Trusted

Ukrainian, Pinilit Mag-Transfer ng $250,000 na Crypto sa Isang Armed Robbery sa Thailand

2 mins
Updated by Mohammad Shahid

In Brief

  • Mga armadong magnanakaw sa Thailand, pinilit ang isang Ukrainian na mag-transfer ng $250K sa USDT sa ilalim ng banta ng karahasan.
  • Itinali ng mga salarin ang biktima sa kama pagkatapos ng transfer at tumakas sa pinangyarihan, binantaan siya na huwag ireport ang krimen.
  • Inaresto ng Thailand Police ang apat na suspects, isa rito regular na bumibili ng USDT sa biktima.

Isang Ukrainian na si Viacheslav Leibov, nabiktima ng bihirang kaso ng crypto theft sa Phuket, Thailand sa pamamagitan ng pisikal na pamimilit.

Pinilit siya ng mga armadong salarin na mag-transfer ng 250,000 USDT, katumbas ng 8.56 million baht, sa ilalim ng banta ng karahasan. Noong November 11, apat na tao ang naaresto kaugnay ng pagnanakaw.

Isang Kakaibang Paraan ng Pag-nakaw ng Crypto

Ayon sa local reports, sinabi ni Leibov sa local police na nagsimula ang kanyang bangungot noong Biyernes ng gabi nang bumisita siya sa kaibigan niya sa hotel room nito. Pagdating doon, isang Armenian na si Arman Grigoryan, 21, ang nag-escort kay Leibov papunta sa room.

Noong una, nagkwentuhan sila sa balcony. Pero, lumala ang sitwasyon nang pumunta si Leibov sa CR. Bigla siyang sinugod ng dalawang nakamaskarang tao, itinali ang kanyang mga kamay at paa gamit ang mga lubid at cable ties.

Ang mga magnanakaw, armado ng martilyo at kutsilyo, hiniling kay Leibov na mag-transfer ng 500,000 USDT. Nakipag-negotiate si Leibov para babaan ang halaga, at nag-transfer ng 250,000 USDT gaya ng hinihingi.

Matapos makumpleto ang transfer, itinali siya ng mga attackers sa kama at binalaan na huwag mag-report ng krimen.

Nang umalis na ang mga salarin, nakawala si Leibov. Agad siyang sumakay sa kanyang motor at ini-report ang insidente sa Kamala police.

Naaresto ng pulisya ang apat na suspects na may kaugnayan sa pagnanakaw noong Lunes. Isa sa mga suspects, regular na bumibili ng crypto, lalo na ang USDT, mula kay Leibov. Alam niya na may malaking halaga ng stablecoins si Leibov, kaya nabuo ang planong ito.

crypto theft
Ang apat na lalaking naaresto dahil sa crypto theft. Source: Khaosod

Binibigyang-diin ng kaso ang lumalaking pag-aalala tungkol sa pisikal na pag-target sa mga indibidwal para sa kanilang digital assets habang nagiging mainstream ang crypto.

Nagiging Mas Diversified ang Crypto Crimes

Habang lumalaki ang pagtanggap sa crypto sa karamihan ng mga rehiyon, tumataas din ang variety at sophistication ng mga krimen. May ilang beses na ngayong taon na gumamit ang mga kriminal ng hindi pangkaraniwang paraan para magnakaw ng cryptocurrency.

Nai-report ng Federal Trade Commission na nagnakaw ang mga scammers ng $65 million sa pamamagitan ng Bitcoin ATM schemes sa unang kalahati ng 2024. Kasama sa mga scams na ito ang mga fraudsters na nagpapanggap bilang mga opisyal ng bangko o gobyerno, na nakukumbinsi ang mga biktima na mag-withdraw ng cash at ideposito ito sa isang Bitcoin ATM.

Kamakailan, nag-issue din ang Binance ng global warning tungkol sa bagong banta na tinatawag na “Clipper malware.” Ayon sa report ng BeInCrypto, binabago ng malware na ito ang wallet addresses habang nagta-transact. So, baka sa wallet ng scammer napupunta ang funds mo nang hindi mo namamalayan.

Noong Agosto, may lumabas na reports tungkol sa mga scammers na nagpo-promote ng bagong malware sa macOS na target ang crypto wallets tulad ng MetaMask. Madalas i-promote ng mga scammers ang malware na ito sa Telegram at sa mga pekeng job offers.

Patuloy din na lumilipat ang atensyon ng mga conventional cyber-criminal gangs sa crypto industry. Kamakailan, may mga report na ang infamous na Lazarus group ng North Korea at ang mga kaakibat nito ay target na ngayon ang mga crypto firms sa pamamagitan ng phishing campaigns.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.

mohammad.png
Mohammad Shahid
Si Mohammad Shahid ay isang beteranong crypto journalist na may specialization sa blockchain security. Tinatalakay niya ang iba't ibang topics mula Web3 hanggang sa retail crypto. Bilang isang experienced na freelance journalist, nakatrabaho na siya sa mga campaign para sa ilang tier-1 exchanges tulad ng Bitget, at mga startups gaya ng RankFi at HAQQ. May malawak siyang technical background, may master’s degree siya sa Cyber Security Analysis mula sa Macquarie University, kung saan major...
READ FULL BIO