Nag-try bumawi ng Onyxcoin matapos mababad sa matinding selling pressure halos buong buwan. Dahil sa recent bounce, nakabalik ang XCN sa ilang short-term level at na-trigger ang attempt sa technical breakout.
Kahit may galaw na ganyan, mahina pa rin ang mga underlying indicator. Ang ilang on-chain at liquidity metrics nagsa-suggest na baka hindi tumagal ang breakout kaya marami pa rin ang nagdududa kung tuloy-tuloy ang akyat.
Binibenta ng mga Onyxcoin Holder ang Hawak Nila
Medyo alanganin pa rin ang market sentiment sa Onyxcoin dahil nababawasan na ang hawak ng mga long-term holders. Pinapakita ng HODLer Net Position Change na tuloy-tuloy ang pagbebenta nitong mga nakaraang araw. Umabot sa roughly 25 million XCN ang binenta ng mga long-term holder sa nakalipas na 10 araw. Ibig sabihin nito, humihina na ang tiwala ng mga investors na kadalasan, sila ang nagpapastabilize ng price.
Kapag ang long-term holders lumilipat mula sa pag-ipon patungo sa pagbebenta, nababawasan madalas ang lakas ng rally. Kadalsan silang nagbebenta lang kapag mahina na ang kumpiyansa. Kapag naglabas sila ng coins, nadadagdagan ang supply sa market kaya humihina rin ang momentum ng price pataas. Tuloy-tuloy ang bentahan ngayon, kaya mukhang mas marami pa rin ang skeptic sa breakout na ‘to imbes na umaasa sa panibagong akyat.
Gusto mo pa ng ganitong klasing crypto insights? Mag-sign up sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Pinatitibay pa ng macro momentum ang vibe na kailangan pang mag-ingat. Nakita sa Chaikin Money Flow indicator na tuloy-tuloy ang outflows nitong nakaraang linggo. Bumagsak na yung CMF sa ilalim ng zero line, na nangagahulugan na mas malakas ang selling volume kaysa bumili. Ibig sabihin, mas maraming perang umaalis sa Onyxcoin kaysa pumapasok.
Madalas na nauuna ang nega na CMF reading bago mabigo ang breakout. Kung walang pumapasok na bagong capital, hirap umangat ang presyo at sensitive sa mga sudden na reversal. Kapag tumataas ang outflow, nababawasan ang liquidity kaya humihina ang demand. Habang nananatiling negative ang CMF, maliit pa rin ang chance na magtuloy-tuloy ang breakout rally.
Kakayanin Ba ng XCN I-sustain ang Breakout Nito?
Sa technical analysis, sinusubukan ng XCN na mag-breakout mula sa descending wedge na nabuo nitong tatlong linggo. Karaniwan, bullish ang dating ng pattern na ‘to kapag na-confirm. Baka umakyat pa ng 28% kung mag-hit yung setup, at ang target ay sa $0.0088. Ganitong setup madalas paborito ng mga short-term trader na naghahanap ng momentum.
Pero, manipis pa rin ang price structure. Nasa $0.0072 lang ang agwat ng XCN sa ngayon, mas mababa pa sa malakas na resistance na $0.0077. Dahil mahina ang sentiment at tuloy-tuloy ang outflows, mataas pa rin ang risk na bumagsak. Kung hindi mabawi ang resistance, puwedeng bumagsak ang altcoin sa $0.0062. At kung bibirit pa pababa, puwedeng umabot hanggang $0.0054 na magpapalalim pa ng bearish trend.
May chance pa ring maging bullish ang takbo kung gumanda ang market conditions. Kailangan lang na gawing solid na support ang $0.0077 para magtuloy ang breakout. Kapag nangyari yun, senyales yun na may mga bagong buyer na pumapasok. Kung mas lumakas pa ang volume, pwedeng umakyat ang XCN hanggang $0.0088. Kung magtuloy sa $0.0100, sigurado nang magre-reverse na ang trend at tapos na ang bearish thesis.