Habang nasa ilalim pa rin ng pressure ang mas malaking crypto market, napansin ngayon na ang real-world assets (RWAs) ang isa sa mga iilang sector na tuloy-tuloy ang nakukuha na interest mula sa mga tao. Tumaas ng mahigit 150% ang market nito ngayong taon. Sinabi rin ni Chris Yin, co-founder at CEO ng Plume, na posible pa raw na lumaki ito ng 10x hanggang 20x, pareho sa value at dami ng users, sa susunod na taon kahit ‘yung conservative na estimate lang ang tignan.
Sa isang panayam ng BeInCrypto kay Yin, kinuwento niya kung bakit nagiging usap-usapan na ang RWAs sa market na to. Ipinaliwanag din niya kung bakit baka patuloy pa rin na maging focus ng mga tao ang sector na ‘to sa susunod na bull run o market cycle.
Bakit RWAs ang Pinipili ng mga Investor sa 2025
Ngayong Q4, ramdam ang matinding pressure sa buong crypto market, kaya napilitan ang madami na lumabas. Kahit ganito, napatunayan na nakakakuha pa rin ng interest ang RWA sector galing sa mga retail at institutional investors.
Ayon sa data mula sa RWA.xyz, tumaas ng 103.7% ang total na bilang ng asset holders nitong nakaraang buwan. Ibig sabihin nito, mas lalo pa lumalakas ang engagement kahit humihina ang market sentiment.
Ayon sa co-founder ng Plume,
“Ang RWA market ngayon ay driven ng interest mula sa iba’t ibang sector sa mga on-chain asset na konektado talaga sa totoong mundo. Nagkakaroon kasi ng certain level ng certainty kahit parang hindi fully bear o bull market ang vibes.”
Dahil tuloy-tuloy ang economic downturn, binigyang-diin ni Yin na nagiging mas maingat ang investors pagdating sa volatility at reliability ng kita sa iba’t ibang DeFi markets. Kung ikukumpara, visible ngayon na tinuturing ng marami ang RWAs bilang mas stable na option para sa returns.
Habang under pressure ang DeFi yields at hindi pa rin ganun kasigurado ang economy, nagmumukhang mas attractive ang mga tokenized treasury o private credit products — lalo na pagdating sa risk-adjusted returns.
Binigyang-pansin din niya na mabilis ang paglaki ng stablecoins ngayong taon, na nagpapakita kung paanong lumilipat ang market papunta sa mas stable na options, lalo na para sa institutions.
“Simula pa lang ng RWA onboarding ang stablecoins, kaya next step na nito ‘yung development ng yield coins at earning opportunities para sa mga RWAs. Gusto ng mga tao ‘yung high quality asset na nagbibigay ng safe at consistent na kita. Stablecoins ang entry point ng karamihan, pero ‘yung yield opportunities ang talagang ni-lo-look forward ng both institutions at regular users,” kwento ni Yin sa BeInCrypto.
Habang parami na ng parami ang naghahanap ng stable na options, inamin din ni Yin na isang concern ng iba sa RWAs ay baka madagdagan ng KYC at compliance risks.
Pero sinabi niya na ang tokenization, sa totoo lang, pwedeng makapagpalakas pa ng regulatory controls. Posible ito dahil kaya nang gawing programmable sa level ng asset mismo ang identity verification, access permissions, at transfer restrictions.
Imbes na umasa sa mga hiwa-hiwalay at off-chain na compliance process, pwedeng ilagay agad ng mga issuer ‘yung rules sa mismong token gamit ang real-time na eligibility checks, automatic reporting, at immutable audit trail.
Mukhang Patok pa rin ang RWAs sa Susunod na Crypto Cycle
Kahit na patuloy na lumalakas ang RWAs ngayong taon, sinabi ni Yin na malaki ang chance na manatiling focus ng both traditional at decentralized finance ang sector na ‘to sa susunod na market cycle.
Sinabi niya na sa ngayon, karamihan ng RWA value nandoon pa rin sa mga tokenized T-bills. Pero sabi ni Yin, habang lumalago pa ang market, inaasahan niyang magi-increase na rin ang adoption ng private credit at mas dadami pa ang iba’t ibang klase ng alternative assets.
Pwedeng kasama dito ang exposure sa mineral rights tulad ng oil, at maaari ring GPUs, energy infra, at iba pang totoong asset sa real world.
“’Yung tunay na winners ay ‘yung mga makakakita ng ganitong mga bagong opportunity, hindi lang ‘yung paulit-ulit na ginagawa kung ano lang ‘yung gumana dati,” dagdag pa ng executive.
Samantala, noong isang buwan, sinabi ng Coinbase Ventures na isa sa mga sector na gusto talaga nilang pondohan sa 2026 ay RWA perpetuals. Ibig sabihin, mataas ang confidence nila dito. Ibinahagi rin ni Yin na sobrang bullish ang kompanya sa RWA perpetuals.
Ayon kay Yin, mas malaki ang trading volume ng perpetuals kaysa spot market, madalas dahil mas maganda ang user experience nito. Ipinaliwanag niya na madali gamitin ang perps at simple lang mag-take ng position at mag-leverage dito.
“Sa Plume, sinasabi namin, para maging uso talaga ang RWAs onchain, kailangan gawing swak para sa crypto crowd ‘to — kailangan maayos ang UX at pamilyar sa mga sanay sa crypto. Para sa spot, dapat permissionless, composable at liquid, kaya ginagawa namin ‘yan sa Nest sa Plume. Pero alam din namin na marami sa crypto natives ay mas feel mag-trade gamit ang perps, kaya excited kami at bullish talaga sa future nitong format para sa RWA,” paliwanag niya.
Napansin din ni Yin na patuloy na nadadagdagan ang innovation sa real-world yield. Sabi niya, nagbabago na ngayon ang paraan kung paano nai-a-access at nai-trade ang yield on-chain.
Para sa example, binanggit niya ang Pendle, kung saan nahati na ang principal at yield para magkaroon ng bagong structure sa market ng mga tokenized RWA cash flow.
Hindi lang sa individual protocols, nakikita ni Yin na gaining momentum na ang RWAs sa maraming blockchain ecosystem.
“Pinapakita ng Solana RWA wave kung anong pwedeng mangyari kapag naging mabilis, programmable, at accessible sa milyong-milyong users ang yield,” dagdag niya.
Sinabi ni Yin na dahil mabilis at mataas ang throughput ng Solana, isa ito sa kakaunting networks na kaya talagang mag-handle ng mga high-frequency yield operations nang malakihan. Lalo pang nagiging mahalaga ito habang ang mga RWA ay nagiging mas aktibo, at mula sa pagiging passive na pang-generate ng income, nagte-transition na bilang mas dynamic na tradable yield economy.
“Yung mga nangyayaring eksperimento diyan parang preview na ng susunod na chapter ng RWA sector. Yung mga tools na nagdadala ng RWA onchain sa crypto native na paraan, sila talaga ang exciting ngayon. Oo, RWA perps ay isang category dito, pero marami ring bagong asset classes tulad ng sports o pokemon cards gamit ang Tradible, pati mga bagong financial tools gaya ng insurance sa Cork, at marami pang iba,” sabi niya.
Kasabay ng paglawak na ito, binigyan-diin din ni Yin na mananatiling priority ang alignment sa regulations at mga panuntunan. Nilinaw niya na yung mga projects na seryoso sa compliance, sila yung malamang magtagal at magtagumpay, lalo na habang mas marami nang gobyerno at malalaking institusyon ang humihingi ng built-in na regulatory protections at malinaw na standards para sa pag-issue ng on-chain assets.
Ano’ng Pwede Aasahan sa RWA Sector pagdating ng 2026?
Pagdating sa hinaharap, binanggit ni Yin ang tatlong pangunahing factors na inaasahan niyang magpapalakas pa sa RWA sector sa susunod na 12 buwan. Una, sinabi niyang magpapatuloy ang bottom-up adoption at paglago ng mga RWA.
Napansin ni Yin na higit sa triple na ang naging value ng mga RWA nitong nakaraang taon. At dumami rin nang higit pitong beses ang bilang ng mga RWA holders.
“Nong nag-launch ang Plume mainnet, dumoble kaagad ang buong bilang ng RWA holders, at naniniwala akong magtutuloy-tuloy pa ang acceleration na yun, lalo na sa mga crypto native na audience kasi sobrang liit pa lang ng RWA sector kumpara sa buong crypto market cap,” dagdag niya.
Pangalawa, binigyan-diin ni Yin ang lumalakas na top-down support mula sa mga institutions at regulators. Ayon sa kanya, ang mga gobyerno, mga financial institution, at tech companies ay mas aktibo na ngayon sa pagtutok sa tokenization. Kahit na matagal mag-materialize ang mga ganitong proyekto, confident siya na kapag lumarga ‘yan, pwede nitong maipasok on-chain ang assets na aabot ng bilyon-bilyong dollars.
Pangatlo, tiningnan din ni Yin ‘yung mas malawak na macroeconomic conditions bilang isang malaking factor para sa growth ng sector.
“Dahil sa current macro situation, both off-chain at on-chain, patuloy na naghahanap ang mga tao ng stable yields, at yung mga alternative assets ay mas lumalakas din ang presence — at dahil dito, mas natural na lumalaki ang demand para sa on-chain RWA,” ibinahagi niya sa BeInCrypto.
Sa huli, sinabi ni Yin na mukhang malabong humina ang momentum ng sector, lalo na sa dami ng factors na nagtutulak ngayon. Sabi niya,
“Kung titingnan mo, kahit 10x hanggang 20x na growth sa value at users sa next year eh parang pinaka-minimum na pwede nating asahan.”
Kaya mukhang hindi na basta short-term trend lang ang RWA pagdating ng 2026. Habang dumarami ang gumagamit, lumalawak ang types ng assets, at mas malakas ang regulatory support, handang-handa ang sector para maging isa sa mga pangunahing parte ng next phase ng on-chain growth.