Matindi ang pagtaas ng trading volume ng mga prediction market nitong mga nakaraang buwan, kaya in-overtake na nito ang meme coins at NFTs pagdating sa dami ng trades.
Habang patuloy na lumalaki ang segment na ‘to, nagsisiksikan na yung mga malalaking players para makapwesto. Dahil dito, maraming nagtatanong: Prediction market na ba ang next big trend sa crypto?
Prediction Markets kumpara sa Meme Coins—Saan Mas Malaki ang Kita?
Sa isang recent post sa X (dati’y Twitter), isang analyst ang nag-share na habang NFTs at meme coins ang palaging top of mind noon, ngayon nagbago na ng direksyon ang market. Sabi dun sa post, umabot sa $7.5 bilyon ang monthly trading volume ng prediction markets nitong October.
Kung ikukumpara, nasa $2.7 bilyon lang ang trading volume ng mga meme coins at halos $600 milyon lang sa mga NFTs. Mas lumaki pa ‘yung agwat nitong sumunod na buwan.
Umakyat sa $9.5 bilyon ang volume ng prediction markets. Samantalang ang meme coins bumaba pa sa $2.4 bilyon at mas lalo pang lumiit ang volume ng NFT na umabot na lang sa $200 milyon.
May isa pang analyst na nag-point out na sa Solana, ang trading volume ng Polymarket ay halos ka-level na ni Pump.fun. Ibig sabihin, talagang mabilis ang paglago ng segment na to.
“Unti-unti nang nare-realize ng mga tao na mas solido pang option ang prediction markets kaysa meme coins,” sabi sa isang post.
Makikita dito kung gaano kaiba na ang priorities ng mga trader. Ang mga meme coins na dati umaasa sa lakas ng hype at solidong community, mukhang unti-unti nang nababawasan ng atensyon ng investors. Ngayon, lumilipat na yung mga trader sa mga platform na mas may tunay na gamit at pa-laban yung participation base sa outcomes.
Pareho rin ng pananaw si market commentator Mario Nawfal – sabi niya, yung funds ngayon “lumilipat na sa outcomes, hindi na sa trip-trip at joke lang.”
“Mukhang prediction markets na ang susunod na galaw ng market. Sa Polymarket pa lang, lampas $2B na kada buwan ang volume at inaasahang aabot pa ng halos tens of billions ngayong taon. Samantalang ang meme platforms, puro launch lang, pero bagsak naman sa liquidity,” sabi ni Nafwal sa kanyang post.
May naunang sinabi din si John Wang, Head of Crypto ng Kalshi, na ang meme coins ay parang humihina na rin dahil madalas, nauuna yung mga insider at may mga tanong pa raw sa fairness ng sistema nito.
Kahit mabilis pang mag-viral at madali ka mag-create ng coin sa meme coins, sabi pa ni Wang mas transparent at mas nakakabuo ng totoong community engagement ang prediction markets.
“Diretso lang ang prediction markets. Pwede ka mismo mag-research at mag-trade base sa sariling opinyon. Sa totoo lang, mas komplikado pa pala ang meme coins kesa sa inaakala natin. Walang pump-and-dump na manipulation sa prediction markets dahil laging nakabase sa totoong resulta. Plus, mas social pa talaga siya,” sabi ni Wang sa interview.
Bakit Ang Bilis Ngayon ng Pag-adopt sa Prediction Market?
Pansin din na matagal na ring mayroon prediction markets, pero dahil sa mas malinaw na regulations at pagpasok ng malalaking institutions, mas nabigyan na ito ng credibility at napabilis ang adoption nitong mga nakaraang buwan.
Ayon sa data ng Dune, umabot sa 278,872 ang weekly active users ng prediction markets nitong nakaraang linggo. Umabot din ng record high na $3.82 bilyon yung weekly notional trading volume, at rekord din ang 12.67 milyon ng weekly transaction counts. Pinapakita ng mga numerong to na tuloy-tuloy ang engagement.
Mahalagang tandaan na hindi lang mga retail trader ang nawiwili dito. Pati malalaking institusyon ay mabilis na ring sumasali sa space. Lumalabas na balak na ring mag-launch ng prediction market ng Coinbase.
Ang kapatid na company ng Gemini, ang Gemini Titan, LLC, ay nakakuha ng Designated Contract Market license mula sa Commodity Futures Trading Commission. Dahil dito, pwede na silang mag-offer ng prediction markets sa US customers. Pati Trump Media & Technology Group may plano na ring pumasok sa prediction markets.
Pero may mga hamon pa rin. Kailangan pa rin ng reliable na oracles ang prediction markets para walang problema sa pag-resolve ng results. Kapag magka-dispute sa outcome, bababa ang tiwala ng users. May risk pa rin ng manipulation lalo na kung konti lang ang liquidity o niche ang events. Sa mga susunod na buwan pa lang natin talaga makikita kung tuloy-tuloy ang lipad ng prediction markets.