Back

Live Na ang Fee Switch ng Uniswap—Pero Nagkakagulo na Agad mga Analyst sa Unang Data

sameAuthor avatar

Written & Edited by
Lockridge Okoth

29 Disyembre 2025 18:23 UTC
  • Ayon sa unang datos ng fee switch, malayo ang kinikita ng protocol sa in-expect ng governance.
  • Nagkakainitan ang mga analyst kung palpak ba ang early metrics o bitin lang talaga ang rollout.
  • Sabi ni Hayden Adams, masyadong maaga ang mga conclusion at base lang sa maling akala.

Live na ang matagal nang hinintay na Uniswap fee switch, pero mukhang wala pa agad linaw kung paano aapektuhan nito ang long-term value ng UNI.

Maaga pa lang, marami nang diskusyon sa crypto space base sa on-chain data—may ilang nagsasabi na masyado raw napaaga ang paghusga ng market, habang yung iba naman iniisip na baka may limitasyon talaga ang sistema ng token burn ng Uniswap.

Laglag Na Ba Agad ang Fee Switch ng Uniswap—O Mali Lang ang Basa ng Market?

Ayon sa unang estimate ng mga on-chain analyst, mukhang nasa $30,000 lang kada araw ang kinikita ng bagong protocol fees ng Uniswap sa hard assets. Mas mababa ito nang sobra sa mga incentive na nirekomenda sa mga bagong governance plans.

Dahil dito, nabuo ang mga tanong kung baka mas malaki pa rin ang UNI emissions kesa sa mga nabubuong burn mula sa fees, lalo na sa short term.

“Kung titignan ang current level, inaasahan na mas marami pa ring UNI incentives kaysa sa mapu-produce na burn mula sa fee switch,” sabi ng isang user. Dagdag pa niya, dapat daw pag-isipan kung gaano kalaki sana ang kinita kung noon pa naka-on ang fees.

Nauna dito, may detalye na binigay ang on-chain research na nagsabing maximum na $95,000 kada araw lang ang puwedeng kitain ng protocol kung nasa pinaka-optmistic scenario at Ethereum lang ang pinag-uusapan.

Pero nang mas pinag-aralan ang bawat pool, mas bumaba pa ang estimate. Marami sa top fee-generating pools ay either walang gaanong liquidity, bagong launch pa lang, whitelisted, o exposed sa rug risk. Ibig sabihin, karamihan ng mukhang revenue, hindi naman talaga madaling ma-cash out.

Matapos alisin ang mga duda na source, lumalabas na nasa $30,000 lang kada araw ang hard, realizable assets—at kahit i-annualize generously, mga $22 million lang ito bawat taon. At ito pa, base na sa malalakas na volume tuwing weekdays at dagdag sa Layer-2 expansion.

Tapos, kung ikukumpara sa $125 million na UNI incentives, lumalabas na talong-talo sa ratio ng fees versus emissions.

“Hindi maganda ang unang data, malayo pa ‘yung fee switch sa offset na target ng mga proposed incentives,” sabi ni Memelord . Dagdag niya, dahil may asset diversity, liquidity na kulang, at arbitrage risk, possible na maraming value ang mawala habang maaga pa ang deployment.

“Sobrang Atat at Di-Totoo?”—Sinagot ni Hayden Adams ang Maagang Puna sa Fee Switch

Pero mabilis tinutulan ang analysis na ito ni Uniswap founder Hayden Adams. Tinawag pa niyang “mali, at misleading” ang mga analysis, at sinabi na ang mga kritiko ay nag-conclude agad kahit kulang pa ang rollout.

“Konti pa lang naman sa mga fee sources ang naka-on ngayon,” sabi niya, at binigyang-diin na pwedeng baguhin pa ang mga settings sa mga susunod na governance proposal.

Pinuna rin ni Adams ang mga nagsasabi tungkol sa early UNI burns. Sabi niya, hindi pa daw efficient na naaarbitrage ang token jar mechanism ng protocol.

Naiipon ang mga fee sa libo-libong iba’t ibang tokens. Samantala, pakonti-konti lang ang pag-burn, kaya hindi raw maganda na gawing basehan ang early burn data para malaman kung ano talaga ang steady-state.

“Walang masasabi ang first burn tungkol sa magiging steady state sa hinaharap,” ayon sa kanya.

Dagdag pa, tinutulan din ni Adams yung pag-compare ng growth budget na nasa UNIfication proposal at yung mga normal na liquidity mining incentive.

Giit ng Uniswap executive, hindi naman masyadong nakadepende ang Uniswap sa liquidity subsidies. Yung growth budget daw, para ito sa pangmatagalang expansion ng Uniswap, hindi pangbayad sa LPs na nagbigay ng fees.

“Kahit mawala ‘yung Labs at growth budget, tuloy lang din ang kasalukuyang fee burn,” dagdag pa niya.

May mga ibang Uniswap community members na sumang-ayon sa opinyon na ‘yan, pero malaki ang contrast nito kumpara sa hype ng market ilang linggo lang ang nakaraan.

Nitong November, nagtulak pataas sa UNI price ang UNIfication proposal ng Uniswap na nag-introduce ng protocol fees, 100 million UNI retroactive burn, at structural consolidation ng Labs at Foundation—kaya umabot ang UNI sa two-month high, ayon sa BeInCrypto.

Noon, sabi ng mga analyst tulad ni CryptoQuant CEO Ki Young Ju, posibleng umabot ng $500 million kada taon ang maiburn kung malaki ang volume.

Sa ngayon, malayo pa rin ang agwat ng bullish expectations noon kumpara sa kung ano nga ba ang nangyayari on-chain. Kung magiging effective ba pansustain ng burn engine ang fee switch ng UNI, o baka sobra lang na-hype—nasa bilis ng scaling at tuning ng Uniswap ang laban kung tutoo ngang magiging solid na source ng protocol revenue ito.

Uniswap (UNI) Price Performance
Uniswap (UNI) Price Performance. Source: BeInCrypto

Ang UNI token na gamit ng buong Uniswap ecosystem, nagte-trade ngayon sa $6.01, halos 6% na ang binagsak sa huling 24 oras.

Disclaimer

Alinsunod sa mga patakaran ng Trust Project, ang opinion article na ito ay nagpapahayag ng opinyon ng may-akda at maaaring hindi kumakatawan sa mga pananaw ng BeInCrypto. Nananatiling committed ang BeInCrypto sa transparent na pag-uulat at pagpapanatili ng pinakamataas na pamantayan ng journalism. Pinapayuhan ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon sa kanilang sariling kakayahan at kumonsulta sa isang propesyonal bago gumawa ng anumang desisyon base sa nilalamang ito. Paalala rin na ang aming Terms and Conditions, Privacy Policy, at Disclaimers ay na-update na.