Isang panukala sa European Union na naipasa noong 2016 ang naglalarawan sa mga cryptocurrency bilang "isang digital na representasyon ng halaga na hindi inilalabas ng isang sentral na bangko o pampublikong awtoridad, at hindi rin kinakailangang nakatali sa isang fiat currency, ngunit tinatanggap ng mga natural o legal na tao bilang isang paraan ng pagbabayad at maaaring ilipat, itago o ipagpalit nang elektroniko." Nagbabala si Mario Draghi, ang presidente ng European Central Bank, na ang mga cryptocurrency ay "napaka-risky na mga asset" dahil sa mga spekulatibong presyo at mataas na volatility.