‘to, dahil pwedeng magdulot ng mas matinding selling pressure.

SPX Exchange Balance. Source: Nansen
SPX Exchange Balance. Source: Nansen

Sa ngayon, nagte-trade ang SPX sa bandang $0.36 — pinakababa mula pa March 2025. Kung tuloy-tuloy pa ang pagbagsak, baka mas lumala pa ang talo sa portfolio ni Murad.

Ang tagumpay o bigo ng strategy ni Murad, hindi lang para sa kanya personal — kundi parang testing ground din yan ng prinsipyo sa likod ng survival at potential na kita sa meme coins.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.