Back

Columbia Business School Binuwag ang 5 Stablecoin Myth na Humaharang sa US Crypto Reform

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Lockridge Okoth

13 Enero 2026 10:00 UTC
  • Binasag ni Omid Malekan ng Columbia Business School ang 5 maling paniniwala ng mambabatas para higpitan ang stablecoin yields
  • Lumabas sa ebidensya na kayang pataasin ng stablecoins ang bank deposits, credit, savings, at demand ng dollar—hindi ito nagpapahina.
  • Mga Maling Akala, Hindi Risk, ang Nagpapabagal sa US Crypto Reform—Pinapaburan pa ang Mga Bangko

Habang papalapit na sa finalization ang US Senate sa kanilang digital asset market structure bill, merong isang surprisingly simple na issue na humaharang sa progreso: stablecoin yield.

Habang madalas na focus ng balita ang tungkol sa DeFi oversight at token classification, nagbabala si Omid Malekan, adjunct professor sa Columbia Business School at crypto policy analyst, na maraming usapan sa Washington ay nakabase lang sa mga haka-haka at hindi talaga sa facts.

Banks Kumakasa sa Stablecoins: US Mambabatas, Kalaban ba ang Walang Totoong Banta?

Ipinunto ni Malekan na may limang paulit-ulit na maling akala tungkol sa stablecoins at kung paano ito nakaapekto sa banking system.

Ayon kay Malekan, na nagtuturo raw sa Columbia Business School simula 2019, kung hindi mapapasinungalingan ang mga maling akalang ito, pwede nitong maantala o mapigil ang matinding crypto legislation.

  • Myth 1: Stablecoins daw nababawasan ang deposits sa mga bangko

Kabaligtaran ng iniisip ng marami, hindi automatic na kinakain ng stablecoin adoption ang US bank deposits.

Ipinaliwanag ni Malekan na dahil malaki ang demand para sa stablecoins ng mga foreigners, at dahil din sa Treasury-backed reserves na hinahawakan ng mga issuer, mas napapataas pa ang deposits sa mga lokal na bangko.

Kada may nadadagdag na dollar ng stablecoin na nilalabas, mas dumadami ang banking activity — gaya ng buying at selling ng government securities, repo markets, at mga foreign exchange na transactions.

Sinabi ni Malekan, “Stablecoins pinapataas ang demand para sa dollars kahit saan,” at mas lumalakas pa ang effect na ‘yan kapag nag-o-offer ng rewards ang stablecoin.

  • Myth 2: Stablecoins raw, delikado sa bank credit supply

Sabi ng mga kritiko, baka raw kapag napunta ang deposits sa stablecoins, bababa ang pwede ipautang ng mga bangko. Ayon kay Malekan, mali ang pagkapaghalo ng profitability at credit supply dito.

Sa isang post nitong December, pinoint out ni Justin Slaughter, Paradigm VP for regulatory affairs at dating senior advisor sa SEC at CFTC, na ‘yung adoption ng stablecoins ay dapat neutral lang o kaya naman ay makatulong pa sa pag-create ng credit at deposits sa mga bangko.

Giit ni Malekan, kaya naman ng mga malalaking US banks tulad ng Morgan Stanley at Bank of America na panatilihin ang malalaking reserves at solid na net interest margin. Kahit may kompetisyon sa deposits na medyo makaapekto sa kita, hindi nito pinapahina ang kakayahan ng mga bangko na magpautang.

Puwedeng bawiin ng mga bangko ang anumang kulang sa deposits sa pamamagitan ng pagbawas ng reserves na hawak nila sa Federal Reserve o kaya’t pag-adjust ng interest sa mga depositors.

Pareho ito ng pananaw ng Blockchain Association, na kinall-out ang malalaking bangko dahil sa sinasabi nilang delikado sa deposits at credit market ang stablecoins.

  • Myth 3: Kailangan daw protektahan ang mga bangko laban sa competition

Pangatlong maling akala ay ang mga bangko lang daw ang source ng credit at dapat silang protektahan mula sa stablecoins.

Bali ‘yung datos dito. Kapag tiningnan mo ang BIS Data Portal, lumalabas na nasa higit 20% lang ang share ng mga bangko sa kabuuang credit sa US. Mas marami ang financing na nanggagaling sa non-bank lenders para sa mga household at business, kasama na dito ang mga money market funds, mortgage-backed securities, at private credit providers.

Sabi pa ni Malekan, puwedeng mapababa pa ng stablecoins ang interest sa paghiram ng pera kasi nagpapataas ito ng demand sa Treasury-backed assets na ginagamit as benchmark ng non-bank credit.

  • Myth 4: Pinaka-delikado raw ang mga community bank

Pinaikot din ang narrative na ‘yung maliliit o regional banks daw ang pinaka-delikado pag dumami ang stablecoins, pero misleading din ito.

Ipinuntong ni Malekan na mas napepressure o nakakaramdam ng competition ang malalaking “money center” banks, lalo na sa payment processing at corporate services. Ang community banks kasi, kadalasan local at mas matatanda ang clients, kaya hindi sila agad mawawalan ng depositors sa digital dollars.

Sa madaling salita, ‘yung institutions na mukhang natit-threaten ng stablecoins ay ‘yung mga malalaking players na kumikita na at may global operations din.

  • Myth 5: Mas importante raw ang borrowers kaysa sa savers

At lastly, mali raw talaga ang mindset na mas dapat protektahan ang mga nangungutang kaysa sa mga nag-iipon.

Ang pagre-reward sa stablecoin holders ay nagpapalakas sa savings, at dahil dito mas stable ang buong economy.

“Kapag hindi pinayagan ang stablecoin issuers na mag-share ng kinikita nila, para mong ginagawang policy na saktan ang American savers para makinabang ang borrowers,” sabi ni Malekan.

Ang pag-encourage mag-ipon gamit ang mga bagong innovation, makakatulong sa parehong panig ng pagpapautang at pagpapahiram, kaya mas matibay ‘yung consumer at mas dynamic ang ekonomiya.

Ito Talaga ang Sagabal sa Reporma

Ayon kay Malekan, ‘yung mainit na diskusyon ngayon tungkol sa stablecoin yields ay kadalasan driven ng takot at ginagamit lang na delay tactic.

Na-clarify na sa Genius Act kung legal ba ang pagbibigay ng rewards sa stablecoin, pero parang naka-stock pa rin ang Washington sa luma nilang concerns na pinupush ng mga lobby group.

Kinumpara ni Malekan ang sitwasyon sa parang gusto ng Congress na ipagbawal ang Tesla imbes na hayaan muna ang automotive industry na gumawa ng innovation:

“Walang pinagkaiba ang digital currencies. Karamihan ng mga concern na binabanggit ng mga bangko, hindi pa talaga napapatunayan o kulang pa sa ebidensya,” pagtatapos ng propesor mula sa Columbia Business School.

Dahil may mga bipartisan na panukalang batas ngayon—kasama na ang Senate draft na umabot sa 278 pages—malapit na itong pag-usapan, kaya ngayon na talaga ang panahon para desisyunan base sa tunay na ebidensya.

Ang mga maling paniniwala tungkol sa stablecoin ang nakakapagpalabo ng mga regulasyon, posibleng nagpapabagal ng proseso, at baka lalo pang makahadlang sa abilidad ng US na makipagsabayan pagdating sa global digital dollar economy.

Hinimok ni Malekan ang mga policymaker na mag-focus sa facts kesa matakot, at pinunto na kung maayos ang pag-adopt ng stablecoin, pwedeng mapadali ang pag-iipon, tumaas ang bank deposits, bumaba yung utang o interest rates, at mas mapalago pa ang innovation pagdating sa payments at DeFi.

Sa madaling salita, hindi talaga banta ang stablecoin gaya ng iniisip ng iba. Yung maling paniniwala ang totoong problema. Kung maalis ang mga kumakalat na myths, pwede nitong buksan ang bagong yugto sa crypto regulation sa US—baka dito na mahanap yung tamang balanse ng consumer benefits, market efficiency, at financial stability.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.