Umangat sa bagong all-time high ang Russell 2000 index nitong January. Hindi lang ito sign na malakas ang US small-cap stocks, kundi may matinding epekto rin ito sa crypto market — lalo na sa mga altcoin.
Habang nangyayari ito, may mga data rin na nagpapakita ng gumagandang mood ng altcoin investors. Parami nang parami ang umaasa na makakabawi ang market sa quarter na ito.
Matindi ang Galawan ng Russell 2000 at Crypto Market—Magkadikit Ba ang Price Action?
Sinasaklaw ng Russell 2000 ang nasa 2,000 na small-cap na kumpanya sa US. Itong mga stocks na ‘to, sila yung mga mas risky pagdating sa tradisyonal na finance markets.
Kapag nauuna umasenso ang index, madalas nangangahulugan ito na lumilipat ang kapital papunta sa mas risky na assets. Kumbaga, handang mag-take ng mas malaking risk ang investors para sa mas malaking potential na kita.
“Russell 2000 hits a new all-time high after the US open. Ang index tumaas na ng 7% sa unang 15 days ng 2026 at halos $220 billion ang nadagdag sa market value niya. Ibig sabihin nito, malinaw na may pag-ikot ng kapital papunta sa mga mas risky na assets,” report ng Bull Theory.
Dinagdag ng mga analyst sa Hedgeye na itong Russell 2000 ay in-overtake ang S&P 500 sa loob ng siyam na magkasunod na araw. Ito yung pinakamatagal na winning streak mula 2017.
Sa chart na pinapakita yung comparison ng crypto market cap at Russell 2000, sobrang aligned sila nitong nakaraang dalawang taon. Kada mag-peak o mag-bottom ang index, kadalasan, kasabay din sa crypto market yung highs at lows niya.
Kaya dahil nga nakaabot na ng panibagong high yung index, umaasa ang marami na baka makasabay ang crypto market at makagawa rin ng bagong record soon, lalo na habang nagiging open na uli ang mga investor sa pagpili ng mas risky na assets.
“Bullish ito para sa mga altcoin,” sabi ni investor Ash Crypto sa kanyang post.
May ibang analyst din na ginagamit itong signal para magpredict ng possible gains ng altcoin na pwede umabot mula 20% hanggang 5x.
Tataas Pa Rin ang Buy/Sell (Long/Short) Ratio ng mga Altcoin ngayong January
Kasabay nito, karamihan ng mga altcoin ngayon ay may Buy/Sell (Long/Short) ratios na mas mataas sa 1. Ayon sa data analytics platform na Alphractal, sign ito na Long positions ang nangingibabaw sa market.
Sa chart, makikita na yung mga top altcoins na kadalasan mas maliit ang market cap, sila yung may mas matataas na Long/Short ratio. Pinapakita nitong pattern na mas mataas na risk ang tinataya ng mga trader, at mas lumalakas ang confidence sa pagbawi ng altcoins.
“Mas malawak na pattern ito: habang lumiit ang market cap, mas tumataas ang long bias. Madalas, nauuna ang ganitong setup bago dumating ang volatility at pressure sa long side,” sabi ni Alphractal sa kanilang update.
Kung titignan sa behavior ng mga tao sa market, marami nang altcoins ang bagsak ng 80%–90%. Kapag ganyan kalaki ang lugi, bawas na ang gana ng mga naiipit na holders na magbenta kaya karamihan nagho-hold na lang. Sa kabilang banda, yung mga malalaki ang capital, nakikita nila ito bilang matinding buying opportunity.
Pero kahit magkaroon man ng altcoin season, hindi lahat ng token automatic na lilipad. Sabi ni analyst CW, base sa Binance altcoin netflow data ng CryptoQuant, may mga tokens talagang iniiipon nang matinde, pero may iba ding pwedeng kabigin ng selling pressure.
Ang mga altcoin na tiwala pa rin ang holders at patuloy na nawawala sa exchanges, mas malaki ang chance na umakyat pa. Samantalang yung mga tokens na paulit-ulit lang dinadala pabalik sa exchanges para sa liquidity, mas mahihirapan mag-perform.