Ayon sa SEC, kahit simpleng crypto content sa social media, puwedeng ituring na regulated activity. Oo, pati memes, airdrops, at educational videos — kung may kapalit o intent na mag-promote, covered na ng rules.
- Ano ang ibig sabihin ng Crypto-Asset Service Provider (CASP)?
- Considered ba na “marketing” ang pagpo-post ng crypto sa FB groups?
- Kailan hindi itinuturing na marketing ang educational content?
- Anong requirements ang kailangan kung ang post ay classified bilang marketing?
- Anong mga parusa ang pwedeng makuha kapag lumabag ka?
- Bakit sobrang higpit ng regulasyon sa crypto promotion sa Pinas?
- Ano ang mga risk sa crypto kahit sharing lang ginagawa ko?
- Ano ang mga requirements para makapag-register ang isang CASP sa SEC?
Ano ang ibig sabihin ng Crypto-Asset Service Provider (CASP)?
Ang Crypto-Asset Service Provider (CASP) ay isang entity (kumpanya o negosyo) na nag-o-offer o nagpo-provide ng crypto-related services bilang negosyo. Kasama dito ang:
- Pag-o-offer ng crypto-assets sa publiko
- Pagpapatakbo ng trading platform para sa crypto
- Paggawa ng intermediation services gaya ng crypto advising, dealing, order execution, at order forwarding
Ibig sabihin, kung negosyo mo ang pag-facilitate ng crypto services, kailangan mong magparehistro bilang CASP.
Considered ba na “marketing” ang pagpo-post ng crypto sa FB groups?
Oo, puwede itong ituring na marketing.
Ayon sa SEC, ang “marketing” ay anumang paraan ng pagco-communicate, pag-o-offer, pagpo-promote, pag-a-advertise, o pagdi-deliver ng crypto-assets o crypto-related services. Malawak ang depinisyon ng SEC dito at hindi ito limitado sa kung anong platform o media ang gamit.
Kasama sa itinuturing na “marketing” ang mga sumusunod:
- Mga post, comments, sponsored content, at anumang promo o branded material na gawa sa social media tulad ng Facebook, blog, video, o livestream
- Pag-organisa o pagdalo sa events sa Pilipinas na maaaring humikayat sa tao na gumamit ng crypto service o bumili ng crypto-asset
- Advertisements, sponsored editorials, paid or earned media, kahit branding o merchandise na nagpo-promote ng crypto
- Airdrops o libreng pamimigay, pagbibigay, o pag-transfer ng crypto assets
- Kahit educational content na hindi 100% good faith at walang kapalit na value, maaaring ituring na marketing
Kung ang content mo ay may intent na makahatak ng interest o mag-encourage ng investment, covered ka ng rules ng SEC.
Kailan hindi itinuturing na marketing ang educational content?
Puwede lang hindi ituring na marketing ang content mo kung:
- Purely educational talaga,
- Ginawa in good faith, at
- Walang bayad, kapalit, o kahit anong value na natanggap mula sa kahit sinong entity.
Pero kung may natanggap kang kahit anong value (pera, tokens, data, gift, exposure), kahit educational ang style, ituturing ka nang third-party service provider o influencer. Kung wala kang binanggit na CASP, kailangan mong magparehistro bilang financial adviser.
May exemption lang kung reasonable ang natanggap mong bayad para sa work mo bilang educator — pero dapat legit at documented ito.
Anong requirements ang kailangan kung ang post ay classified bilang marketing?
• Lahat ng klase ng marketing para sa crypto-assets o services sa publiko ay dapat klaro, diretso, at madaling maintindihan.
• Dapat tama at sapat ang paliwanag ng produkto o serbisyo, pati na rin yung mga risk na kasama, at hindi misleading ang presentation.
• Kailangan nakasaad sa post o content na ito ay rehistrado sa SEC kasama ang registration number.
• Kung nagpo-promote ka o naghihikayat na bumili ng crypto o service, kailangan naka-register bilang korporasyon sa Pilipinas yung entity at may lisensya mula sa SEC at BSP.
Anong mga parusa ang pwedeng makuha kapag lumabag ka?
Kung hindi ka compliant sa rules ng SEC (gaya ng CASP Guidelines), may seryosong consequence. Ito ang mga puwedeng kaharapin:
Pwedeng ikaw ang managot
Kung ikaw ay CASP (Crypto Asset Service Provider), sagot mo lahat ng ginagawa ng team mo—kasama na ‘yung mga marketers, content creators, o influencers mo. Kung third-party ka naman (tulad ng nagpo-post para sa isang crypto project), puwede pa rin kayong sabay managot sa project na binebenta mo.
Cease and Desist Order
Kapag nakita ng SEC na parang nanloloko o delikado sa public ang ginagawa mong promotion, puwede ka nilang padalhan ng cease and desist order kahit wala pang hearing. Ibig sabihin, tigil agad ang lahat ng marketing mo.
Puwedeng imbestigahan ka
May kapangyarihan ang SEC na imbestigahan ka—tulad ng pagpapatawag sa’yo para magpaliwanag under oath, humingi ng files, o ipatawag ang mga kasama mo.
Puwede kang pagmultahin o makulong
- Kung simple lang ang violation, puwedeng multa na ₱50K–₱10M, tapos may dagdag ₱10K bawat araw na tuloy-tuloy ang paglabag.
- Kung sinadya mo o scam-level ang galawan, puwede kang makulong (1–5 taon) o pagmultahin ng ₱50K–₱2M, o pareho.
- Kung company ang involved, ‘yung mga tao sa likod nito—CEO, officers, o founders—ang mananagot.
Puwedeng bawiin ang license ng project
Kung hindi sumusunod sa rules ang project na tine-trade mo, puwedeng suspendihin o tuluyang ipasara ng SEC ang operations ng project.
Puwedeng bawiin ang kinita mo
Kung may kinita ka sa marketing o promotion na labag sa rules, puwedeng i-require ng SEC na ibalik mo ‘yun, kasama ang interest.
Bakit sobrang higpit ng regulasyon sa crypto promotion sa Pinas?
Simple lang: para protektahan ang mga crypto users at investors—lalo na ’yung mga bagong sali o hindi techie.
- Gusto ng SEC na malinaw ang lahat: Tinututukan ng SEC ang transparency at protection ng crypto users. Dapat alam ng tao kung ano ang pinapasok nila, ano ang risks, at kung sino ang may hawak ng pera nila. Laban ito sa scams at misuse.
- Si BSP naman, focused sa education: Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagre-regulate sa mga VASP (yung mga wallet at exchange providers), gustong siguraduhin na naiintindihan ng public ang crypto, especially ‘yung hindi tech-savvy. May push sila para sa financial literacy bago ka mag-invest.
- Para sa consumer protection at pag-iwas sa delikadong investment: Pinoprotektahan ng mga rules na ‘to ang mga users laban sa fraud, system collapse, at pagkalugi dahil sa mga hindi lisensyadong crypto project.
- Ang dami kasing gumagamit ng crypto sa Pilipinas: Alam mo bang umabot sa $40 billion ang total crypto value na pumasok sa bansa mula July 2023 to June 2024? Dahil sobrang laki ng galawan sa space, kailangan ng solid na rules para maiwasan ang abuse—lalo na dahil parang investment product na rin ang crypto.
Ano ang mga risk sa crypto kahit sharing lang ginagawa ko?
Ayon sa mga regulator gaya ng SEC at BSP, maraming built-in risks ang crypto na dapat mong malaman, kahit simpleng pagpo-post lang ang role mo.
Market Volatility
Mabilis magbago ang presyo ng crypto. Naka-base lang ito sa supply and demand, hype, at speculation. Ibig sabihin, puwede kang malugi nang malaki kung bumagsak ang value ng coin na hawak mo.
Regulatory Risk
Hindi pa final ang lahat ng rules sa crypto sa Pilipinas. Puwede pa itong magbago, at kapag nangyari ’yon, apektado ang investments mo.
Tandaan: Ang crypto ay hindi kinikilala bilang deposit sa bansa, kaya hindi ito sakop ng PDIC. Kung magsara ang isang exchange o wallet provider, wala kang habol sa perang nawawala.
Security at Illegal Use Risk
Crypto wallets at exchanges ang madalas target ng hacking. Dahil minsan anonymous ang transactions, ginagamit din ito sa mga illegal activity tulad ng money laundering.
Kapag nawala mo ang private key mo, wala ka nang paraan para mabawi ang funds mo.
Scam at Fraud
Marami pa ring scam sa crypto gaya ng Ponzi schemes, fake projects, at rug pulls.
Babala ng SEC: kung may nagsasabing “doble ang pera mo” o “10% daily profit,” scam ’yan. At dahil walang centralized authority sa crypto, mahirap bawiin ang pera kapag na-scam ka.
Ano ang mga requirements para makapag-register ang isang CASP sa SEC?
Para ma-register bilang Crypto-Asset Service Provider (CASP), kailangan sumunod ng entity sa ilang major requirements:
Corporation Status
Dapat nakarehistro bilang corporation sa SEC ang entity, at dapat malinaw sa Articles of Incorporation nito na ang negosyo ay bilang CASP.
Minimum Paid-up Capital
Kailangan ng minimum P100 milyon na paid-up capital — puwedeng cash o property, pero hindi kasama ang crypto-assets.
Physical Office
Dapat may physical office sa Pilipinas ang applicant, at may sapat na staff tuwing regular business hours.
Documentation Requirements
Kailangan mag-submit ng certified copies ng mga sumusunod:
- Policies sa pag-assess ng client suitability: tinitingnan ang knowledge, experience, at financial background ng user
- Standards sa listing at delisting ng crypto-assets
- Mga patakaran sa trading at disclosure
- Business conduct rules
- Detailed system architecture ng software, hardware, at comms setup
- Custodian o registrar ng crypto-assets
- Kopya ng Board Resolution approving CASP registration
- CVs ng management at IT personnel
- Risk disclosure matrix (paano nila ina-identify, ina-assess, at minamanage ang risks)
- Description ng independent risk control unit
- Business at marketing plan
- Commitment mula sa board at senior management para sa risk control
- Proof of filing fee payment
- Patunay na may financial capacity para manatiling solvent kahit may disruptions
- Clearing and settlement procedure para sa trades
- AML/CFT measures tulad ng risk assessment, customer due diligence, at suspicious transaction reporting
- Segregation at safeguarding ng assets: hiwalay ang wallets ng clients at ng CASP
Disclaimer
Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.
