Inanunsyo ng BitMine Immersion Technologies na umabot na sa $13.2 bilyon ang crypto at cash holdings nila, dulot ng mabilis na pagdami ng kanilang Ethereum accumulation.
Sinabi ng kumpanya na pagmamay-ari na nila ngayon ang 3.5 milyong ETH, na may halagang nasa $12.7 bilyon, kasama ang 192 BTC, $61 milyong stake sa Eightco Holdings, at $398 milyon na cash.
Kinumpirma ni Tom Lee ang Bagong Estratehiya para sa Expansion
Sa level na ito, kontrolado ng BitMine ang halos 2.9% ng kabuuang supply ng Ethereum. Dahil dito, ang kumpanya ni Tom Lee ay may pinakamalaking ETH treasury sa mundo at pangalawa sa kabuuan pagkatapos ng Bitcoin holdings ng MicroStrategy.
“Nakabili kami ng 110,288 ETH tokens noong nakaraang linggo, 34% na mas madami kaysa sa linggong nauna,” sabi ni Lee. “Itinulak nito ang aming holdings sa 3.5 milyong ETH—kalahati ng aming layunin na makuha ang 5% ng supply.”
Inilarawan ni Tom Lee ang Ethereum bilang pundasyon para sa susunod na malaking cycle ng finance, binigyang-diin ang interes ng mga institusyon sa tokenization ng mga asset sa blockchain.
Noong nakaraang linggo, ang BitMine at ang Ethereum Foundation ay nag-host ng event sa New York Stock Exchange, dinaluhan ng malalaking institusyon sa finance.
Kinumpara ni Lee ang mga regulatory shifts sa 2025, katulad ng GENIUS Act at SEC Project Crypto, sa desisyon ng US noong 1971 na tapusin ang gold standard.
Itinuturing niya ito bilang mahalagang modernization moment para sa financial markets.
Paghinto sa Bitcoin Mining, Lipat sa Ethereum Treasury
Ang BitMine ay dating Bitcoin mining at hosting firm na gumagamit ng immersion-cooled facilities sa Texas at Trinidad. Patuloy pa rin silang nagmimina ng Bitcoin at nagho-host ng third-party miners sa ilalim ng kanilang “Mining-as-a-Service” program.
Gayunpaman, unti-unti nilang nililipat ang kanilang focus upang maging crypto investment at treasury management firm. Ngayon, ang kanilang negosyo ay kumbinasyon ng mining infrastructure at strategic accumulation ng ETH at BTC para sa long-term na value.
Nakikita ng mga analyst ang diskarte ng BitMine na parang sa modelo ng Bitcoin treasury ng MicroStrategy, pero nakasentro sa mas malawak na gamit ng Ethereum sa DeFi, stablecoins, at tokenized assets.
Stock Nasa Matinding Volatility pero Malakas Ang Liquidity
Naging isa sa pinaka-aktibong tinitrade na US equities noong 2025 ang stock ng BitMine. Kamakailan lang ay naitrade ito sa halos $42, bumagsak mula sa all-time high nito noong October na mahigit $56, pero higit pa rin sa 300% ang iniangat mula noong July.
Ayon sa Fundstrat, ang BMNR ay may average na $1.6 bilyon sa daily trading volume noong nakaraang linggo, rank ito na ika-48 sa lahat ng US-listed stocks. Nasa likod ng Lam Research at nasa unahan ng Arista Networks.
Nagsimula ang rally ng stock pagkatapos ibulgar ni Peter Thiel ang 9.1% stake niya noong July, na senyales ng lumalaking tiwala ng mga institusyon.
Gayunpaman, nananatiling nakatali ang valuation nito sa performance ng presyo ng Ethereum at pangkalahatang market sentiment.