Trusted

Spot Bitcoin ETFs Nakakita ng Record na $1.38 Billion Inflows, Pinakamalaking Single-Day Entry Mula Nang Ilunsad

2 mins

In Brief

  • Nakapagtala ang Spot Bitcoin ETFs ng $1.38 bilyon na inflows noong Nobyembre 7 na pinangunahan ng BlackRock, kasunod ng panalo ni Trump sa eleksyon.
  • BTC umabot sa bagong taas na $76,943, pinasigla ng ETF inflows at 25 bps na pagbaba ng rate ng Fed, may potensyal na umabot sa $80,066.
  • Posibleng bumaba pa ang BTC hanggang $66,650 kung babagal ang inflow ng ETF pagkatapos ng pullback sa $71,484.

Mga spot Bitcoin exchange-traded funds (ETFs) nagtala ng record na $1.38 billion inflows noong November 7, ito ang pinakamalaking single-day inflow mula nung nag-launch sila noong January.

Ang record-breaking na $1.38 billion inflows sa spot Bitcoin ETFs ay nangyari isang araw lang matapos manalo si Donald Trump sa US presidential election, kaya nag-speculate ang iba na baka positive sign daw ito para sa crypto industry. Pero, ano na kaya ang susunod para sa BTC?

BlackRock, Nangunguna sa Historic Inflows

Ayon sa SoSo Value, isang provider ng crypto data, ang net inflow ng Bitcoin ETFs noong November 6 ay $621.90 million, malaking pagtaas ito kumpara sa mga nakaraang tatlong araw.

Nangyari naman kahapon ang mga nakakalulang inflows dahil sa pag-accumulate ng pinakamalaking asset manager sa mundo na BlackRock. Base sa data ng Farside Investors, nag-register ang Blackrock ng inflows na worth $1.11 billion sa nasabing araw.

Sunod na malapit sa BlackRock ay ang Bitcoin ETF ng Bitwise (BITB), na may malaking inflow na nagkakahalagang $190 million. Kahit may iba pang issuers na nag-record ng inflows, wala nang umabot sa impressive na hundred-million o billion-dollar levels.

Bitcoin spot ETFs inflows
Bitcoin ETF Inflows. Source: SoSoValue

Katulad ng nabanggit kanina, itong influx ay nagpapahiwatig na nagpo-position ang mga investors para sa mas crypto-friendly na regulatory environment sa ilalim ni Trump.

Sabi naman ni Matt Hougan, Chief Investment Officer sa Bitwise, maganda para sa mga investors ang maayos na regulatory environment.

“Ang pro-crypto regulatory environment ay magbibigay ng support sa mga institutional investors na matagal nang gustong mag-allocate sa space. Game-changer ito,” sabi ni Hougan sa X

Bukod dito, umabot sa bagong all-time high ang presyo ng Bitcoin, na nag-break ng records bago manalo si Trump sa halalan noong Wednesday. Kanina lang, umakyat ang BTC sa $76,943 bago bahagyang bumaba sa $75,915.

Isa pang factor sa pag-akyat ng Bitcoin ay ang recent na decision ng Federal Reserve na bawasan ang interest rates nang 25 basis points (bps).

Dahil dito, lumabas ang mga predictions na baka umabot ang BTC sa $100,000. Samantalang ang Pi Cycle Top indicator na gamit ang data mula sa Glassnode ay nagpapakita naman ng mas ambitious na outlook, at sina-suggest na baka umakyat ang BTC hanggang $117,496.

Bitcoin price analysis
Bitcoin Pi Cycle Top. Source: Glassnode

Prediksyon sa Presyo ng BTC: Papunta na ng $80,000

Matapos makaranas ng ilang pagtanggi sa presyong $71,484, ang Bitcoin ay kasalukuyang nagte-trade sa loob ng isang ascending channel. Ang ascending channel ay isang price pattern kung saan ang galaw ng presyo ay nasa pagitan ng mga parallel na linya na pataas, na may mas mataas na highs at mas mataas na lows.

Dahil nandoon na ang pattern, mataas ang posibilidad na magpatuloy ang rally ng BTC hanggang $80,066 sa maikling panahon. Ngunit, kailangan pa rin ang inflows mula sa spot Bitcoin ETF upang mapanatili ang momentum na nagkakahalaga ng bilyong dolyar para mangyari ito.

Bitcoin price analysis
Bitcoin Daily Analysis. Source: TradingView

Kung ganun nga baka magkatotoo ang forecast. Pero kung mag-pullback sa $71,484 maaaring ma-invalidate ang thesis na ito. Kung mangyari yun baka bumaba ang presyo ng Bitcoin sa $66,650.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

img_3173.jpg
Victor Olanrewaju
Si Victor Olanrewaju ay isang teknikal at on-chain analyst sa BeInCrypto, kung saan binabantayan niya ang mga aktibidad ng mga mid- at large-scale na mamumuhunan, na kilala bilang mga crypto whales, upang matukoy ang mga trend ng pamumuhunan sa iba't ibang cryptocurrencies, kabilang ang Bitcoin, mga altcoins tulad ng Solana, XRP, Cardano, at Toncoin, pati na rin ang mga meme coins tulad ng Dogecoin, Shiba Inu, at Pepe. Dagdag pa, tinatalakay niya ang mga umuusbong na trend kabilang ang mga...
READ FULL BIO