Naghahanda na ang New York Stock Exchange (NYSE) para sa isa sa pinakamalalaking pagbabago sa US equity market sa loob ng mga dekada.
Inanunsyo ng exchange na plano nitong suportahan ang tokenized securities at payagan ang tuloy-tuloy na 24/7 trading. Layunin nitong gawing mas modern ang paraan kung paano bumibili at nagbebenta ng stocks, paano nagse-settle ang mga trade, at kung paano tumatanggap ng impormasyon ang global financial system.
Kapag nagtagumpay, pwedeng magbago ang paraan ng pagbuo ng presyo, settlement risk, galaw ng liquidity, at takbo ng isip ng mga investor sa US markets.
Ano Talaga ang Proposal ng NYSE?
Ang plano ng NYSE ay bumuo ng isang platform gamit ang blockchain na pwedeng mag-support ng tokenized versions ng traditional securities katulad ng stocks at ETFs. Ang mga tokenized securities na ito ay nagre-represent ng totoong shares na legal, at backed one-to-one ng real assets— sakop pa rin ng US securities laws.
Ang tokenized share, pareho pa rin ang ibig sabihin ng ownership sa isang public company, pati na ang economic at governance rights — katulad ng karaniwang shares. Ang pinakaiba lang ay kung paano nire-record ang ownership at kung paano nagse-settle ang trades.
Importante ring malaman na hindi papalitan ng NYSE agad-agad ang existing na market. Ang mga tokenized securities ay ginawa para gumana kasabay ng tradisyonal na shares, at pwedeng magpalitan depende sa format pagtagal.
Ibig sabihin, parallel system ito, at hindi sapilitang lilipat lahat.
Halatang Luma Na ang Sistema ng Stock Market Ngayon
Kahit ilang dekada ng maayos na teknolohiya, nakadepende pa rin ang US equity markets sa luma at patong-patong na sistema na gawa pa nuong wala pang digital. Iba-ibang entity ang naghahandle ng trading, clearing, settlement, at custody — at bawat isa may sarili nilang ledger.
Maraming problemang lumalabas dahil dito. Naiipit ang capital habang naghihintay ng settlement. Meron pa ring risk hanggang di tuluyang cleared ang trades. Madami ring gastos at dagdag risk dahil sa kailangan pang i-reconcile ang records ng mga intermediary.
Pinakamahalaga, may oras lang ang trading sa market kahit tuloy-tuloy ang daloy ng info sa buong mundo.
Hindi naman ito agad ramdam ng regular na investors. Pero, palagi nitong naaapektuhan ang volatility, liquidity, at ugali ng market araw-araw.
Tokenization, Binabago Lahat sa Ilalim ng Crypto Infrastructure
Diretsong tinatarget ng tokenization ang mga inefficiency na ‘to. Kapag ang securities ay nasa digital ledger na pagmamay-ari ng lahat, halos real time na nare-record ang ownership at settlement. Hindi na kailangang hiwalay ang trading at settlement — mas mabilis na ang proseso.
Nababawasan ang settlement risk dito dahil sabay nang nagaganap ang delivery at bayad. Mas efficient din ang capital dahil hindi na nai-stuck ang collateral at cash habang naghihintay na ma-clear ang trades.
Sa mga institution, apektado nito ang balance sheet nila. Para naman sa buong market, nababawasan ang komplikadong proseso pagkatapos ng mga trade.
Ang dapat tandaan, hindi binabago ng tokenization kung ano ang ibig sabihin ng stock. Binabago nito kung paano pinoproseso ang pagmamay-ari ng stocks.
Ang isang tokenized market na designed para tuluy-tuloy na mag-operate, nagbabago ng takbo ng laro. Hindi na hihinto ang trading para sa weekends o gabi. Tuloy-tuloy ring nagbabago ang presyo at walang cut-off sa price discovery.
May matindi itong epekto: Ngayon, kapag may earnings report, balita, o malaking pangyayari na lumalabas sa labas ng market hours, nadedelay ang adjustment sa presyo at madalas biglaang tumaas o bumagsak sa umpisa ng trading.
Kabuuan, pinapayagan ng continuous trading na dahan-dahang mag-adjust ang presyo habang kumakalat ang info — nababawasan ang malalaking gulat sa market.