Nakabili ang Tether ng 8,888.8888888 Bitcoin sa fourth quarter ng 2025 ayon kay CEO Paolo Ardoino.
Ayon sa on-chain data, nasa 9,850 BTC ang binili ng stablecoin issuer ngayong quarter, na may kabuuang halaga na nasa $876 milyon base sa kasalukuyang presyo.
Pinalakas ng Tether ang Strategy Nila sa Treasury
Kabilang sa pagbili na ito ang pag-withdraw ng 961 BTC (halos $97.18 milyon) mula sa Bitfinex noong November 7, 2025. Meron din itong transfer ng 8,888.8 BTC na malapit sa $778 milyon papunta sa Bitcoin reserve address ng Tether sa unang araw ng 2026.
Dahil dito, meron nang hawak ang reserve address ng Tether na 96,185 BTC, na tinatayang nasa $8.42 bilyon ang halaga. Pang-lima ito sa pinakamalaking Bitcoin wallet na kilala sa mundo. Nakikita dito na talagang lumalaki na ang treasurty ng Tether pagdating sa Bitcoin.
Ngayon, mas pinapakita na ng company na para sa kanila, pang-long term reserve asset ang Bitcoin at hindi lang pansamantalang trade, dahil ginagamit nila ang extra nilang kita para mas palakihin ang exposure dito.
Kasabay nito, nangyayari ang mga pagbili na ‘to sa gitna ng mas mataas na galaw ng USDT nitong nakaraang buwan.
Maraming bagong USDT ang na-mint ng Tether, kabilang na ang $1 bilyon na issuance sa TRON network, na nagpapakita ng expectation nila ng tuloy-tuloy na demand para sa liquidity sa mga exchanges at payment channels.
Kasabay nito, nagpapakita ang data ng lumalaking papel ng USDT sa labas ng trading. Sabi ng mga analyst, mas dumadami ang gamit ng USDT sa remittances at maliliit na transfer, kaya mas tumatatag pa lalo ang posisyon nito bilang digital na “dollar rail” sa halip na pang-market making lang.
Sabay din dito, mas lumalawak ang Tether lampas sa basic issuance ng USDT.
Bagong investments sa payment infrastructure — kasama mga kumpanya na nagtatrabaho gamit ang Bitcoin Lightning Network — nagpapakita na gusto talagang gawing mas integrated ang USDT at Bitcoin sa real-world payment systems.
Kung titignan, parehong ang Bitcoin accumulation ngayong Q4 at ang mga recent na developments ng USDT ay indicators na mas pinalalaki pa ng company ang scale nito.
Pinapatibay ng Tether ang balance sheet nila gamit ang Bitcoin, habang pinapalawak din nila ang gamit at reach ng stablecoin nila sa buong global crypto market.