Naglabas ng bagong guidelines ang US Securities and Exchange Commission (SEC) para matulungan ang mga retail investor sa mas secure na paghawak ng kanilang crypto assets.
Noong December 12, naglabas ang Office of Investor Education and Advocacy ng SEC ng Investor Bulletin. Dito pina-explain nila ang normal na paraan ng pag-iingat sa crypto at mga risk ng paghawak ng digital assets.
Nagbabala ang SEC sa Retail Investors: May Mga Tagong Panganib sa Crypto Custody
Bakit importante ‘to? Lumalaki kasi ngayon ang industry ng pagbabantay sa digital assets.
Kita sa mga estimate ng industriya na ang crypto custody sector ay lumalaki ng halos 13% kada taon at posibleng umabot ng $6.03 billion pagdating ng 2030.
Ipinapakita nito kung gaano kalaki na ang mga crypto assets na nasa labas ng traditional na finance at gaano kaimportante na maayos at safe ang handling ng mga ito.
Dahil dito, pinapaalala ng SEC sa mga investor na mag-ingat sa third-party custodians at alamin kung paano nila hinahandle at pinoprotektahan ang pondo ng customers.
“Kung mahack, magsara, o mabankrupt ang third-party custodian, posible mong mawala ang access sa crypto assets mo,” babala ng SEC sa kanilang bulletin.
Nabanggit din sa bulletin na may mga kumpanya na gumagamit ng “rehypothecation” o pinapautang muna sa iba ang holdings ng mga client, habang ang iba naman pinagsasama-sama lang ang pondo ng users imbes na hiwa-hiwalay.
Ayon sa SEC, sa mga panahon ng market stress, pwedeng magpalala ng losses ang ganitong practice dahil mas kumakalat ang risk sa iba’t ibang institutions.
Kaya iniencourage ng SEC ang mga investor na tiyakin kung malinaw ang records ng ownership ng mga custodian. Kailangan mo ring suriin kung paano nila itatrato ang assets mo kung sakaling magsara o may mangyaring aberya sa platform.
Sinasabi din ng guidelines na ang custody arrangements (kung paano at saan nakatago ang crypto mo) ay pwedeng makaapekto nang todo sa kinalabasan ng investment mo, kahit stable pa ang presyo sa market.
Tinalakay din sa bulletin ang self-custody at pinapansin na maraming gusto nito dahil gusto nilang direct control sa mga hawak nilang crypto.
Pero sabay binigyang babala ng SEC na kapag ikaw mismo ang nagma-manage ng wallet mo, ikaw lang talagang responsable sa pagpapanatiling secure ng private keys mo. Kapag nawala ang credentials mo, kadalasan, goodbye na talaga sa crypto assets—halos walang chance na mabawi pa.
“‘Pag self-custody, ikaw lang ang may responsibilidad sa security ng private keys ng crypto assets mo. Kung mawala, manakaw, masira, o ma-hack ang wallets mo, posibleng hindi mo na mabalikan ang crypto mo kahit kailan,” ayon sa SEC.
Habang pinapatibay ng SEC ang guidance na ‘to, makikita ring nagbabago na ang approach ng regulators.
Dahil marami na talagang Pinoy at retail investor na may crypto, mas inuuna na ngayon ng SEC ang education kaysa puro enforcement. Gusto nilang bigyang-diin ang risks sa daily operations kaysa makipagtalo kung bagay ba ang digital assets sa investment portfolio mo.