Back

USDT Payment Data ng Tether Nagpapakita ng Totoong Lagay ng Crypto Adoption sa 2025

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Mohammad Shahid

18 Disyembre 2025 03:00 UTC
Trusted
  • USDT Nakapag-Settle ng $156B sa Maliit na Transaksyon sa 2025—Remit, Payroll, Daily Bayad, Hindi Trading, ang Drive
  • Dumarami ang maliliit na transaksyon, pinapakita ng stablecoins na parang global dollar payment rails lalo na sa mga lugar na kulang sa bangko.
  • Mas lumakas lalo ang USDT bilang “financial plumbing” dahil sa malinaw na regulasyon sa US at expansion ng Tether, kahit humihigpit pa ang mga patakaran sa Europe.

Umabot sa $156 billion ang naprosesong maliit na USDT payments (yung $1,000 pababa) ng Tether para sa taong 2025, ayon sa data na shinare ngayong araw ni CEO Paolo Ardoino na base sa Chainalysis at Artemis.

Highlight ito ng crypto adoption na kadalasan hindi napapansin sa mga price chart at ETF flows — yung pang-araw-araw na gamit sa totoong transaksyon.

USDT, Ginagamit na Pantapat sa Bangko at Cash

Lumalakas na ngayon ang share ng maliliit na transfer sa buong activity ng USDT. Ipinakita sa data na tuloy-tuloy ang paglago nito simula pa noong 2020, mas bumilis pa sa 2024 hanggang 2025, kung saan yung daily volume ng mga below $1,000 na nagpapadala ay pumalo ng mahigit $500 million kada araw.

Ipinapakita nito na mas nagagamit ang USDT ngayon bilang digital na pambayad kesa trading lang.

USDT Payments Data na Shinare ng CEO ng Tether. Source: X/Paolo Ardoino

Ang mahalaga, sino ba talaga ang gumagamit ng stablecoins at paano? Kadalsan, transfers na mas mababa sa $1,000 nagrerepresenta ng remittance, sahod (payroll), retail na pambayad, paglipat ng ipon/savings, at peer-to-peer transfers — lalo na sa mga bansang developing pa.

Iba ang mga ganitong transaksyon kumpara sa malalaking galawan sa exchanges kasi ito kadalasan ay hindi speculative, at madalas pa nga ulit-ulit na ginagawa.

Sa totoo lang, mas posteng ginagamit ang USDT na pamalit sa cash at wire transfer sa mga lugar na mahirap o mahal kumuha ng US dollars.

Konektado rin ito sa overall direction ng USDT ngayong 2025. Umangat na naman ang supply sa market, nagpapakita na malaki ang demand para sa US dollar liquidity lampas lang sa simpleng crypto trading.

Sa kabilang banda, binago rin ng mga regulasyon kung saan at paano iniikot ang USDT.

Sa US, nilinaw ng GENIUS Act ang legal na patakaran para sa payment stablecoins, kaya mas naging kampante ang mga institutions na gamitin ang mga token na backed ng dollar.

Sa Europe naman, nagpatupad ang MiCA ng mas mahigpit na licensing, kaya nabawasan ang regulated platform activity na gumagamit ng USDT, pero hindi naman naapektuhan masyado ang global on-chain usage.

Stablecoins Market Cap ngayong 2025. Source: DeFilLama

Pinalawak din ng Tether ang infrastructure nito. Bago-bago lang, nag-invest sila sa Lightning-based payment rails — ibig sabihin, gusto nilang pabilisin pa at pababain ang fee ng mga USDT transfers gamit ang mas mabilis na network.

May mga partnership din sa Africa at Middle East na nagpapakita na sobrang focus na ni Tether ngayon ang payments at access sa finance, hindi lang liquidity para sa trading.

Kumbaga, yung $156 billion na number na ‘yan nagpapalawak ng usapan tungkol sa crypto adoption. Kahit headline lagi ang galaw ng prices sa market, steady pa din ang scaling ng stablecoins bilang “plumbing” o backbone ng digital finance.

Yung paglago ng maliliit na USDT payments ngayong 2025, nagpapakita na ang crypto hindi na lang tungkol sa hype ng trading, kundi sa utility, tibay, at madaling pag-access sa dollars — at posibleng mas tumagal pa ito kesa bull market hype.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.