Patuloy ang pagtaas ng presyo ng Solana, pero unti-unting lumalabas ang mga risk na puwedeng makaapekto dito sa short term. Nakabuo ang SOL ng isang ascending wedge simula ngayong buwan, at madalas nauuna sa pullback ang ganitong pattern.
Kahit malakas ang participation ng mga investor, mukhang puwedeng magkaroon ng dip na pwedeng sumira sa bullish momentum nitong mga nakaraang araw.
Nagkakasalungat ang Mga Solana Holder
Pinapakita ng on-chain activity na lumalaki ang Solana network. Simula ngayong buwan, biglang dumami ang mga address na gumagawa ng mga transaction sa Solana. Sa pinaka-mataas na point, higit 8 million na bagong address ang pumasok sa network sa loob lang ng 24 hours.
Ibig sabihin nito, malakas ang demand para sa SOL. Kadalsang nagdadala ng fresh capital ang mga bagong address, kaya lumalakas ang liquidity at mas nagagamit ang network. Pinapakita ng ganitong growth na marami pang na-a-attract sa Solana ecosystem, lalo na dahil sa DeFi, mga memecoin, at high-throughput na apps na nakakaengganyo ng mga bagong user.
Gusto mo pa ng ganitong token insights? Mag-subscribe sa Daily Crypto Newsletter ni Editor Harsh Notariya dito.
Kahit dumadami ang gumagamit ng Solana, may iba ring istorya ang macro momentum. Sa exchange position change data, makikita na mas malakas ang epekto sa price ng mga existing holder kaysa sa mga bagong pumapasok. Humina na ang buying pressure mula sa mga matagal nang nakahold, kaya nababawi ang epekto ng bagong capital na pumapasok.
Habang nababawasan ang buying momentum, unti-unti namang nauungusan ng selling pressure. Mukhang mga established SOL holder ang nagbabawas ng exposure o naghahanda nang magbenta. Kapag mas malaki ang supply mula sa mga matagal nang may SOL kaysa sa fresh demand, madalas sumusunod dito ang pagbaba sa presyo at tumataas ang chance na mabasag ang current structure.
Mukhang Magkaka-Correction ang Presyo ng SOL
Naglalaro ang presyo ng Solana sa bandang $144 ngayon at gumagalaw ito sa loob ng isang ascending wedge na nakikita nitong mga nakaraang araw. Itong bearish continuation pattern na ito, nagse-suggest ng posibleng 9.5% na pagbaba, kaya puwedeng umabot ang downside target malapit sa $129 kung mababasag ang current structure paibaba.
Swak din ang possible na pagbagsak sa nhihinang momentum indicators. Kapag tuluyan nang bumigay, malamang mapunta muna sa $136 ang SOL. Kapag nabasag pa yung support na ‘yon, magbubukas ng possibility na i-test ang $130 level kung saan puwedeng mag-attempt ang mga buyer na pigilan ang pagbaba lalo pa at nag-iingat ang buong market.
Pero hindi pa sure ang bearish scenario. Kung gaganda ang sentiment ng mga investor at hihina ang selling pressure, pwedeng mag-bounce ang SOL mula sa lower trend line ng wedge. Pag umangat sa $146, mukhang malakas ulit ang momentum. Kung tuloy-tuloy pa ang pag-akyat, baka maabot ang $151 at mabasag na yung bearish na outlook.