Inanunsyo ni President Donald Trump nitong Martes na magta-transfer ang “interim authorities” ng Venezuela ng nasa 30 hanggang 50 million barrels ng oil papunta sa United States, ilang araw matapos mahuli ng US forces si Nicolás Maduro sa isang military raid.
Mabilis kumalat ang spekulasyon kung anu-ano pang assets ng Venezuela ang kasunod nito—pati raw diumano’y Bitcoin reserve ng bansa, pinag-uusapan na din.
Oil Seizure, Nagbigay ng Sinyal sa Galawan
Sa post ni Trump sa Truth Social, sinabi niya na ibebenta raw ang oil sa “market price,” at siya mismo bilang Presidente daw ang mangangasiwa ng perang kikitain. Kung $56 per barrel ang basehan, puwedeng umabot sa $2.8 billion ang halagang ito.
Nag-schedule ang White House ng Oval Office meeting kasama ang mga executive ng Exxon, Chevron, at ConocoPhillips ngayong Biyernes para pag-usapan ang oil sector ng Venezuela. Ibig sabihin, mas interesado ang Washington na makisali sa Venezuela oil industry kaysa isang one-time na transfer lang. Kilala ang Venezuela bilang may pinakamalaking oil reserves sa buong mundo.
Inutusan ni Trump si Energy Secretary Chris Wright na simulan agad ang plano at mag-send ng storage ships para diretsong dalhin sa US ports ang langis.
Lalong Tumitindi ang Bitcoin Speculation
Ngayon na dumadaloy na papuntang Washington ang mga physical assets, napapansin ng marami ang usapan tungkol sa posibleng crypto holdings ng Venezuela. Ayon sa ibang ulat, nag-ipon daw ng “shadow reserve” ng Bitcoin ang Maduro regime para makaiwas sa international sanctions.
Malaki ang agwat ng mga estimate. Ibinunyag ng Project Brazen na umaabot daw sa halos $60 billion ang posibleng hawak ng Venezuela sa Bitcoin ayon sa mga unnamed sources, pero ayon naman sa Bitcointreasuries.net, 240 BTC lang (nasa $22 million ang value).
Wala pang kumpirmadong ebidensya gamit ang on-chain analysis tungkol dito. Wala pang publicly known na Bitcoin wallet ng Venezuela at wala ring official custodian na pinangalanan.
Ayon sa mga eksperto, malamang na nag-expose sa Bitcoin ang Venezuela, lalo na’t block dito sa global financial markets ang bansa. Documented din na nag-eeksperimento sila noon pa sa cryptocurrencies, lalo na noong nagsubok sila ng petro token noong 2018 (na hindi rin nagtagumpay).
Bakit Iba si Bitcoin?
Hindi tulad ng oil na puwedeng idiretso papunta sa US ports, hindi mo puwedeng basta-basta kunin ang Bitcoin physically. Para makuha ang crypto, kailangan mo ng private keys or tulong mula sa mga custodian na under ng US jurisdiction.
Siyempre, hindi gagamit ng American o allied custody services ang Venezuela dahil sa sanctions. Malamang, kalat-kalat sa maraming wallet ang posibleng Bitcoin nila, kaya sobrang hirap matunton.
Pero dahil din sa ganyan, sobrang dali din ilipat ng Bitcoin basta alam mo ang tamang private key. Hindi tulad ng gold o oil, kahit sino na may private key ay pwedeng ilipat ang Bitcoin kahit saan sa mundo in just a few minutes. Kung mapilit ng US authorities sina Maduro o kanyang kasamahan na ibigay ang private keys, puwede silang maka-confiscate ng billions worth na crypto in an instant.
Kaya grabe talaga ang sitwasyon. Either totally hindi mo talaga makukuha yung assets, o sobrang dali namang ma-seize lahat, walang gitna.
Pwedeng Mangyari sa Crypto Dahil sa Strategic Reserve
Lalong lumala ang usapan na ito ngayong naglabas si Trump ng executive order na gumawa ng strategic Bitcoin reserve “nang walang gastos sa taxpayers.” Marami ang nagtanong kung paano makakabuo ng ganyang reserve ang gobyerno kung hindi naman sila bumibili talaga ng Bitcoin.
Kung totoong may malaking hawak ngang Bitcoin ang Venezuela at ma-seize ito, puwede nitong masagot ang tanong na yan. Kaso, kailangan ng US government na i-link mismo sa criminal cases ang kahit anong mahahanap nila para makumpiska officially ang mga yan.
Pero, ayon sa ilang crypto market observers, bullish pa rin ang tingin nila sa long term kahit ano pa ang mangyari. Parang mas pipiliin daw ng US na i-hold ang Bitcoin sakali man makuha nila, imbes na ibenta, para tuloy-tuloy ang pagtatayo ng strategic reserve nila.
Sa ngayon, pa-shipping na ang oil ng Venezuela papunta sa US. Kung totoo ngang may hawak silang Bitcoin, nananatiling nakatago pa rin ito at out of reach, kahit anong effort pa ng US.