Back

Paano Ginamit ng mga Russian Firm ang Crypto Para Mag-trade Kasama ang Iran Kahit Sanctioned

Piliin kami sa Google
11 Marso 2026 11:43 UTC
  • Russian Exec Nagkwento Kung Paano Nakatulong ang Crypto at Hawala sa Iran Habang Bagsak ng 40% ang Export
  • Dahil sa split exchange rate system ng Iran, halos imposibleng mag-settle ng dollar ang mga exporter.
  • Na-freeze ng military conflict sa 2025 lahat ng transaction, tigil ang payment system na taon nang ginagawa.

Gumawa ang mga negosyo sa Russia na nakikipag-trade sa Iran ng mas kumplikadong sistema gamit ang crypto transfers, hawala settlements, at mga borderless na barter para mabawi ‘yung kinita nila na, kung susundin lang ang official exchange rate ng Iran, malulugi sana sila.

Naikwento ni Sergey Mikheev, Director of Business Development ng BiyskKotloStroy (isang kumpanya sa boiler engineering at construction), sa isang exclusive interview ng BeInCrypto kasama si Evgeniya Likhodey.

Laki ng Palitan, Pahirap Mag-Negosyo Nang Maayos

Itong system na ikinuwento ni Mikheev na gumagana na bago mag-June 2025, pansamantala munang natigil sa ngayon.

Nagsimula kasi ang military conflict noong buwan na ‘yon at biglang nahinto lahat ng cross-border deals na nabuo ng kumpanya niya. Naapektuhan pati ‘yung mga nagawa na nilang infrastructure, tapos andami na ring napirmahang kontrata at logistics na ngayon ay naka-hold lang.

Mapa ng trade corridor ng Russia at Iran na nagpapakita ng ruta mula Bandar Abbas, Enzeli, hanggang Astrakhan
Mapa ng trade corridor ng Russia at Iran na nagpapakita ng ruta mula Bandar Abbas, Enzeli, hanggang Astrakhan

Para maintindihan kung bakit naghanap ng ibang paraan ang mga exporter mula Russia, importante ring malaman kung paano gumagana ang currency system ng Iran.

Sa Iran, hindi lang isa ang exchange rate—sabay-sabay ang gamit nila ng iba’t ibang rate:

  • Official Central Bank rate
  • Market rate, at
  • Hiwalay na business rate na malalaki ang pagitan ng value sa isa’t isa.

Nitong May 2024, nasa 1,100,000 rials bawat dollar ang palitan sa market. Pero kung sa Central Bank ka bibili, 600,000 rials lang ang official rate—halos kalahati ang difference.

‘Yung mga buyer sa Iran, Central Bank lang talaga ang source nila ng foreign currency, at makakabili lang sila kapag mismong dumating na sa warehouse nila ‘yung imported goods.

Pagdating ng goods, kukuha sila ng transaction passport, para ma-allow magpalit ng currency sa official rate. Ang resulta: tuwing export transaction, automatic nang malulugi rito ang exporter.

“Yung market rate nasa 1,100,000 rials per dollar, pero kung bibili ka sa Central Bank, 600,000 lang. Tapos may VAT pa at customs duties. Lahat ng matitipong loss sa export, umaabot ng average na 40%,” kwento ni Mikheev sa interview sa BeInCrypto.

Pati sa customs processing, lumalala ang problema. May isang example si Mikheev na ‘yung goods na dapat 178,000 rubles lang ang value, siningil nila ng tax base na 600,000 rubles. Kaya triple ang binabayaran na taxable base dahil lang sa sobrang layo ng market at official rates.

‘Yung malalaking kumpanya sa Russia, natitiis pa itong ganitong patakaran. Willing silang maghintay kung kelan darating ang settlement ng dollar sa bangko, pero minsan abot ng hanggang anim na buwan ang hintayan na ito.

“Hindi ginagamit ng malalaking kumpanya ang crypto; hinintay nila ‘yung currency. Tapos nag-aantay pa sila ng hasta 6 na buwan para sa dollars bago ma-deposit sa account nila. Ayaw naman ng mga Russian bank ng rials; hindi rin nila tinatanggap sa market rate,” dagdag pa ni Mikheev.

Pero para sa mga mas maliliit na negosyo, hindi kakayanin na maghintay ng gano’n katagal. Kailangan nila ng solusyon na mas mabilis at swak sa sitwasyon nila.

Paano Pumasok ang Crypto sa Payment Chain

Dito na pumasok ang crypto bilang pinaka-praktikal na option para sa mga kumpanyang ayaw tiisin ang anim na buwang hintay o tanggapin ‘yung 40% na lugi sa exchange rate. Ang kinabitan nilang ruta dumaan ng UAE.

Ang arrangement: Ang kumpanyang Russian, pipirma ng kontrata na naka-base sa dollars, babayaran sa rubles. May kakontrata na agent sa UAE na maghahandle ng transaction.

Si agent sa Emirates, siya na ang magco-convert ng rubles papuntang crypto at magtra-transfer ng pondo papunta sa Iranian side.

Ganito, natutupad pa rin ang mga requirement ng tax policy ng Russia. Yung payment, dadaan sa UAE-based intermediary sa ilalim ng legal na service contract, hindi direct na crypto transaction.

“Simple lang ang proseso—pirma ng kontrata, bayad sa rubles, tapos ‘yung agent sa UAE bahala na sa pag-convert to crypto at pagproseso ng bayad. Lahat official at nagbabayad ng tama sa tax. Gumagana ang scheme, pero risky din. Kailangan legit at kikilalanin mo talaga ‘yung kakilala mo sa business,” kwento pa ni Mikheev sa interview.

Yung firm ni Mikheev, hindi dumadaan sa mga organized crypto exchange. Ang ka-deal nila ay mga individual crypto traders talaga.

May ilang tokens na tinatanggap agad ng mga Iranian currency trader at maliit lang ang discount. Para di mapansin, maliit lang muna ang volume ng crypto transfers habang “binubuo” pa lang ang tiwala sa isa’t isa.

Gamit din minsan ang cash para sa mas maliit na transactions, pero risky na option ito lalo na pag tumatawid ng border.

“May ilang tao pa rin na literal na nagdadala ng cash at, totoo, gumagana pa rin ‘yon,” sabi ni Mikheev.

Hawala: Matandang Paraan, Modernong Risk sa Panahon Ngayon

Ang hawala system naman, isang informal na network ng value transfer na sikat na ginagamit sa Middle East at Central Asia, binabalik-balikan na ng mga tao kahit noon pa.

Sa hawala, ang sender magbibigay ng cash sa local intermediary; tapos si intermediary makikipag-communicate sa kapwa niya sa Iran gamit ang code.

Pag nareceive ng recipient ang code, makukuha na niya ang equivalent na amount (bawas na ang commission). Walang physical na pera na tumatawid ng border dito.

Malinaw kung bakit mabenta ang system na ‘to. Pero gaya ng paliwanag ni Mikheev, may limitasyon ito lalo sa structure.

“May systemic risk ang hawala: usually, honest ang mga intermediary kapag maliit lang ang halaga. Pero pag malaki na ang perang dumadaan, pwede talagang matukso yung iba na maglaho na lang bigla,” paliwanag ni Sergey Mikheev.

Para sa mga transaksyon na hindi kalakihan, gumana nang maayos ang hawala. Pero kung mag-e-scale ka, kailangan mo ng matinding personal na tiwala — at taon talaga ang binibilang bago mabuo sa pagitan ng mga party, hindi mo basta-basta magagawa yan sa mga bagong ka-transaksyon.

Zero-Transfer Settlement System: Ano ‘To at Paano Gumagana?

Pinakamalupit na solution na nagawa ng team ni Mikheev ay yung settlement structure na kahit kailan, hindi talaga lumalampas ng border ang pera.

Gumamit ang sistema ng mga Iranian bank account na hawak ng parehong export-side at import-side na kumpanya, pero pag-aari pa rin ng mga Russian.

Para sa mga exporter, ganito ang sistema: Bibilhin muna ng team ni Mikheev ang goods mula sa Russian exporter gamit ang presyo sa ruble, tapos ibebenta nila diretso sa mga Iranian buyer mula sa Iranian account nila.

Yung Russian exporter, ruble na ang natatanggap nila dito mismo sa loob ng Russia — hindi na nila naiisip ang exchange rate gap.

Kapag importer naman, kabaliktaran ng proseso. Yung kinikitang rial sa Iranian account galing export sales, ginagamit yun para bumili ng Iranian goods para naman ibenta sa mga Russian importer — ruble pa rin ang bayad, dito rin mismo sa Russia.

“Kung exporter ka, basically kami muna bibili ng goods galing sayo at rubles ang ibabalik namin, tapos kami na rin ang bahala magbenta sa mga Iranian. Lahat ng risk, kami na ang sumasalo. Kapag importer naman, kabaliktaran — nag-accumulate kami ng revenue sa rials, yun ang pinambibili namin ng Iranian goods para ibenta sa Russian importers na rubles din ang bayad. Ni minsan, hindi talaga tumatawid ng border ang pera,” sabi niya.

Ang structure na ‘to, nagresulta rin ng VAT refund sa Russian side — at sinasama pa ito ng kumpanya ni Mikheev bilang extra benefit sa mga partner nilang kliyente.

Sabi niya, mula 40%, halos zero na lang ang export losses gamit ang scheme na ito.

Kompleto na sana ang plano, may mga counterparty agreement na. Bigla namang sumiklab ang gulo.

“Kung hindi lang sana sa giyera na nagsimula nung June 2025, operational na sana ang scheme na ‘to. May ino-offer kaming paraan para hindi malugi ng 40% yung mga partner namin kada foreign currency revenue, tapos sinishare pa namin sa kanila yung VAT refund. Matapos ang giyera, babalik kami dito,” kwento ni Mikheev sa BeInCrypto interview.

Gaano Kahalaga ang Logistics ng Iran, at Ano ang Nasira Dahil sa Giyera

Bukod sa payment system, may logistics side din na pinatunayan talagang sulit. Ginawang cost-efficient na transit corridor ng Iran ang mga goods na bumibiyahe mula Russia, China, at East Africa.

Alam mo kung bakit — dahil sa murang fuel sa Iran, private trucking na competitive talaga, plus access sa Persian Gulf at Caspian Sea.

Yung mismong stats na binanggit ni Mikheev, swak na patunay.

“Pag nagpa-ship ka ng container mula China papuntang Moscow, $8,000 ang singil ng mga logistician. Pero kung dadaan ka ng Bandar Abbas at Enzeli tapos Astrakhan, mga $3,000 lang plus $2,000 pa by road papuntang Moscow,” paliwanag ni Mikheev.

Malaki ang tipid lalo na dahil subsidized ang fuel sa Iran. May libre fuel quota ang bawat may-ari ng sasakyan — at kahit mag-exceed, sobrang baba lang din ang presyo na halos libre na sa global rates.

Competitive din ang rates dahil private sector ang nagpapaandar ng trucking — maraming small business, hindi masyadong pinakikialaman ng gobyerno.

Kapag nagbo-book ng truck para round trip, galing Bandar Abbas papuntang Enzeli at pabalik, mas nababawasan pa ang total fees.

Nag-complete din ng routing analysis ang team ni Mikheev para sa kalakalan ng East Africa. Yung mga produkto mula Ethiopia, dumadaan daw ngayon sa west coast ng Africa tapos Novorossiysk — mabagal at mahal.

Pero kung idadaan sa Tanzania, tapos derecho Iran at pataas sa Astrakhan, puwedeng makatipid ng 1.5 linggo sa biyahe at kalahati na lang yung freight costs.

Pati yung UAE na dating main relay ng pera gamit ang crypto settlement, naapektuhan din.

Kwento ni Mikheev, pang-world class talaga ang crypto infrastructure ng Emirates before pa nagka-gyera. Doon kasi, kaya ng crypto na gamitin sa normal na retail purchases — mas advanced pa kaysa US o UK pagdating sa gamit ng crypto sa araw-araw.

Sobrang naapektuhan ng gyera lalo na nung may mga strike sa data centers, na nagdulot ng matinding damage sa crypto infrastructure nila.

Ngayon, naghihintay si Mikheev. Ready pa rin ang agreements. Ang tanong na lang niya eh sino sa mga ka-deal nila ang makakalampas sa gulo, para kapag okay na ang lahat, pwede na siyang bumalik.

“Buong scheme, from transport hanggang finance, tapos na at ready na talaga. May agreements na kami sa counterparties. Ang problema na lang, ilan kaya sa kanila ang makaka-survive habang may giyera? Pag tumigil ang putukan, lilipad na agad ako doon,” pagtapos ni BiyskKotloStroy executive.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.