Trusted

Bumagsak ang Pi Network ng 44% sa Loob ng Apat na Araw — Nawawala na ba ang Hype?

3 mins
In-update ni Сedrick Сabaluna

Sa Madaling Salita

  • PI Bagsak sa Ilalim ng $1 Matapos ang $100M Fund Backlash, 44% ang Binagsak sa Apat na Araw Kahit Nagkaroon ng Weekly Rally
  • Ichimoku at BBTrend Nagpapakita ng Humihinang Momentum, Walang Malinaw na Reversal o Matibay na Buyer Support
  • Bearish ang Sentiment ng Community Dahil sa Hindi Natupad na Pangako at Frustration sa Fund Rollout, Apektado ang Near-Term Outlook ng PI.

Nahaharap ang Pi Network (PI) sa matinding pressure dahil sa negatibong market indicators at damdamin ng komunidad. Tumaas man ito ng 23% noong nakaraang linggo, bumagsak ang presyo ng 44% sa loob lang ng apat na araw. Bumaba ito sa ilalim ng $1 matapos punahin ng mga user ang $100 million fund launch.

Ipinapakita ng mga indicator tulad ng Ichimoku Cloud at BBTrend na humihina ang momentum ng PI at wala pang senyales ng rebound. Mananatiling mahina ang galaw nito kung hindi mabawi ang mga key resistance level at hindi bumalik ang buying pressure.

PI Naiipit Ilalim ng Cloud, Bearish Pa Rin ang Galaw

Kita sa Ichimoku Cloud chart ng Pi Network (PI) na tuloy pa rin ang kahinaan matapos ang malaking bagsak. Nasa ilalim pa rin ng Kijun-sen ang price action at malapit lang sa Tenkan-sen, senyales na hindi pa rin bumabalik ang short-term momentum.

Nakikita rin sa mga recent candle na tumatama na ito sa lower boundary ng Kumo Cloud, na nagpapakita ng pag-aalinlangan kung makakabalik pa ang upward momentum.

Bukod pa rito, nasa ilalim na ng price candles ang Chikou Span (green lagging line), na lalong nagpapalakas sa bearish outlook para sa PI.

PI Ichimoku Cloud.
PI Ichimoku Cloud. Source: TradingView.

Kahit may consolidation na nangyayari malapit sa gilid ng cloud, wala pang malinaw na senyales na magba-bounce pabalik ang presyo. Flat at bahagyang pababa ang leading span lines ng Kumo, na nagpapahiwatig na mahina pa rin ang support para sa possible na pag-angat sa mga susunod na araw.

Para magbago ang takbo ng market, kailangan munang ma-break ng PI ang Kijun-sen at makalabas nang tuluyan sa cloud—ito lang ang magbibigay ng malinaw na senyales ng trend reversal.

Hangga’t hindi ito nangyayari, nananatiling maingat ang sentiment at hawak pa rin ng mga bear ang kontrol.

Pi Network Trend Humina, BBTrend Bagsak sa 10.63

Ang BBTrend indicator ng Pi Network ay bumagsak nang husto sa (10.63), matapos umabot sa halos (48) dalawang araw lang ang nakalipas at bumaba sa (32) kahapon.

Ipinapakita ng matinding pagbagsak na ito na mabilis humina ang lakas ng trend sa maikling panahon, senyales na nauubos na agad ang kamakailan lang na bullish momentum.

Ang mabilis na paghina ng trend ay maaaring magpahiwatig na papunta na sa consolidation ang galaw ng PI, o posibleng bumaliktad ang trend kung hindi agad bumalik ang buying pressure.

PI BBTrend.
PI BBTrend. Source: TradingView.

Ang BBTrend (Bollinger Band Trend) ay sumusukat sa lakas ng price trend sa pamamagitan ng paghahambing ng lapad ng Bollinger Bands sa price volatility.

Karaniwang nagpapakita ang mas mataas na halaga ng malakas na trending behavior—maging bullish o bearish—habang ang mas mababang halaga ay nagsa-suggest ng sideways movement o paghina ng momentum.

Nasa 10.63 na lang ang BBTrend ng Pi, senyales na posibleng pumasok ito sa neutral phase. Ibig sabihin, humihina ang volatility at maaaring gumalaw ang presyo sa loob lang ng isang range—maliban na lang kung biglang magkaroon ng breakout o breakdown.

Pi Network Pumailalim sa $1, Community Backlash Lumalaki Matapos ang Fund Launch

Matapos ianunsyo ng $100 million Pi Network Ventures fund, ang Pi Network ay nahaharap sa lumalaking pressure mula sa komunidad at merkado.

Kahit layunin ng inisyatiba na palakasin ang ecosystem at real-world adoption, binabatikos ito ng ilan dahil hindi pa rin natutupad ang mga pangakong gaya ng pag-launch ng 100 DApps, maayos na KYC process, at pagbibigay ng referral rewards sa tamang oras.

Maraming Pioneers ang tingin sa fund ay pang-distract lang sa mga matagal nang hindi natutugunang isyu, lalo na’t simpleng Google Form lang ang gamit sa application. Makikita rin sa market sentiment ang pagkadismaya—bumagsak ang presyo ng PI sa ilalim ng $1 at nalugi ng 44% sa loob lang ng apat na araw.

PI Price Analysis.
PI Price Analysis. Source: TradingView.

Technically, bearish pa rin ang outlook para sa PI. Ipinapakita ng mga indicator tulad ng DMI at CMF na humihina ang momentum at lumalaki ang selling pressure. Samantala, naglalapit na rin ang mga EMA lines—posibleng magka-death cross kung hindi makabawi ang presyo.

Kahit umangat ng 23% ang PI nitong nakaraang linggo, malinaw sa galaw ng presyo na unti-unti nang nawawala ang kumpiyansa ng mga investor at may posibilidad pang bumaba ito lalo.

Kung hindi mapanatili ng token ang key $0.80 support level, maaari itong bumaba patungo sa $0.57—pero kung bumalik ang momentum, ang breakout sa itaas ng $0.94 ay maaaring magbukas ng daan patungo sa $1.30 o kahit $1.67.

Para sa iba pang crypto news sa Tagalog, tumungo sa BeInCrypto Pilipinas. I-check mo na rin ang aming Facebook page!

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

pfp_bic.png
Propesyonal sa marketing na naging coder, masigasig sa code, data, crypto, at pagsusulat. May hawak akong degree sa Marketing at Advertising at sertipikasyon sa Disruptive Strategy mula sa Harvard Business School. Mahilig akong mag-query ng data sa blockchain at tuklasin ang mga nakatagong kaalaman sa data.
BASAHIN ANG BUONG BIO