Hindi gaanong napapansin pero lumalamang ang Pudgy Penguins (PENGU) sa karamihan ng meme coin market habang papalapit ang February. Umakyat ng halos 7.7% ang token sa nakaraang 24 oras, tinalo ang mga malalaking meme coin maliban sa mga sobrang volatile tulad ng PIPPIN. Sa huling apat na araw, halos 18% na rin ang bounce ng PENGU kahit na nababawasan ang social attention nito.
Yun ang dahilan kung bakit medyo kakaiba ang galaw na ‘to. Umaakyat ang presyo. Dumadami rin ang interes ng mga whale. Pero kung titingnan mo ang sentiment at trading positions, medyo kumakabig sila sa pag-iingat. Ang tanong ngayon, magiging tuloy-tuloy ba ang reversal ng trend, o mapuputol din at magiging isang risky na failure?
Bullish Divergence at Falling Wedge, Mukhang Susubok Umalis sa Downtrend
Kung titignan sa technicals, may pinapakitang interesting setup ang PENGU.
Gumalaw ang token sa loob ng falling wedge, isang pattern na karaniwan lumalabas kapag downtrend pa pero may chance bumaliktad ang trend. Habang nasa wedge na ‘yan, mas bumaba pa ang presyo mula December 1 hanggang January 25, pero ang RSI ay nag-form ng mas mataas na low.
Ang RSI, o Relative Strength Index, ay ginagamit para masukat ang momentum. Kapag mas bumaba ang presyo pero hindi sumabay ang RSI, ibig sabihin nababawasan ang selling pressure. Tinatawag itong bullish divergence, at madalas tong lumabas kapag malapit nang matapos ang downtrend. Nasa ganitong sitwasyon ang PENGU ngayon — halos 50% na ang bagsak sa loob ng tatlong buwan.
Nagsimula na gumana ang reversal signal na ‘yon. Simula January 25 low, halos 18% na ang itinaas ng PENGU, at natalo nito karamihan ng meme coins sa parehong yugto. Ibig sabihin, nagrereact ang market sa momentum shift. Pero wala pa yung malinaw na reversal talaga.
Gusto mo pa ng ganitong token updates? Puwede kang mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Kapag na-break ng PENGU ang upper trend line ng falling wedge, posible itong umakyat ng hanggang 75% base sa pattern. Ito ang tinitignan ng mga trader bilang potential upside. Pero hindi sapat ang chart structure lang para masabi na automatic na tuloy-tuloy na ang lipad ng presyo.
Whales Grabe Mag-accumulate—Umaasa na Tuloy ang PENGU Reversal
Base sa on-chain data, malinaw kung bakit nag-stabilize at umangat ang presyo.
Sa nakaraang 24 oras, dinagdagan ng mga PENGU whale ng 23.6% ang mga hawak nila, kaya umabot sa nasa 1.13 billion tokens ang hawak ng malalaking investors. Malaking dagdag ito sa loob ng maikling panahon, at nagpapakita na matindi ang tiwala ng mga whale dito.
Kapansin-pansin dahil dito — kahit bumibili ng matindi ang whales, steady lang ang galaw ng smart money at exchange balances. Mukhang isang grupo lang ang nagtutulak sa pump na ‘to at hindi lahat sumasabay.
Sa madaling salita, parang tumataya ang mga whale na dahil sa bullish divergence at falling wedge, puwedeng umakyat pa ang Pudgy Penguins. Nauna na silang pumosisyon bago pa mag-breakout imbes na habulin lang kapag grabe na ang rally.
Madalas nangyayari ang ganitong accumulation kapag malapit na ang desisyon point. Malaki ang advantage ng mga whale kung tama ang basa nila at mag-breakout nga. Pero pwede rin silang maipit agad kung pumalpak at hindi sumuporta ang sentiment ng market.
Humihina ang Sentiment, Leverage Nagiging Imbalanced—Lumalakas ang Risk ng Pagbagsak
Kahit mukhang bullish ang presyo at whales, iba naman ang sinasabi ng social sentiment.
Noong kalagitnaan ng January, nag-align ang price peak ng PENGU sa tuktok ng social sentiment kung saan umabot sa score na sobra pa sa 11. Pero mula noon, bumagsak ang sentiment sa around 1.5 — halos 95% ang nabawas kahit nagsisimula nang mag-recover ang presyo.
Kung babalikan ang January 2026, bawat pag-akyat ng PENGU noon ay sinasabayan ng lakas ng positive sentiment. Sa galaw ngayon, wala yung social confirmation na ‘yon. Mukhang whales at chart setup lang talaga nagpapaangat, hindi ang hype ng crowd.
Ito yung nagdadagdag ng risk sa galaw ngayon…
Kapag tinignan naman ang derivatives, dagdag risk pa ito. Sa Binance PENGU perpetual pair, nasa $3.55 million ang long positions na naka-leverage, samantalang $1.37 million lang sa shorts. Ibig sabihin, halos 160% mas marami ang bullish positions kumpara sa bearish.
Kapag bumaba ang presyo ng PENGU at mawala ang importanteng support, pwede maipit ang mga long at matrap sa tinatawag na long squeeze.
Ngayon, mga key level na ang magde-decide ng galaw ng presyo. Kung tuloy-tuloy tumaas lampas $0.0122 (matinding Fib level) at $0.0131, mas lalakas ang chance na mag-breakout tapos pwede pang umabot sa target ng wedge near $0.022. Pero ‘pag bumagsak sa ilalim ng $0.010, tataas ang risk na magli-liquidate ang positions — mas delikado pa ito lalo na pag lumapit sa $0.0088–$0.0089, kung saan nandun ang mga naka-long leverage.
Mukhang nagpapainit na si PENGU para sa isang malaking galaw. Bullish ang formation ngayon — confident din ang mga whales. Pero dahil humihina rin ang sentiment at dagsa ang mga long positions, hindi ito low-risk na trade. Mukhang sa February makikita kung tuluyan na bang babaliktad ang trend, o baka mag-fail lang ulit ang breakout na ‘to.