Mukhang nakaka-engganyo ang Solana meme coin ecosystem, pero grabe rin ang risks dito. Maraming investor ang plano sana mag-trade lang ng short term. Pero dahil sobrang bilis magbago ng presyo, napilitan silang maging “diamond hands” — hindi makabenta kahit gusto nila.
Pwede pa kaya nilang bawiin ang nalugi nila? Heto ang ilang dahilan kung bakit hindi ito madali.
Bakit Parang Malabo nang Mabawi ng Solana Meme Coin Investors ang Puhunan
Ayon sa CoinGecko, nasa $6.45 billion ang total market cap ng mga Solana meme coins, habang nasa $1.7 billion ang daily trading volume nito.
Pero, pitong meme coins tulad ng TRUMP, BONK, PENGU, WIF, FARTCOIN, at PIPPIN ang hawak halos 70% ng total market cap. Sila din bumubuo ng 75% ng daily volume ng buong sektor ng meme coins.
Dahil dito, naiipit sa sobrang baba ng trading volume ang mga natitirang meme coins. Kaya mahirap na makabawi ang karamihan ng mga token holders.
Base sa report ng Stalkchain, may unlock schedule ngayong December ang mga malalaking token tulad ng PUMP, MELANIA, PENGU, SOL, at TRUMP. Kapag nag-unlock ang mga ‘to, magiging diluted ang supply at madalas bumabagsak ang presyo ng malalaking token, kaya damay din ang buong meme coin sector.
Lalong sumasama ang sitwasyon dahil sa dami ng scams. Sabi ng Thesis.io, tinignan nila ang 109 bagong Solana token na lumabas lang nitong nakaraang linggo. 68.8% agad naging scam, at 18.3% lang ang mukhang may potential. Pero kahit sa mga to, 39.1% pa rin agad naloko sa loob ng isang linggo.
Ipinakita naman sa Dune na mahigit 62% ng mga Solana meme coin holder ay “diamond hands” — ibig sabihin, bumili sila ng token pero ni minsan hindi pa nagbenta.
Kahit nagkataon lang na naipit sila o talagang matagal silang holder, lumiliit na ang chance nila na makabawi dahil sa mga nabanggit na dahilan sa taas.
May Pag-asa Pa Ba?
May kaunting positive sign pa rin. Mukhang may early signs ng recovery ang meme coin market, kahit mahina pa rin ang momentum nito ngayon.
Pinaka-optimistic na senaryo? Kung may fresh capital na papasok sa buong ecosystem, pwede nitong iangat maging ang malalaking meme coins pati na rin yung mga small-cap tokens.
Kung wala namang bagong pera na papasok, pwedeng mag-shift ang capital mula sa malalaking coin papunta sa mas maliit na small-cap tokens. Sa ganitong rotation, pwedeng makalabas ang mga naipit na holders.
“PUMP, TRUMP, BONK, WIF, PENGU, FARTCOIN at USELESS ang may hawak ng malaking meme coin liquidity sa Solana. Kaya kapag nilalabas na ang pera sa kanila, doon nagsisimulang mag-pump yung mga small caps at bagong token,” ayon sa prediksyon ng Stalkchain sa X.
Pero tandaan, sobrang risky pa rin maghanap ng kita sa meme coins. Mas okay kung maayos mag-diversify ng portfolio para hindi malubog sa tokens na ganito lahat ng pondo mo.