Nag-submit ang Tether ng panukalang all-cash na deal para bilhin ang buong 65.4% share ng Exor sa Juventus Football Club—ang pinaka-successful na football club sa Italy at 36-time Serie A champion.
Kung papayagan ng mga regulator at tatanggapin ng Exor, sinabi ng Tether na magla-launch ito ng public tender offer para sa natitirang shares ng Juventus sa parehong presyo, at gamit ang pera mismo ng Tether. Nangako rin sila na puwedeng mag-invest hanggang €1 billion para suportahan at i-develop ang club matapos makompleto ang deal.
Ano ang Pwede Mangyari sa Tether Dahil sa Deal Nila With Juventus
Ang proposal na ito, na in-announce noong December 12, isa sa pinakamalalaking hakbang ng isang crypto company papasok sa world-class na sports. Mukhang nagshi-shift na rin ng strategy ang Tether mula pagiging stablecoin issuer lang, patungo sa pagiging matagalang investor sa mga tradisyonal na institusyon.
Sa announcement, sinabi ng Tether CEO na si Paolo Ardoino sa isang tweet na ang Juventus ay simbolo ng disiplina, matibay na loob, at consistency—mga values na tingin niya eh pareho sa kung paano nabuo ang Tether.
Pagdating sa business, mabibigyan ng Tether ng access ang Juventus sa isang global na sports brand at mapapalawak pa nila ang galawan sa labas ng finance, papuntang media, entertainment, at mga global na fan community.
Ibang-iba ito kumpara sa mga short-term sponsorships o fan token partnerships, kasi mismong ownership na ang pinag-uusapan—so puro long-term na plano’t strategy ang pwede mangyari para sa Tether.
Pina-lalakas din ng move na ‘to yung claim ng Tether na napaka-solid ng balance sheet nila at kaya nilang mag-deploy ng bilyon-bilyong pondo na di na kailangan ng utang galing sa labas. Check mo dito ang details.
Kasama sa Mas Malawak na Expansion Strategy
Sunod lang ang proposal sa Juventus sa mga malalaking galaw na ginawa ng Tether at USDT nitong mga nakaraang linggo.
Kamakailan lang, nakakuha ang Tether ng regulatory recognition para sa USDT bilang Accepted Fiat-Referenced Token sa Abu Dhabi’s ADGM, kaya mas lumawak pa ang paggamit ng stablecoin sa iba’t ibang blockchain.
Kasabay niyan, tinetest din ng kumpanya ang pag-tokenize mismo ng equity nila bilang parte ng openness sa mga bagong corporate structure na naka-base sa blockchain.
Hindi lang sa finance, pumapasok na rin ang Tether sa AI, robotics, at mga privacy-focused na consumer tech—kasama dito ang pag-invest nila sa robotics at pag-launch ng privacy-based na health at AI products. Check mo dito para makita pa ang moves nila.
Sa lahat ng ito, malinaw na gusto ng Tether na mag-diversify at hindi na lang umiikot sa stablecoin issuance habang…
Juventus at Crypto: Matagal Nang May Connect
Hindi bago sa crypto world ang Juventus.
Dati nag-launch na ang club ng $JUV fan token sa Chiliz at Socios platform. Dito, pwede sumali ang fans sa mga poll at iba’t ibang engagement activities. Nagkaroon na rin sila ng partnerships with crypto companies bilang sponsors, gaya ng mga exchange branding deal nitong mga nagdaang season.
Pero, malayo na ito sa mga past crypto partnerships. Kapag natuloy ang proposal ng Tether, full operational control na talaga ng isang digital asset firm ang Juventus—at never pa nangyari ito sa ganitong kalaking football club.
Sa ngayon, nakasalalay pa rin ang deal sa pagsang-ayon ng Exor, mga pinal na legal agreement, at approval ng mga regulator. Kapag okay na lahat ‘to, planong i-push ng Tether ang public tender offer para sa natitira pang shares.