Nakakakaba ang galaw ng presyo ng Bitcoin, gold, at silver para sa mga trader at investor ngayon. Habang lumilipad ang presyo ng gold at silver na kilala bilang mga safe haven, nananatiling mahina ang galaw ng Bitcoin.
Patuloy na naiipit sa downtrend ang presyo ng BTC, samantalang umaakyat naman ang presyo ng XAU at XAG. Kakambal ito ng tinatawag na “flight-to-safety”, kung saan nagso-shift ang mga investor sa less risky na mga asset imbes na pumasok sa riskier na crypto.
Crypto at Stocks Hindi Sumasabay Habang Umaarangkada ang Metals
Tuluy-tuloy ang pag-akyat ng presyo ng gold at silver. Kita dito na ginagawang protection ng mga investor ang metals habang may uncertainty sa finance. Hindi sumasabay ang crypto at equities, ibig sabihin buying pressure ito na dala ng stress sa market, at hindi dahil malakas ang takbo ng economy.
“Tugma ang mga paggalaw na ‘to sa tumataas na debt pressure at humihigpit na financial conditions, kaya lumilipat ang kapital papunta sa hard assets. Kapag ganyan gumalaw ang metals, sign ito na nire-reprice ang risk sa buong sistema, at hindi dahil sa habol ng mabilis na profit,” sabi ni analyst Kyle Doops.
Bitcoin Nagco-consolidate Habang Nagra-rally ang Metals
Nagte-trade ang Bitcoin sa presyong $86,666, up ng bahagyang 0.56% sa nakalipas na 24 oras. Pero hanggang ngayon, naiipit pa rin ang OG crypto sa pababang parallel channel na nagsimula pa noong Oktubre.
Hindi nabasag ng Bitcoin ang $90,000 level na siya ring 78.6% Fibonacci retracement, at patuloy pa rin nitong nilalabanan ang resistance sa ilang moving averages.
Nagsimula na rin ang death cross, kung saan bumaba ang 50-day moving average kaysa sa 200-day moving average, kaya ramdam pa rin ang medium-term bearish pressure.
Lalo pang pinapatibay ng momentum indicators ang scenario na to. Nasa 39 ang Relative Strength Index (RSI) — malapit sa oversold zone — pero ‘di pa naman sobrang babagsak. Samantala, negative pa rin ang MACD at konti lang ang convergence.
Hindi tulad ng silver at gold, hindi sumasama ang Bitcoin sa defensive rally, kaya halata na mas gusto ng market ang hard assets ngayong risk-off ang market conditions.
Ipinapakita ng gap ng Bitcoin at precious metals na lumilipat ang mga investor papunta sa safe-haven assets kumpara sa high-risk na mga investment.
Kung tumindi pa ang selling pressure sa ibaba ng kasalukuyang level, posible pang bumaba ang presyo ng Bitcoin at ma-test ang $80,600, na siya ring midline ng pababang parallel channel.
Pero kung may papasok na buyers, puwedeng maka-recover si Bitcoin at maibalik uli sa gilid ng ascending parallel channel.
Kung mag-close ang daily candle sa taas ng 78.6% Fibonacci retracement level sa $90,358, magdadagdag ito ng kumpiyansa sa recovery.
Pero para ma-confirm talaga ang possible na uptrend, kailangan ma-convert ni Bitcoin ang 50-day SMA (Simple Moving Average) sa $95,450 bilang support.
Sa matinding bullish scenario, puwedeng magtuluy-tuloy ang rally ng Bitcoin para maibalik yung 61.8% Fibonacci retracement level na maging support muli sa $98,018. Kung mangyayari ito, halos 14% ang itataas mula sa kasalukuyang presyo.
Gold Stable Pa Ibabaw ng Record Levels Kahit May Stress Rally
Patuloy ang lakas ng Gold at nagte-trade ito currently sa $4,330. Konting baba lang ito sa recent highs na $4,389.
Solid ang konsistensi ng gold — nasa ibabaw ito ng 50-day moving average (DMA) sa loob ng 88% ng nakaraang taon, huling nangyari noong 1980 nung sobrang dami ng investors ang nilalayo sa risk.
Kita sa technical indicators ang moderate bullish sentiment. Nasa 63 ang RSI ng XAU/USD kaya pwede na itong maging overbought soon, pero dahil hindi pa ito 70, may space pa rin pataas bago magka-correction.
Stable ang MACD, kahit medyo flat na ang momentum. Pero dahil nasa ibabaw pa rin ng signal line (orange band), hawak pa rin ng bulls ang control.
Matibay ang trendline support ng gold at yung mga Fibonacci retracements sa $4,160–$4,000. Pwedeng maging back-up ito kapag nagkaroon ng correction at magandang entry point pa rin para sa mga nahuli sa rally.
Pero ramdam din sa market na nag-iingat ang mga trader ngayon. Kahit bullish pa rin ang galaw ng gold, paunti-unti lang ang gain nito kumpara sa matinding pagtaas ng silver nitong mga nakaraang araw.
Hindi hype ang nagpapalakas sa rally ng gold kundi defensive rotation, kaya safe haven talaga ito lalo na ngayon na may macroeconomic uncertainty.
Silver Umabot sa All-Time High sa Gitna ng Matinding Market Stress
Bumwelta pataas ang silver futures at umabot sa $66, umabot sa all-time high at nagpapakita ng matinding bullish pressure. Grabe ang paglipad ng presyo nitong mga nakaraang buwan, dahil nabasag nito nang tuluyan ang dating resistance na nasa $54.
Kita sa technical indicators na sobrang taas na nito, dahil ang RSI ay nasa 77, na nagse-signal ng extreme na overbought conditions. Tuloy-tuloy pa rin ang MACD pataas pero mukhang nagsisimula nang ma-plateau.
Ang daily moving average (DMA) ay nasa ilalim pa ng kasalukuyang presyo, kaya kumpirmado talaga na sobrang lakas ng uptrend. Pero dahil sa sobrang bilis ng pag-akyat, pwede ring speculation lang muna ito at hindi pa isang stable na rally.
Kung titingnan ang history, madalas tumataas nang ganito ang silver kapag may financial stress o matinding demand para sa safe-haven assets—hindi dahil sa totoong paglago ng ekonomiya.
“Grabe ang silver ngayon…dahil sa utang ng gobyerno, takot sa inflation, at mataas na demand mula sa mga AI data center. Habang nangyayari ‘yan, lumiliit ang stockpile at halos ‘di gumagalaw ang mining,” sabi ng economist na si Peter St Onge.
Mga support level na pwedeng bantayan ay ang $60.00 psychological level, $53.99, at $48.89—mga dating consolidation zone ng presyo.
Mag-ingat pa rin ang mga trader, dahil kombinasyon ng sobrang bilis ng pagtaas at napakataas na RSI ay naglalagay ng risk na baka biglang mag-pullback sa short term, kahit bullish pa rin ang momentum ngayon.
Kitang-kita na kaya lumilipad ang silver ngayon, samantalang steady lang o nababagalan ang equities at crypto market, ay dahil maraming pumupunta sa silver para i-hedge ang pera nila sa gitna ng uncertainty sa macro environment.
Kumbaga, yung kwento ngayon ay umaakyat ang mga metals gaya ng silver habang hirap ang crypto at stocks, na nagpapakita na stress-driven ang galaw ng kapital at hindi dahil natural na expansion ng market.