Bumaba ng halos 3% ang presyo ng PEPE sa nakaraang 24 oras, pero sa unang tingin, matibay pa rin itsura ng kabuuang trend nito. Malapit nang tumaas ng 84% ang token mula sa pinaka-mababang level nito noong December at nasa 62% ang inangat nitong nakaraang linggo. Kaya naman, kabilang ang PEPE sa mga malakas ang performance na meme coins ngayong linggo.
Pero kung mas titingnan mo ng buo ang galaw, may dahilan para mag-ingat. Nasa 32% pa rin ang kabuuang binagsak ng PEPE sa loob ng tatlong buwan, kaya ‘di pa rin tuluyang nawawala ang matinding downtrend. Mukhang solid ‘yung biglang paglipad ngayon, pero may mga signals na baka madali lang din ma-u-turn o balik sa dating presyo. Eto ang tatlong dahilan kung bakit pwedeng mabilis ang baliktad ng galaw ng PEPE kahit matindi ang angat niya ngayon.
Flag at EMA Setup Mukhang Bullish sa Umpisa
Sa 12-hour chart, nakita sa PEPE price na parang sumasabay siya sa classic na bull pole at flag formation. Makikita ‘to kapag mabilis ang rally ng price tapos magkokonsolidate muna sa gilid o konting baba bago posibleng umangat ulit. Ganitong setup kadalasan ang gusto ng mga momentum trader na naghahanap ng continuation ng rally.
Lalo pang pumapalakas ng bullish sentiment ang moving averages. Ang 50-period exponential moving average (EMA) — yung indicator na mas mabilis gumalaw kasabay ng price — halos sumasabay na sa 100-period EMA. Para kasing kapag ‘yung mas maikling EMA eh tumataas ibabaw ng mas mahaba, madalas kinukunsidera ng traders na nagkaka-shift na ang trend pataas.
Gusto mo pa ng mas madaming token insights? Mag-subscribe na kay Editor Harsh Notariya at sa Daily Crypto Newsletter niya dito.
Kaya naman, maraming traders ang pumapasok at bumibili — nag-e-expect kasi sila na opportunity ang konting pagbaba para mag-dip buy. Para sa kanila, healthy lang yung consolidation imbes na bearish sign ito.
Pero, mananatiling intact lang ang setup na ‘to kapag na-maintain ng PEPE price yung key level sa $0.0000060. Hangga’t above diyan ang price, bullish pa rin ang flag structure nito. Pero kapag bumaba, mabilis lalambot o humina ang bullish setup.
PEPE Whales Nagbebenta Habang Dumadami ang Galaw ng Coin
Kahit maganda tignan ang chart, ibang usapan naman pagdating sa on-chain activity.
Dahan-dahan nang binabawasan ng mga PEPE whale ang kanilang hawak simula pa noong December. Noong December 29, mahigit 136.71 trillion PEPE pa ang hawak ng malalaking holders, pero bumaba na ‘to sa 133.85 trillion ngayon. Nasa 2.86 trillion PEPE ang nabawasan, na halos $20 million na supply ang nai-distribute pabalik sa market base sa presyo ngayon.
Tuloy-tuloy pa rin ang bentahan kahit tumaas ang price ng PEPE — isang malinaw na red flag ito. Kasi kung sustainable talaga ang rally, dapat sinasamahan ito ng whale accumulation, hindi sunod-sunod na bentahan ng malalaki.
Lalo pang kita sa galaw ng coins sa blockchain. ‘Yung tinatawag na “spent coins” metric kung saan sinusukat gaano karami ang PEPE na gumagalaw — biglang tumalon pagkatapos ng December 30. Umakyat ito mula sa mga 419 billion PEPE hanggang halos 1.88 trillion, kahit bahagyang bumaba noong January 3–4.
Kapag tumataas ang movement ng tokens habang bullish ang market, kadalasan ang ibig sabihin niyan ay distribution o profit taking ng mga maagang nakabili, hindi dahil marami ang gustong mag-hold ng matagal.
Sa madaling salita, mas nagiging active ang supply ng token kaya lalong nagmumukhang hindi solid ang foundation ng rally. Ang tanong ngayon: kung sunod-sunod ang bentahan, bakit parang lumipad pa rin ang presyo ng PEPE?
Derivatives Nagpapaliwanag Bakit Lumipad ang Presyo ng PEPE—Pero Pwede Rin Biglang Bumulusok
Kahit may mga whale na nagbebenta, bakit parang tuloy-tuloy pa rin ang rally ng PEPE price?
Malaki ang posibilidad na sagot ay nasa derivatives market — ‘yan ang pangatlong dahilan. Sa 30-day liquidation map ng PEPE perpetual futures, sobrang dami ng mga naka-long positions. Umabot na sa halos $218 million ang long liquidation leverage, doble kumpara sa short liquidation leverage na nasa $106 million. Ibig sabihin, halos doble ang nakataya sa mga long positions kaysa short.
Pinapakita ng imbalance na ito na ang rally ay pwedeng resulta ng forced liquidation ng mga naka-short at aggressive na pagpasok ng mga long positions — hindi dahil talagang malakas ang spot buyers. Kapag sunod-sunod na nafi-force magliquidate ang short sellers, napipilitan silang bumili at biglaang tumataas ang presyo ng PEPE.
Pero ngayon, ganyan na rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng downside risk. Kapag masyado nang maraming trader ang naka-long, kahit kaunting pagbaba lang ng presyo puwedeng mag-trigger ng prisahan o forced selling. Kung bumagsak ang presyo ng PEPE sa ilalim ng importante nitong support, puwedeng magsunod-sunod ang long liquidation na mas lumala pa ang pagkalugi.
Lalo nang critical ang risk na ‘to sa current levels. Presyo ng PEPE ngayon, hirap nang manatili sa ibabaw ng $0.0000060. Kung babagsak pa dito, baka ang sunod na support area eh nasa $0.0000046 na lang, na halos 30% na pagbaba galing sa recent highs. Kapag tuloy-tuloy pa rin ang bentahan ng mga whale at mataas pa rin ang coin movement, posibleng biglaang mangyari ‘yung ganong sell-off, mas mabilis pa sa inaasahan ng iba.
Pero kung mag-close ang PEPE ng above $0.0000072 sa loob ng 12 oras, mababasag ang bearish outlook dito.
Bagama’t mukhang impressive ‘yung 84% rally ng PEPE, halo-halo pa rin ang signals dito. Parang bullish ang chart, pero sa realidad, nagpapakita ang whale distribution, mataas na coin movement, at sobrang daming naka-long na medyo mahina pa rin ang base ng market imbes na matibay.