Back

Bumagsak ang Crypto Empire ni Trump — Mga Followers Niyang Nagdurusa Ngayon

author avatar

Written by
Camila Naón

25 Nobyembre 2025 16:59 UTC
Trusted
  • Bagsak ang Crypto Ventures ng Trump Family, Sunog ang Paper Wealth.
  • Bagsak ang Trump Meme Coin, WLFI, at American Bitcoin Corp, Sunog ang Mga Supporter
  • Matinding Crypto Crash: Sunog ang Mahigit $1 Trillion, Duguan ang Retail Investors

Simula nang umupo bilang Presidente ng US, pumasok si Donald Trump at ang kanyang pamilya sa mga crypto-focused na negosyo, kung saan pansamantalang tumaas ang kanilang yaman dahil sa mga deal na ito. Pero ngayo’y humina na ang momentum na iyon. 

Ngayon, sunog na ang mga gain ng pamilya Trump —pati na rin ang sa kanilang mga pinaka-loyal na tagasuporta— habang lumalala ang market volatility.

Nasa Alanganin ang Crypto Empire ng Pamilya

Naging kilala na ang mga crypto ventures ni Trump sa loob ng industriya. 

Nagsimula ito sa pag-launch ng isang meme coin na may katulad na pangalan, na sinundan agad ng halost kaparehong token mula kay First Lady Melania Trump. Sumunod ang World Liberty Financial. Pumasok din si Eric Trump sa Bitcoin mining company na Hut 8.

Sa puntong ito, parang wala nang bahagi ng crypto industry na hindi na-explore ng presidential family.

Noong kasagsagan, kapansin-pansin ang mga kita mula sa mga venture na ito. Iba-iba ang mga estimate, pero ayon sa isang pagsisiyasat noong Agosto ng watchdog group na Accountable.US, humigit-kumulang 73% ng yaman ni Trump ay naka-tie up sa mga crypto-related na deal.

Nagkaroon ito ng malaking pagtaas mula Abril, kung kailan tinantiya ng NGO na State Democracy Defenders Fund na 37% ng kanyang kayamanan ay galing sa crypto.

Ngunit nagbago na ang sitwasyon na ito ngayon. Sa pagbagsak ng market at pag-red light ng indicators, naapektuhan ang crypto gains ng pamilya Trump.

Bagsak ang Family Tokens at Stocks

Halos lahat ng ventures na pinasok ng pamilya Trump ay naapektuhan ng pagbaba ng crypto portfolio nila. 

Nitong November 10, ang kanilang Trump-branded memecoin ay nasa kanyang pinakabagong peak sa $9.49 pero bumagsak ito sa $6.20 — halos 35% na pagbaba sa ilang araw lang. Hindi klaro ang eksaktong parte nila, pero tinatayang nagkaroon ng $117 million na nawala sa kanilang holdings dahil sa pagbulusok.

Nalugi rin ang Trump Media, ang parent company ng social media platform ni Trump na Truth Social, lalo na matapos itong mag-invest ng $2 million sa Bitcoin noong Hulyo. 

Bloombers nag-eestimate na ang halaga ng stake ng presidente sa kompanya ay bumagsak ng humigit-kumulang $800 million mula Setyembre. Si Trump pa rin ang pinakamalaking shareholder, kung saan ang kanyang holdings ay nakalagay sa isang trust na pinamamahalaan ng kanyang pinakamatandang anak na si Donald Trump Jr.

Samantala, ang WLFI ay bumagsak ang token price mula $0.26 noong simula ng Setyembre patungong humigit-kumulang $0.15. Halos kalahati ang binawas sa halaga ng locked token ni Trump, mula halos $6 billion hanggang mga nasa $3.15 billion na lang.

Chart ng WLFI price sa nakaraang 90 araw. Source: CoinGecko.

Pati na rin ang kanilang mining venture na American Bitcoin Corp. ay hindi nakaligtas sa pagbagsak. Itinatag ang kumpanya pagkatapos ng inauguration ni Trump sa partnership kasama ang Hut 8 Corp., na kumuha ng majority stake.

Nagtapos si Eric Trump na may humigit-kumulang 7.5% ng firm, habang si Donald Trump Jr. naman ay nakakuha ng mas maliit, hindi tinukoy na bahagi. 

Sa umpisa, lumipad ang venture na ito, at ang stake ni Eric ay umabot ng humigit-kumulang $630 million, pero nang bumaliktad ang market, bumagsak ng higit kalahati ang shares, na nagbura ng humigit-kumulang $300 million mula sa kanyang holdings.

Mas Lalalim ang Crypto Losses Dahil sa Market Meltdown

Ang pagbagsak ng crypto fortune ng pamilya Trump ay bahagi lang ng mas malawak na pagbagsak ng market na nagbura ng higit sa $1 trillion sa halaga ng digital assets. 

Ang sektor ay dumaranas ng isa sa pinakamalalang downturn nitong mga buwan. Bumabagsak ang mga major tokens, unti-unting nababawasan ang leveraged positions, at ang liquidation waves ay nararamdaman sa derivatives market.

Ang pag-selloff ng Bitcoin ay nakahatak pababa ng altcoins at mga crypto-linked equities, na nagpapakita kung gaano kabilis mag-reverse ang momentum sa isang industring kilala sa pagkahilig sa volatility. 

Maraming retail investors ang apektado kasi marami ang nag-invest sa tokens, mining stocks, o malalaking branded na proyekto sa kanilang highs, pero bagsak agad ang mga presyo sa loob ng ilang linggo.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.