Nakatutok ngayon ang pansin ng market sa Bitcoin, gold, at silver ngayong linggo, lalo na dahil sa inaabangang US CPI ngayong Thursday at possible na rate hike ng Bank of Japan (BoJ).
Dahil sa dami ng mga macro event na papasok, sinasabi ng mga analyst na pwede tayong makakita ng matinding volatility sa presyo ng BTC, XAU, at XAG ngayong linggo.
Ano ang Predict sa Bitcoin, Gold, at Silver Prices Bago Lumabas ang Matitinding Macro News?
May malalaking event na hahataw sa market: US CPI ngayong Thursday at malamang na rate hike ng BOJ sa Friday. Dahil dito, mukhang magi-ging volatile ang presyo ng Bitcoin pati na rin ng mga tinatawag na safe haven na commodities tulad ng gold at silver. Ganito ang outlook ng BTC, XAU, at XAG ngayong linggo:
Humihina ang Relief Rally Habang Bearish Pa Rin ang Price Structure ng Bitcoin
Makikita sa daily chart ng Bitcoin na merong recovery na nagaganap, pero hindi pa talaga siya confirmed na bullish reversal. Lumabas na kasi ang presyo sa dating pataas na channel, na nagsa-suggest na baka humina ang relief rally, lalo na pagkatapos ng matinding bagsak mula sa $126,000 na peak.
Kahit nakabawi ng konti sa short term ang structure, mababa pa rin ang Bitcoin sa mga importanteng moving average, kasama na dito ang 50-day at 100-day EMA na nasa $95,601 at $101,022. Matagal nang sinusundan ng mga level na ‘to ang galaw ng presyo ng BTC sa taas kaya parang dynamic resistance ang dating nila.
Nagbabalik na ulit ang RSI mula sa oversold area at ngayon ay gumagalao na malapit sa mid-40s. Mukhang may pending buy signal na lumalabas na pwedeng mag-improve ang short-term momentum. Valid itong buy signal kapag tumawid pataas ang RSI (purple band) sa ibabaw ng signal line (yellow band).
Sa kabilang banda, nananatiling mas mataas pa rin ang MACD line kesa sa signal line, na nagpapakitang hawak pa rin ng bulls ang momentum technically. Pero, ramdam pa din ang presensya ng mga seller kasi negative pa rin ang reading ng indicator na ito.
Bagamat lumiit at nag-fade na ang green sa histogram bars, ibig sabihin lang nito na humihina yung buying pressure at hindi ibig sabihin na sumuko na totally ang bulls. Nakatira pa rin kasi sa positive territory ang mga histogram.
Kapag tiningnan ang bullish Volume Profile (green horizontal bars), makikita na malakas ang dami ng buyers sa taas — parang nag-aabang ang mga nahuling dip buyers na sumalo paglagpas ng BTC sa $90,000 psychological level.
Para magpatuloy ang bullish run ng Bitcoin, kailangan nitong mabreak pataas ang dating support ng ascending channel at bawiin ang $100,000 level. Para naman sa mga trader na gustong sumabay sa possible na pag-angat, mainam maghintay ng candlestick close sa ibabaw ng 61.8% Fibonacci retracement level na nasa $98,018.
Sa ngayon, mukhang range-bound trading muna ang market — meaning, pababa-taas lang sa loob ng range — at mataas ang risk na ma-reject tuwing susubukan nitong butasin ang resistance level. Overall, tuloy pa din ang cautious na sentiment pero may mga unang senyales na baka nagsisimula nang maging steady ang market.
Gold Price Malapit na sa Itaas ng Channel, Sell Signals Lumalabas na
Tulad ng Bitcoin, malinaw ang takbo ng Gold sa 4-hour chart dahil nag-foform ito ng magandang pataas na channel, at nakapokus na ngayon sa all-time high na $4,381 for XAU.
Kung titignan ang structure, tuloy pa rin ang bullish trend ng gold dahil sunod-sunod ang new highs at higher lows nito, at lagi namang nirerespeto ang suporta ng channel — lalo na nung November at December.
Pero, mukhang nag-iiba na ang momentum. Umiikot na pababa ang RSI mula sa mataas na level at nasa mid-to-high 60s, at may obvious na pending sell signal. Baka humina na ang upside momentum. Magkakaroon ng sell signal kapag bumaba ang RSI sa ilalim ng signal line.
Hindi ibig sabihin nito na magliliko agad ang trend, pero mas mataas lang ang posibleng magpullback siya pabalik sa support ng channel. Magandang entry ito para sa mga late XAU bulls na gusto ng mas murang buy-in sa gold.
Pinapatibay pa ito ng mga key Fibonacci retracement level. Pwede pang mag-correct ang presyo papunta sa $4,265 (23.6% Fibonacci retracement level) o $4,193 (38.2% Fib), at masasabi pa rin na tuloy ang bullish trend kahit umabot diyan.
Mas nakakaalarma kung umabot ang retracement hanggang $4,134 at sabayan ng breakdown sa channel — doon lang mababasura yung bullish view, lalo na kung mag-close pababa ng 61.8% Fibonacci retracement level.
Kung hindi magde-decide pababa yung gold price at hindi talaga mag-close below $4,076 sa 4-hour timeframe, pabor pa rin ang setup sa short term consolidation or possible correction na pababa.
Positive pa rin overall ang medium-term view, pero dapat maging maingat yung mga momentum trader na hahabol pa sa tuktok sa ganitong level.
Palipad ang Silver Price Pero Baka OA na ang Breakout
Kita sa daily chart ng Silver ang matindeng bullish breakout, kung saan lumipad ang XAG price papunta sa $64-$65 resistance area. Malakas at buo pa rin ang bullish structure, pinapatunayan ng pataas na Bollinger Band midline at tuluy-tuloy na closes sa ibabaw ng importanteng moving averages.
Patuloy na nagpapakita ang silver ng series ng mas matataas na highs at lows mula pa kalagitnaan ng taon, na nagsu-support sa matinding uptrend.
Pero, base sa mga momentum indicator, mukhang puyat na at baka mauwi sa konting pahinga. Mataas na kasi ang RSI — halos 74 na — na usually senyales na overbought at pwedeng humantong sa short-term pullback o consolidation, pero hindi ibig sabihin na babaliktad na agad ang trend.
Pero kahit ganun, nananatiling positive at lumalaki pa ang Awesome Oscillator (AO), kaya mukhang solid pa rin ang bullish momentum sa ilalim ng surface.
Ang mga dapat bantayan na support level ay nasa $56.90, ayon sa 23.6% Fibonacci retracement. Kung mag-pullback man sa area na ‘to, magandang sign pa rin kasi mag-re-reset lang ang momentum habang solid pa rin ang overall uptrend.
Pero kapag nabasag ang $52.10 (38.2% Fibonacci retracement), pwede nitong maapektuhan ang bullish momentum. Magiging invalid na lang ang bullish outlook kung babagsak talaga ang price below $44.56 na siyang 61.8% Fibonacci retracement level.
Kung mag-close sa daily chart ang silver above $65, posibleng mas lalong lumipad presyo nito at maabot pa ang mga psychological resistance level na lagpas pa sa mga nakikitang projection ngayon.
Sa kabuuan, matindi pa rin ang bullish trend ng silver pero expected na volatile ang galaw at posibleng mag-correct muna bago tuluyang tumaas ulit. Importante ang risk management sa ganitong level ng presyo, lalo na kung ngayon ka lang papasok.